Chapter 3 : Kyle saves Kate.
"Kriiiing!!"
Tunog ng bell para sa uwian sa tanghali.
Mag-kasabay na nag-lalakad si Kate at Nadine.
Nadine: Bes ang dami mo namang dalang libro, sobra ka naman mag-aral.
Kate: Bes mas okay na 'yung nag-aaral kesa sa hindi, kesa naman tularan ko 'yung mga malalanding babae dito sa school na walang ibang inisip kundi lalaki.
Nadine: Hmmm nasasabi mo lang yan kasi wala kang jowa, pero kapag nag ka boyfriend ka na maiintindihan mo din sila.
Kate: Anong maiintindihan don, eh sila nga mismo ang humahabol sa lalaki kahit alam nilang pinag-lalaruan lang sila, kung 'yung pag-lalandi nila ay ibinuhos nalang nila sa pag-aaral naka bawi pa sila sa ginagastos ng magulang nila.
Nadine: Oh bes puso mo, oh sige ganito na lang, kung sakali lang, na may trabaho kana at nasa tamang edad para mag-asawa ano ang type mong lalaki?.
Kate: Ano ba namang klaseng tanong yan? Asawa na yan ah, aral mo na ako saka na yan.
Nadine: Bes naman kung saka sakali lang naman, wala naman akong sinabing mag-asawa kana, ano ba ang katangian na gusto mo sa prince charming mo?.
Kate: Hay! Naku para tumigil kana.
Tumahimik si Nadine at inaabangan ang sasabihin ni Kate.
Kate: Ang gusto ko sa isang lalaki ay unang-una mabait para mag-kasundo kami, matalino para maintindihan niya ako, Gwapo para bagay kami, Sweet para gagawa siya ng paraan pag-nagaaway kami, at higit sa lahat madiskarte 'yung tipong kaya niya akong buhayin sa sarili niyang paraan at kakayahan, yung hinding hindi niya ako papabayaan 'yun lang naman.
Nadine: Lang? Eh si Mr. Perfect na yan eh! Bes saan ka makakakita ng ganun? Sa lost and found?.
Kate: Eh! Yun ang gusto ko eh! Kung walang ganun edi hindi nalang ako mag-aasawa.
Nadine: Goodluck Bes! Baka mamaya kabaliktaran ang mapunta sa'yo niyan, Pero ako okay na sa'kin si Papa Kyle napaka Cute at tapang pa.
Kate: Kyle? Yung basagulero? Yung nakipag-away kanina? Bes naman mag-kakaroon ka na lang din naman ng crush Basagulero pa?.
Nadine: Wag mo namang i-judge yung tao bes, mga Bully naman yung ginugulpi niya eh.
Kate: Ah! Basta kita naman sa mga kilos niya ang pagiging bayolente, kahit kelan hindi ko magugustuhan ang ganyang klaseng tao.
Nadine: Ayaw mo diwag sa'kin lang siya.
Kate: Sayo na!.
At mabilis na nag-lakad si Kate palabas ng School.
Nandine: Bes sandale!.
Wika ni Nadine at hinabol ang nag-mamadaling si Kate.
Sa kabilang banda.
BINABASA MO ANG
I'll Change My Life For You
Novela JuvenilPaano kung mainlove ka sa isang taong ni minsan hindi mo pinangarap?. Paano nga ba nangyari yon? Try mong basahin ang kwentong ito, mula umpisa hanggang sa huling tuldok ng epilogue. Enjoy :-) :-) :-)