Kagat-kagat niya ang labi niya. Bakit nga ba siya nag-offer na mag-luto? Halos ipalo niya ang ulo niya sa kitchen counter. Gusto na lang rin niyang kunin ang kutsilyong nakapatong sa chopping board at mag-laslas.
"Nannyyyyyy!"
She shrieked. GU-MA-LAW-'YUNG-IS-DA!
Agad niyang kinuha ang takip ng kawali at ginawang shield.
"Anong nangyari?"
Marami ang nagdatingan, dalawang shadows at tatlong katulong. Binigyan niya ang mga ito ng natatakot na ekspresyon bago inginuso ang isdang tumatalon-talon.
"Sus maryosep na bata."
Huminga ng maluwag ang lahat at umiling. Tumayo siya ng tuwid at ngumuso.
"Hahahaha."
May naglakas ng loob na tumawa. Agad pumalo ang ulo niya sa direksyon ng pangahas. I'm seeing red. Stop me from killing this man.
"What's funny?"
Singhal niya sa 'di kilalang lalaki. Humahalakhak pa rin ito kaya lalong naningkit ang kanyang mata. This guy is getting on her nerves.
"You."
Walang kagatol-gatol nitong sinabi at pinunasan pa ang luha dahil sa kakatawa.
"Nanny? Sino ba ang lalaking ito?"
She gritted her teeth. No one did ever dared to laugh or make fun of her.
"Ako si Lee Seunghyun, mahal na prinsesa. Seungri na lang."
Kinindatan pa siya ng lalaki at yumuko na parang isang prinsipe. Hindi niya napigil ang pag-silay ng ngiti. He knows me, but he still dared laugh. This guy is brave.
"Ano ang kailangan mo? Paano ka nakapasok? At anong ginagawa mo rito?"
Itinaas nito ang kamay na parang sumusuko.
"Woahh! Easy there sweetie, hindi ako ang dapat kausapin mo."
Kumunot ang noo niya, sino ba ang dapat 'kong kausapin? Sweetie? Gago yata 'to.
"Kyaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!"
Tili niya ng biglang tumalon ule ang isda. Halos pag-kasyahin niya ang sarili sa takip ng kawali. Matagal na katahimikan ang dumaan.
Unti-unti siyang sumilip mula sa takip ng kawali. Dahil nasa likod ng kitchen counter ang daan papunta sa Sala, nakita niya ang isang lalaking hindi niya pa nakikita.
Sumisigaw ng awtoridad ang pagkakatayo nito. Mula sa mata nitong nagsasayaw ang pagka-tuwa, papunta sa ilong nitong maganda at sa labi nitong mapula. Maging ang adam's apple nito'y magandang tignan.
Masyado itong gwapo sa paningin niya kaya muli siyang nagtago sa likod ng kawali. Nakagat niya ang labi, gaaah! Bakit may gwapo roon? Shadow din ba siya?
Nagkaroon ng halakhakan sa paligid. Gusto na lang niyang ilubog sa kumukulong mantika ang muk'a niya para ma-deform. Kahihiyan, people. Sobra-sobra.
"Scared?"
Napatayo siya ng tuwid. Kahihiyan ni daddy ang pagiging takot 'ko sa isda. Umiling siya at inayos ang sarili. Sinamaan niya rin ng tingin si Seungri na nagpipigil ng tawa.
"Good, cause you will cook that fish alone. Walang tutulong sa'yo."
Nangunot ang noo niya. Sino ba ang lalaking ito? Inilapag niya ang takip ng kawali at naglakad papunta sa harap ng lalaki.
"Who are you to say that?"
Nanghahamon niyang tanong.
"I am your freedom princess, now show me what you've got."
Napa-atras siya ng ilapit nito ang muk'a sa muk'a niya. Umalis itong walang paalam dahilan para maiwan sila.
"Who's that guy?"
Tanong niya na ikinakibit balikat lamang ng lahat. Ano 'yun? Pumasok dito ng basta-basta?
Napatingin siya sa isda na ngayon ay naghihinalo na. Napakamot siya ng ulo, ano ba 'tong napasok 'ko?
--
She grunted, tumingin siya sa wrist watch niya. Damn, 7:00 na. Pumasok siya sa kusina ng 4:00 pero hindi pa rin siya nakakapag-luto. What to do?!
"Stop looking at the damn fish, hindi 'yan maluluto sa titig mo."
She jumped in surprise. Napatingin siya sa lalaking nakapamulsa at nakasandal sa pader malapit sa kanya.
Ngumuso siya at muling tumitig sa isda, patay na ito. Nakagat niya ang labi niya, paborito ng kanyang ama ang relyenong bangus.
"Paano ka mabubuhay ng normal kung ang simpleng pagluluto eh hindi mo magawa?"
Umakyat yata lahat ng dugo sa ulo niya. Hindi siya mahina. Mustering all the courage in her, she took a step forward. Hwaiting Sandara, isda lang 'yan. Hinawakan niya ito at tila na-relax siya, sumilay ang ngiti sa labi niya. Hindi naman siya gaanong nakakatakot.
Nilingon niya ang lalaki pero wala na ito, nagkibit balikat siya at inumpisahan na ang pagluluto.
--
Ihinain sa hapag ang niluto niya. Nakangiti siya ng maluwag. Tumingin siya sa wrist watch. 10:00. Where are you daddy?
Isang ideya ang pumasok sa isip niya, amoy isda at malansa ang pakiramdam niya. Maliligo muna siya bago dumating ang daddy niya.
--
11:00 P.M.
"Pick up the call dad."
Pabalik-balik siya sa paglalakad habang nakadiin sa tenga niya ang cellphone. She's calling her dad.
"Sorry, the number you've dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."
She grunted, ibinagsak niya ang katawan sa sofa. Umiling siya at agad ding tumayo at tinungo ang dining hall.
"Nanny!"
Tawag niya sa mga katulong, agad namang nagdatingan ang mga ito.
"Saluhan niyo 'ko."
Umiling ang lahat na ikinasimangot niya. Hindi sila pwedeng tumanggi.
"Utos 'yun, hindi paki-usap."
Ginaya niya pa ang daddy niya kaya napalunok ang iba at napilitang umupo.
"Good. Now, eat."
Ngumiti siya ng matamis at inumpisahan na ng mga ito ang pagsisilbi muna sa kanya bago kumain.
"Masarap ba?"
Tanong niya ng sumubo na sila. Nakita niya ang disgusto sa mga muk'a nito, dahilan para lumungkot siya at humaba ang nguso niya.
"M-masarap."
Sagot ng isa. Her face lit up as her eyes twinkled.
"Talaga?"
Tumango sila. May humagikgik sa malayo. Napatingin siya rito at nakita si Seungri na nakatayo at naglalaro ng isang kutsilyo.
"Akalain mong maniwala ka roon? Napipilitan siyang sumagot ng 'oo'."
Nginisian siya nito. Napasinghap siya at napalingon sa mga katulong. Nag-si-iwas ang mga ito ng tingin. Totoo nga.
"Ano bang kailangan mo?"
Tanong niya sa mababang tono. First, she put an effort on doing the dish. Second, her father ditched her. Third, she's tired and worn out. Wala na siyang lakas para makipag-talo pa.
"Wala, aalis na nga kami eh."
Ngumiti ito at nginuso ang lalaking dumaan lang at dire-diretso papunta sa Sala. Tumayo siya at sumunod sa dalawa.
"Sino ba kayo?"
Pangungulit niya pero deadma 'yung isa. Si Seungri naman ay nagkibit balikat lang.
"Kilala mo na 'ko 'diba?"
Tanong nito at nag-dire-diretso ng lakad papalabas. Tumalikod siya at babalik na sana sa Sala dahil wala siyang mapapala sa dalawa ng..
"Hoy plat! Hindi raw uuwi ng dalawang araw daddy mo."
She stopped on her tracks. Frozen on her spot, rotten on that place. Hanggang sa unti-unting na-proseso ng utak niya ang sinabi nito.
WHAT THE HELL? DID HE JUST?
DID HE JUST CALLED ME FLAT?
Napatingin siya sa hinaharap. Bumagsak ang balikat niya. Pero....
"UGGGGGGGHHHHH! HOW COULD YOU!!!!"
YOU ARE READING
(The Agents) Operation: Protect the Mafia Boss' Daughter
Fanfiction9 agents in mission. 10 lives at risks. It is a life and death situation. A battle with everything on the line. Could they make it? Operation: Protect the Mafia Boss' Daughter.