Ginising ako ng alarm ko, pakiramdam ko ang ganda ng gising ko kahit pagod ako kahapon.
Gumayak ako para mag jogging sa labas ng subdivision.
Hindi pa naman ganun kasikat yung araw pero okay pa naman siya para makapag jogging, naglagay muna ako ng note sa ref para pag hinanap nila ako hindi sila mag-alala.
Lumabas nako at nagsimula nang mag jogging...
Hay, nakakapagod talaga gusto ko mag bawas ng timbang kasi medyo mataba nako ang bigat saka parang hindi ko madala yung sarili ko.
Tumakbo ako ulit at.
"Ahhhh!" Muntik nako masagasaan! Ano ba yan! Nasaldak tuloy ako! Umagang umaga naman may nagda-drive dito! Aish, kaines!
Bumaba yung driver ng kotse na muntik ng makasagasa sakin.
"Miss, sorry hindi ko sinasadya, mahina kasi yung ilaw ng kotse ko kaya hindi kita masyadong nakita." Sabay alalay sakin para tumayo.
Unti-unti ko naman inangat yung ulo ko.
"IKAW?!!" Sabay kaming nagulat.
Tapos biglang tumahimik unti unti naman nyang binitawan yung braso ko, sa dinami dami nga naman ng makakasagasa sakin 'Zion' pa. Nakakainis naman! Ang init talaga ng dugo ko sakanya, feeling ko twing makikita ko yung lalaki nato nag-iinit yung katawan ko, parang anytimw pwede kong sumabog kaya hindi pwedeng matagl ko syang makasama.
"Ah, okay lang ako, mag-iingat ka sa suaunod para hindi ka makadisgrasya! Akala mo naman kasi may karera! Mahina pa pala yung ilaw!" bakit parang nagulat siya sa inasal ko? May nasabi bakong masama?
"Tanga ka din kase! Tumingin ka din kasi sa dinadaanan mo!" Sabi nya na parang nangiinis.
"Aba! Ikaw pa may ganang magalit ha! Ikaw na nga tong muntik ng makasagasa, ikaw pa managalit!?" Inis kong sagot!
"Ahh, arayyy!" Bigla naman sumakit yung tyan ko.
"Oy! Anong masakit? Gusto mo dalin kita sa ospital?!" Nag-aalala nyang tanong.
"No, hindi na gutom lang siguro ako o kaya naman e may call of na----." Agad naman akong tumabo, hindi ko na nga natapos yung sasabihin ko.
Buti nalang talaga malapit-lapit lang dito yung bahay namin, hindi naman kasi ako lumalayo kasi hindi kopa masyadong alam yung pasikot-sikot dito samin.
YES! SUCCESS! THANKYOU LORD.