Operation 4

353 18 6
                                    

Nanatiling nakatingin sa baba ang kanyang tingin. Paano nalaman ng ibang tao ang tungkol sa mansyon na 'yun?

Tahimik ang lahat ng sakay ng helicopter, marahil nakatatak sa kanila ang nangyari kani-kanina lamang. Hindi rin niya magawang magtanong dahil sa ingay ng elisi.

Hindi rin nagtagal ng makakita siya ng isang mansyon na may malawak na hardin. Nakita niya ang simbolo ng kanilang pamilya sa tarangkahan.

Bumaba ang helicopter hindi malayo sa mansyon. Agad na may humintong sasakyan sa malapit at nagbabaan ang mga armadong lalaki. Agad na sumunod ang kanyang ama na bakas ang kaginhawaan ng makita siya.

"Princess."

Basa niya sa labi nito. Binigyan niya ito ng malungkot na ngiti. Hindi pa rin maalis sa kanyang isip ang nakitang pagsabog ng mansyong kinalakihan niya. Kasama ng mga taong nagbuwis ng buhay para sa isang prinsesang walang identididad. Kasama ng alaala ng kanyang ina.

Iginiya siya ng mga tao papalapit sa kanyang ama na sinalubong siya ng yakap. Hindi niya napigil ang luha. Pero isa ang nabago sa kanya, hindi siya yumakap pabalik sa ama. Hinayaan niya lamang itong yumakap sa kanya ngunit hindi niya ibinalik ang yakap nito.

Namumuo ang rebelyon sa kanyang sistema. Ayaw na niya ng ganitong klaseng buhay, ngunit magawa nga ba niyang talikuran ang ama?

"I am glad you are here. I am sorry, daddy's not there to protect you. But now that you are here, I will keep you safe Sandara. Don't be afraid okay?"

She gave him a tight nod and started withdrawing herself from his hold. Sumakay sila sa sasakyan at tanging ang paligid lamang ang tinitignan niya.

"Yes, they attacked my mansion. I am sure that it's the yakuza's. May nakakita ng simbolo nila sa isang baril. Sila ang sumugod sa pamamahay 'ko. Sa tingin mo hahayaan 'ko lang ang nangyari?"

Matagal na nakinig ang ama sa kausap. Pinipigil niya ang paglingon dito. Ramdam niya ang galit sa bawat bigkas ng salita nito kanina. Giyera na ba ito?

"No. I won't. I want war. They started it, ako lang ang tatapos."

Ibinaba nito ang cellphone at bumuntong hininga. Iniabot nito ang kanyang kamay at hinalikan ito.

"I will kill anyone who would dare hurt you. I promise you that."

Umiling siya at masaganang luha ang umagos sa kanyang mata. She caused another set of deaths. And now she's causing a war. Libong buhay na naman ang mawawala ng dahil sa kanya. Nakakatawang isiping takot siya kay kamatayan pero parang wala siyang pinagkaiba rito. Nagdadala ito ng kamatayan at kumukuha ng buhay. And here she is bringing death, taking lives. What is their difference?

"Daddy, why don't you let it slide? Hayaan na lang natin? They didn't know that I was there. I even doubt it if they even knew that I exists!"

Marahas ang paghinga nito at hinaklit siya sa braso. Nag-aalab ang mga mata nitong tumitig sa kanya.

"Let it slide? I almost lost you! You are injured, grazed by a fucking bullet Sandara. And you are asking me to let it slide? Ni hindi kita pinadadapuan ng lamok, ngayon ay nagdurugo ang braso mo dahil sa bala tapos sasabihin mo hayaan na lang? And don't you raise your voice on me!"

Sigaw nito sa muk'a niya na ikinapikit niya. His voice thundered inside the car. Sumisigaw ito ng awtoridad na kahit na sino'y katatakutan. Nag-aapoy sa galit ang mga mata at naka-tiim bagang na pinipigil ang galit. Ramdam din niya ang sakit sa pagkakadiin ng kamay nito sa kanyang balikat.

"I.. I.."

She's lost for words. Truth be told, takot siya sa ama. Kaya marahil naging alipin siya nito ng mahabang panahon. Hindi lamang dahil mahal niya ito, kundi natatakot siya rito.

(The Agents) Operation: Protect the Mafia Boss' DaughterWhere stories live. Discover now