Hindi niya malaman kung ano ang uunahin ang pagpatay ba kay Jiyong o ang paghingi ng dispensa sa mga taong nasa harap niya ngayon. Tunay nga ang sinabi ng dragon, she made everyone worried again.
Nakatayo si Jiyong malapit sa isang babae na kausap nito. Panay naman ang hingi niya ng sorry, kailangan pa palang sirain ni Seungri ang pinto ng kwarto 'ko dahil hindi ako sumasagot mula sa loob. Kung hindi pa daw may nakapagsabi sa kanilang lumabas ako ng building kasama ng isang bata, baka sinunog na ng siyam ang buong building.
"Next time wifey, you should tell us if you are going out so we could send someone to tail and guard you. Don't make us worry again neh?~"
Bilin sa kanya ni Chae at inakbayan siya. "Yah~ Chae! Get your arms off her!" Sita sa kanya ni Seungri but Chae would just flip her hair and stuck her tounge out at him.
"Manigas ka sa inggit daga."
Pang-aasar pa nitong sabi. Tumawa lang ako sa mukha ni Seungri na lumayo na at nanggugulo na kay Top at Bom na nagbabangayan.
Chae excused herself. Kailangan pa daw niyang ayusin ang sinira ni Seungri. She took a seat beside an old man. Nasa lobby kasi sila ng hotel dahil malaking bahagi ng hotel ang nasira sa paghahanap sa kanya.
"Don't ever take this ring off you."
Napatingin siya kay Jiyong na sinusuot na ang singsing na iniwan niya kanina sa daliri niya. Naupo ito sa tabi niya, pinaalis ang matandang nakaupo lang doon kanina.
"Yah!~ That's rude!"
Sita niya rito na ikinakibit balikat lamang nito. Masungit na salbahe pa. This guy will never have a woman. That's for sure. Nawala na ang ibang kasamahan ni Jiyong. Wala pang ilang minuto ng may isang van ang tumigil sa harap ng hotel. Mabilis ang kilos ng guard na lumapit rito. Bumukas ang sliding door ng sasakyan at iniluwa ang ilang shadow na may akay-akay na tao.
Nakilala niyang shadows ang mga ito dahil sa tattoo ng mga ito sa leeg. Yes, they have tattoos on their neck. A dragon tattoo to be exact. That's their way on committing theirselves on our mafia.
"Hurry! Check the perimeter. Baka nasundan kayo!" Sigaw ng receptionist at kumuha ng first aid. Ibinaba na nila ang code red at isinara ang hotel. Lahat yata ng naka-check in sa hotel ay miyembro ng mafia.
Inilapag nila ang sugatan sa sahig, mabilis ang kilos ng receptionist na lumuhod sa tabi nito at inumpisahang gamutin ang lalaki. Hindi na makilala ang lalaki, putok ang labi, maga ang mukha dahil sa sobrang bugbog. Sarado na dahil sa maga ang dalawa nitong mata. Punong puno ng dugo ang katawan nito. Walang saplot bukod sa nakabalot na jacket rito na nalaglag na sa sahig. Putol ang ilang daliri nito sa kanang kamay, ang kaliwa naman ay durog na sa tingin niya'y minaso. Punong puno ng sugat ang katawan nito, may saksak sa tagiliran na inaagusan ng dugo. Sinaksakan ito ng morpina. To make his body numb. Pero hindi yata nito kakayanin tanggalin ang sakit dulot ng sugat nito.
"He needs more." Sabi ng isang shadow. Umiling ang receptionist. "No, he would die. Mataas na dosage na ang ibinigay 'ko." Nagmura ang shadow at tumalikod.
Hindi na niya napigil ang pagbaliktad ng sikmura niya. Nasuka siya sa gilid at pilit na kinakalma ang sarili. Ilang minuto bago niya muling naayos ang sarili at naisin man niyang umalis ay hindi niya magawa. Kinakain siya ng awa at kuryusidad.
Mabilis na binutas ng receptionist ang kabilang tagiliran ng lalaki, pinasukan ng transparent na tubo at sinipsip bago pinatulo sa isang baso. Ipinatong nila sa isang maliit na mesa ang lalaki at iniwan sa sahig ang baso. Noong una'y dugo pa ang lumalabas dito ng hindi kalauna'y hangin na nagpapabula sa tubig sa baso. Iniangat ang tubo sapat para hindi lumapat sa tubig.
YOU ARE READING
(The Agents) Operation: Protect the Mafia Boss' Daughter
Fanfiction9 agents in mission. 10 lives at risks. It is a life and death situation. A battle with everything on the line. Could they make it? Operation: Protect the Mafia Boss' Daughter.