May tour ngayon sa school namin, kaya maaga dapat nasa school na yung pupuntahan namin Star City, Myth of the Human Body, at Avellon Zoo. Yung section namin at saka yung section ni Brix at Zion yung kasama sa bus, actually paakyat nako ngayon.
"Arayyy!" Daing ko.
Mag bumangga sakin! Nakakainis naman! Pinagtatawanan tuloy ako haysttt! Kaines!
"Tumayo ka ng jan, pinagtatawanan kana hindi ka pa din tumatayo!" Bulyaw nya sakin.
"Tseee!" Sabi ko sabay tayo.
Tapos yung ibang kaklase ko saka yung kaklase nila Brix tingin ng tingin saken.
"Zia!" tinaeag ako ni brix sabay senyas ng upuan sa tabi nya.
Ngumiti naman ako tapos lumapit ako.
"Dito ka nalang maupo" offer nya.
"May nakaupo ba jan?" Wala sa sarili kong sagot.
"Alam mo minsan nakakatawa ka, obvious naman na wala kase wala kang nakikita! Aayain ba kita dito kung meron? Kahit kelan walang ka sense sense yang sinasabi mo" sabay hatak sakin kaya napaupo ako sa upuan na sinasabi nya.
"Naninigurado lang naman ako." Nahihiya kong sabi.
Ngumiti lang sya sakin bilang sagot.
Umandar na yung bus na sinasakyan namin.
"Oy! Zia! Gumising kana! Andito na tayo! Aray naman!
Wait! Nakatulog bako? Ay, obvious naman diba? Ginigising nga ako e! Hys.
Inayos ko yung sarili ko nakakainis naman, baka may tulo laway pako e. Hys!
"Anditi na pala" yan lang nasabi ko.
"Ay wala pa! Kaya nga ginising kita diba?" Po na! Kaines naman 'to.
Bumaba na kameng lahat sa bus, muntik nako madulas buti napahawak ako kay Brix, hys kahit kelan ang tanga tanga mo Zia!
"Mag ingat ka nga!" Sabay ngiti.
Para namang naginit yung mukha ko sa sinabi nya. Haha! Wait, bat sya nakatingin ng masama samen!?
"ANG CORNY NYO!" Sigaw ni Zion.
Nagkatinginan kame ni Brix, sabay natawa sa inasal ni Zio the Lion.
"Haha! Napapano yon?" Natatawa kong sabi.
"Hayaan mo sya nagseselos lang yon!" natatawa din sya.
"Nagseselos?" Nagtataka kong tanong.
"Wala! Tara na nga" sabay hila saken.
Nandito kame ngayon sa Avellon Zoo. Maganda dito malinis at tahimik sa lugar.
Lumapit kami sa tinuro ng tour guide namin, OMG AYOKO NA LUMAPIT! Takot ako dyan!
"Ahhhh!" Natatakot kong sigaw
Lumapit kasi sakin yung malaking UNGGOY...
"Are you okay?" Lumapit sya saken.
"Ah okay nako, salamat Zion, natakot lang ako s unggoy" Nahihiya kong sagot.
Nakatingin samin yung ibang students nakagawak kasi si Zion sa balikat ko.
Sumunod na ulit kami sa tour guide. Madami kaming pinuntahan, ang dami ditong mga hayop, feeling ko nga mas maganda dito kesa dun sa ibang Zoo.
Sumakay na ulit kami sa bus para sa next destination, Myth of the Human Body buti nalang tapos na kami maglunch.
Ang makikita kasi dun mga buto ng tao, parts ng katawan ng tao as in lahat ng parts, naka formalin naman yon saka naka glass kaya safe naman sya pero amoy padin dito sa loob yung formalin na parang amoy fly wood na ewan. Hindi pa namanako sanay sa ganung amoy, kaya saglit lang akodun lumabas nako naghintay nalang ako bus.
Parang bumukas yung pinto ng bus, bakit sya nandito?
Zion......
umupo sya sa tabi ko, anong problema nito? Parang may something na dumaloy sa katawan ko nung nagdikit yung braso namin.
Hyst. Ang awkward naman ng moment nato.
"Bakit nandito kalang?" Tanong nya.
"Ah e, wala lang, diko gusto yung amoy sa loob kaya dito nalang ako." sagot ko.
"Gusto moba yung kuya ko?" Tanong nya.
"Ha? Ba-bakit mo natanong yan?" Nagtataka kong sagot.
"Yes or No" Walang ekspresyon na sabi nya.
"Ah, hin-----" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi pumasok na yung mga students siguro next na kame sa Star City.
Naalala jo yung tanong ni Zion, may gusto bako kay Brix? Well, kahit ako hindi ko alam kasi masaya ako kapag kasama ko sya, saka parang ang safe ko pagkasama si Brix, parang tumibok ng mabilis yung puso ko nung umupo na si Brix sa tabi ko, sa pag iisip ko sa tanong ni Zion hindi kona naMalayan na umalis na pala si Zion sa tabi ko.
Gusto ko nga ba sya?
