Gift's

3 2 0
                                    

Sorry guys ngayon lang nakapag update sobrang busy ang lola nyo haha.
------------------------------------------------

andito ako ngayon sa room ko. Ano ginagawa ko? Eto nagbubukas ng gifts andami kaya, minsan lang ako makatanggap ng ganito kadami na regalo yung ibang niregalo saken mga pang girly na dresses or tops, hindi ba nila alam na hindi ako nagsusuot ng ganito. Hys -.-

Wait may isa pang regalo dito maliit na box lang sya, color black yung wrapper kinuha ko kaso walang name, kanino kaya ito galing? Ang liit naman neto? Hahaha. Buksan ko na nga!

Pagkabukas ko WOW! *^▁^* ang ganda naman neto! Naka engrave yung name KO! Isa tong bracelet na silver, sino kaya nagregalo neto saken. Sayang hindi ako makakapag thankyou sakanya kase hindi ko kilala kung sino nagbigay neto. Pero i like it! wait no, mali yung term. I LOVE IT! YES LOVE IT! SUPER! ANG GANDA KASE! Simple lang pero halatang pinagawa talaga!

Tapos nako magbukas ng mga gifts, yung iba towel, stuff toy, shorts, watch, at saka mga pang girly na damit at shirts karamihan is Damit.

Nag vibrate yung phone ko.

Brix calling.......

sinagot ko.

Hello brix? Sabi ko ng nagtataka.

Hi Zia! Happy birthday! Sorry hindi ako yung naging escort mo, sinabi naba sayo ni Zion? aniya.

Ahmmm. Oo sinabi nya, bakit hindi mo naman sinabi sakin na may sakit ka pala, anyway get well soon. Sabi ko

Eh nakalimutan kona by the way, natanggap moba yung gift ko sayo? tanong nya.

Kyahhh! Hindi kaya sya yung nagregalo ng bracelet?

Ahmm. Ikaw ba yung nagbigay ng bracelet? Tanong ko ng nakangiti.

Wait, bracelet hahahahahahahahahaha. Hindi no! Yung towel yung gift ko sayo! Hahaha para maligo kana! Blehh. Haha. Asar nya sakin.

Ah! Sya pala yung nagbigay ng towel saken! Anong akala nya saken? Hindi ako naliligo? Actually, minsan talaga hindi kasi ang lamig ng tubig dito samen, pero pagnaman naliligo ako kinabukasan two times, oo two times! Problema mo ba?

Hey! anong akala mo saken? Hindi naliligo!? Kunwari galit haha.

Okay bye! Ay bastos. -_-

Call ended...

Humanda ka saken bukas CHARLES BRIXTER!

Pero wait, nakalimutan ko itanong sakanya kung bakit sila magkakilala ni Zion the Lion! Baka naman magkaibigan? Ay basta bukas ko nalang tatanong sakanya.

Nerd's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon