08 - Huli na

6 1 0
                                    



Bakit ang hirap intindihin nitong nadarama?



Masyang masaya naman ah. Bakit napalitan ng mga luha?



Yung akala ko panghabambuhay, matapos ang ilang araw maglalaho rin pala, ang masaklap pabalik-balik pa.



Permanente raw ang pagkakaibigan, ngunit bakit sa iilang sandali na nalulunod ka sa kalungkutan, kung kelan mo sila kailangan... Sila'y nakatalikod at tilang walang kamuwang muwang.



Ako nga ba ang may mali? Ako nga ba ang may problema?



Haha. Ewan ko nga rin eh, kung ikaw walang maisasagot sa tanong na yan, mas malala naman ako na siyang andito sa sitwasyong ito.



Masyado ba akong umasa na gaya ng sa mga palabas lahat ng maaring maging problema ay nalulutas pag nag-uusap lang?



Umaasang ang mga kathang isip ay maaaring maging katotohanan?



Maaaring tama nga. Ako ang may kasalanan. Kung bakit umaasa, nagdradrama, at maging ako lang.



Siguro kung mas naging mabuti lang ako na kaibigan. Kung nakinig ako gamit ng puso 'di lang ang tenga,



Hindi mauudlot o masisira ang ating samahan.



Kung gumalaw ako kahit walang abiso. Kung lumapit ako sayo kahit wala namag kailangan.



Sana. Sana. Magkasama parin tayo hanggang ngayon.



Naakakatuwaan.



Nagdadamayan.



Ang maging totoong tayo lamang.



Nakakalungkot mang isipin pero ito ang katotohanan.



Huli na ang lahat, aking kaibigan.

RandomWhere stories live. Discover now