Confession

3 2 1
                                    

Andito na kame sa star city actually kanina pa, mag 8:00 pm na nga e, kasama ko lang si Liza at Brix. Sumasakay kame sa ilang rides dito, masaya kaso parang hindi nako naging komportable simula nung nagtanong si Zion tungkol kay Brix.

"Hoy! Ano ba! Lula ka nanaman ba?" Harot ni Liza sakin.

Nakatulala nanaman pala ko dito kainis naman kasi di Zion! Nagtanong pa ng ganun!

Papunta kame ngayon sa Ferry's Wheel, ang ganda nito makulay kasi gabi na ang taas nito, pero mas mataas yung nasa Skyranch, mabagal ang ikot nito kaya mukhang hindi nakakahilo, sumakay na kami nila Liza at Brix sa loob, kinakabahan ako baka mamaya mawalan na power tapos ma trap kame sa tuktok, o kaya biglang masira yung machine na nagpapaikot nito, o kaya naman biglang lumindol, hay! Ang pessimistic ko talaga! Ano ba Zia yang iniisip mo!?

"Zia?" Tawag sakin ni Brix.

"Why?" Sagot ko.

Hinawakan ni Brix yung kamay ko, hala! Ano ba yung ginagawa nya! kinakabahan ako! Nakakainis humanda ka sakin Brix!

"May sasabihin ako makinig kalang ha" para syang kinakahabahan.

Nung sinabi nya yon nagsimula ng umikot yung Ferry's Wheel.

tumingin lang ako ng nagtataka kay Brix, hindi ba sya nahihiya? Andito din si Liza! Kasama namin sya, nakakabadtrip na.

"Ayieeee, kinikilig ako sainyong dalawa!" Bulyaw ni Liza.

Tumingin si Brix kay Liza pero tumingi ulit sya saken, hindi nya pinandin yung sinabi ni Liza.

"Simula nung nakilala kita, sumaya ako, ginanahan ako sa bawat araw na lumilipas kasama ka, hindi alam kung bakit ko yon naramdaman nung nakilala kita, nung una hindi ko lang pinansin kasi akala ko masaya lang ako, perp mali may iba pakpng nararamdaman bukod sa saya kapag kasama ka, bigla bigla nalang bumibilis yung tibok ng puso ko, parang may kuryente na dumadaloy sa katawan ko tuwing nahahawakan kita, minsan nga sinasabi ko sa sarili ko sana nararamdama mo din tong nararamdaman ko, makita palang kita masaya nako, GUSTO KITA ZIA, GUSTONG GUSTO!" Sabi nya nang may sinseridad sa kanyang mga mata.

"Pero, Brix, bakit? Bakit ako? Hamak ganda ng iba, bakit ako pa? isa lamang akong nerd na tao kung tingnan nila, pero bakit moko gusto?" Nagulat ako sa sinabi nya.

Bakit ako? May kung ano akong naramdaman nung sinasabi sakin ni Brix yon, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon bumibilis yung tibok ng puso ko.

"Hindi ko din alam Zia" napayuko sya.

natahimik kami sa sinabi nya, parang kami lang dalawa dito! Kahit kasama namin si Liza! Nakakahiya sakanya.

"Ayieeee, umamin na si Brix kay Zia!" Basag ni Liza sa katahimikan. Hindi na namin iyon pinansin

Sakto naman na huminto na yung Ferry's Wheel kaya bumaba na kami.

Tahimik lang kami sa bawat lakad namin, pumito na yung ibang teacher hudyat na sasakay na kami ng bus, hys salamat makakauwi nadin kami.

Lumapit na kami at sumakay, umupo nako sa upuan at umupo nadin si Brix, tahimik lang sa loob ng bus dahil lahat kami pagod. Hindi ako umiimik sa buong byahe.

Naisip ko nanaman yung kanina.

SI BRIX MAY GUSTO SAKIN?

------------------------------------------------
A/N:

HI GUYS! PLEASE VOTE, PASENSYA NA MASYADONG MABAGAL MAG UPDATE, MADAMI KASING GINAGAWA SA SCHOOL KAYA BUSY.

Please vote and keep reading... Loveyou all :*

Follow me on IG & FACEBOOK:
Jewel C. Dela Cruz
&
Jewel Cebe Dela Cruz (on my fb)
@cebejewels (Ig)

Thanks guys and godbless.

Nerd's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon