The truth is..

3 2 0
                                    

Next day...

Nagising ako sa sinag ng araw galing sa bintana. Inaantok pako pagod pako hanggang ngayon.

Tumayo nako kasi baka malate pako masungit pa naman yung first subject teacher namin.

Nagmorning ritwal nako, syempre naligo nagbihis at kumain.

Pagkalabas ko sa pinto huminto si Mang Mario sa harap sakay yung kotse namin, aba himala hindi ako ihahatid ni kuya Ziren! Haha madalas kasi si kuya yung naghahatid saken.

So sumakay nako sa loob.

Zia? Anong oras kita susunduin mamaya? Tanong nya.

Ah magtetext nalang po ako, para hindi na po kayo maghintay sakin. Sagot ko.

Sige, oh andito na tayo.

Salamat Mang Mario, sige po ingat po kayo. Pagpapaalam ko.

ikaw din iha. Sagot nya.

Pagbaba ko ng kotse nakita ko agad si Brix, tapos tumakbo ako naalala ko yung itatanong ko sakanya.

takbo.. takbo.. takbo..

Brix! hoy! Tumigil ka! Hingal na hingal kong sambit.

Oh baket? Bakit ka hingal na hingal? Aba mabait ata?

Ang bilis mo kaya maglakad! Kanina pa kita hinahabol at tinatawag ang bingi bingi mo! Sabi ko na pagod na pagod.

Hahaha. Kasi minsan kailangan bilisan mo! Oh bakit ba? Bakit moko hinahabol? Pogi ko naman sa part na'to. Ang hangin bigla, ano ba yan!

Wow ha? Ikaw hahabulin ko? Abay-- hindi na nya pinatapos yung sasabihin ko.

Wag ka ngang chussy! Sa pogi kong to? Hm. Bahala ka nga sa buhay mong mahangin ka!

Minsan talaga hindi ko mahuli si Brix, minsan mabait, minsan naman masungit, minsan parang bad boy, at minsan mahangin!

Bahala ka nga sa buhay mo! Naglakad nalang ako.

Teka! Haha. Pikon! Ano ba yung sasabihin mo? Alam ko namang may sasabihin ka sakin. ay naalala ko nga pala!

Paupuin mo muna ko dito sa bench! abay nabapagod kaya ako kakahabol sayo! Tapos umupo nako.

Curious lang ako masyado, haha yung isang mabait na si Brix, makikilala si Zion the Lion? Wow ha? Imposible namang magkapatid sila?! Hello? Ang layo kaya ng itsura at ugali nilang dalawa!

Ay oo nga pala! Bakit kilala mo si Zion? Saka bakit mo sya napapayag na sya nalang yung proxy mo dun sa debut ko? Tanong ko sakanya sabay pout.

Ah yun ba? Hindi ko pa nga pala nasasabi sayo na KAPATID KO SAYA. Sagot nya sabay tingin sakin.

Wait? Ha-ha! Kapatid? Pano mangyayari yon e magkaiba kayo ng last name? Ang layo ng itsura nyo, saka lalo naman yung ugali. Nagtataka kong sagot.

MAGKAIBA KAMI NG TATAY, Si Zion Pilipino yung tatay nya, ako Chinese yung dad ko tapos dun ako pinanganak sa China nung nagbakasyon si mommy don nya nakilala si dad tapos namatay yung dad ko heart attack, kaya napagdisisyunan ni mommy na umuwi na sa dito sa Pilipinas, tapos nakilala naman nya yung dad ni Zion tapos yun nga nabuntis si mommy mag 1 year old nako, ayon na nga si Zion.

Nagtataka parin ako bakit magka batch sila e mas matanda si Brix kay Zion ng 1 year?

'Kung nagtataka ka kung bakit magka batch kame, dahil pangarap ni mommy na magkaanak ng kambal kaya pinagsabay kame ng pag-aaral ni mommy at ng step dad ko yung daddy ni Zion.' dagdag pa nya.

Bakit parang ang lungkot nya? Baka nalulungkot sya dahil hindi nya manlang nakasama yung dad nya, hys kawawang Brix.

'Ah, ngayon malinaw saken ang lahat, so half brother kayo ni Zion? Iba yung tatay nyo pero isa yung nanay nyo? sabi ko.

"Oo ganun na nga... sige pupunta nako sa room namen!" Sabay alis nya.

Nagbell na hudyat na umpisa na ng first period, pumunta nako sa room buti nalang wala pa si maam masungit.

Nerd's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon