Next day

15 1 1
                                    

Naglalakad ako sa hallway, wait... parang may sumusunod saken. Tingin sa kanan. Kaliwa. Sa likod. Then, harap! Wala naman. Hmf. "Ahhhh" gulat akong napasigaw dahil may kumalabit saken. SYA?

"Oh, wait sorry. Magugulatin ka pala?" Napanganga ko sa itsura nya, Matangkad, maputi, matangos ang ilong, medyo chinito, at mukhang mabait.

"Ikaw?!" gulat kong sabi.

"Oo, ako? Bakit, sorry nga pala nung nabunggo kita, hindi nako nakapagsorry sobrang nagmamadali ako nung araw na yon." aniya. Wow mas lalo syang pumogi sa sinabi nya.

"A-ah, o-okay lang yon." Pautal-utal kong sagot.

"Nasaktan kaba?" Tanong nya.

"Ah, hindi naman, nabasag lang yung salamin ko, pero okay lang yon may extra naman ako." Sabi ko nalang, kahit hindi ko talaga type yung extra kong salamin.

"Ahmm. Ganito nalang, sama ka saken, bilis" sabay hiltak sa wrist ko. Kinikilig ako kase first time may lumapit saken na lalake, i mean yung first time may gumawa sakin neto yung kadalasan kase binubully ako date, kasi daw nerd ako, weird, at walang friends kaya binubully talaga nila ko.

Nasa parking lot kame ngayon ng school, at sasakay sa kotse nyang kulay maroon? Ewan basta medyo dark red na ewan basta yon na yon.

"Wait, san tayo pupunta?" Tanong ko.
"Steady kalang jan, by the way i'm Charles Brixter So, and you are?" At naglahad sya ng kamay.
"Oh, i'm Ziah Georgia Siego" sagot ko.
"Nice to meet you again, Gia?" Sabay ngiti
"Gia?" Nagtataka kong tanong.
"Yes, Gia. Gusto kong itawag sayo ay Gia, short for Georgia." Then smirk.
"Ahh." ngiti ko sa kawalan.

Huminto na yung sasakayan, andito kame sa EO? Yes, EO kung saan nagpapatingin ng mata. Bumaba sya at bababa na rin ako.

"Bakit tayo andito?" tanong ko

"Papagawan kita ng salamin sa mata sa mommy ko" then he smiled.

Wait? Mommy? Tama ba? Sila may ari nito? Rich kid naman pala itong si Brix, yes Brix? Short for Brixter! Hahahaha. Okay. Pumasok na kame.

"Hi mom, this is Gia, my new friend" bati nya sa mommy nya na mukhang mabait, maputi ito, makinis, actually mas mukha pa syang bata kesa sakin, kakahiya to!

"Nice to meet you, Gia. By the way Im Elizabeth So, you can call me Tita Beth." then she smiled at me.

"Nice to meet you too po Tita Beth" Ang ganda nya, lalo na nung ngumiti si Tita Beth with braces pa!

"Son? What are you doing here?" Tanong ni tita beth.

"Mom? Pwede po bang gawan mo si Gia ng eye glass? Nabunggo ko kasi sya, then nabasag yung salamin nya." He's so cute.

"No problem, let's go Gia." Aya nya saken.

"Ay, tita hindi napo, may extra papo ako samin, thanks nalang po" hiyang hiya kong sabi.

"No, no, no, wag kana mahiya please." Sabi ni tita

No choice. Sumunod nalang ako gaya ng sabi nila. Kakahiya naman to.

Nerd's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon