Chapter 1 : Sandro the Bully

57 5 0
                                    

Chapter 1 : Sandro the Bully.

Ang St. Francis National High School ay isang kilalang paaralan sa Pilipinas, dahil sa Physical na ganda ng paaralan at taas ng kalidad ng pag-tuturo at meron itong napakagandang sistema kontra Bullying, pero ang lahat ng ito ay kabaliktaran ng Paaralan, Dalawang taon na ang nakararaan.

St. Francis National High School 2 years ago.

"Kriiiingg"

Tunog ng bell ng paaralan, hudyat para mag sipasok na sa kani kanilang mga silid ang mga estudyante.

Mga Estudyante: "Shiwashiwa".

Teacher: Class Quite!!, mag aatendance na tayo, paano tayo mag-kakarinigan niyan para kayong nasa palengke, kala mo ngayon lang kayo nag-kita kita ah!.

Pasigaw na wika ng guro.

Tumahimik ang mga estudyante.

Teacher: Hindi na kayo mga bata tinutubuan na kayo ng mga buhok, kaya niyo na nga gumawa ng bata eh, tapos hanggang ngayon ganyan parin mga galawan niyo, Diyos ko naman, okay baka ma High blood nanaman ako, Alonzo?.

Mga estudyante: Absent po ma'am.

Teacher: Lagi na lang, ano bang problema ng bata na iyon bakit laging hindi pumapasok.

Bulong ng Guro sa kanyang sarili.

Teacher: Benito?

Mga estudyante: Absent din po ma'am.

Teacher: Sino ang malapit ang bahay kela Alonzo at Benito, paki sabihan nga pinapatawag kamo sila ni ma'am kung mag-aaral pa ba sila, ang mga bata na yun problema talaga.

Teacher: Buena?.

Mga estudyante: Absent din po ma'am.

Teacher: Ano?, ano ba ang nangyayari? Bakit hindi sila nag-sisipasok, kung kailan mga Graduating na saka pa nag-loko, kailangan maka-usap ko ang mga 'to kung anong problema para malaman ko kung ipag-papatuloy pa ba nila ang kanilang pag-aaral.

Teacher: Cruz?

Mga estudyante: Absent din po ma'am.

Teacher: Mabuti naman, hindi sa pag-aano ha, pag-nandito kasi si Cruz lagi napapaaway laging may trouble, buti naman at naisipan niyang mag-pahinga.

Wika ng guro.

James: Bakit kaya hindi pumasok si Kyle?.

Tanong ni James sa sarili.

Ilang oras ang lumipas.

"Krrrinng!!!".

Tunog muli ng bell para naman sa reces.

Nag-rereces si James sa canteen kasama ang iba pang mga estudyante, habang inaantay niya ang kanyang inorder ay pinag-mamasdan niya ang bagong bili sa kanyang relo na galing pang ibang bansa.

I'll Change My Life For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon