Nicholas

30 5 0
                                    

"Bes!"

"Oh? Bakit?" Napatayo ako sa hagdan ng tawagin ako ni Sisi. And yes sa hagdan sa tapat ng room namin.

"Tignan mo inawardan sina Lee Min Ho at Jeon Ji Hyun bilang best couple ng SBS!!! Hihihi"

"Tingin!" Hinablot naman ni Yang yang yung cell phone ni Sisi. "Yun oh! Yung may ari yung di nakakita."

"Isha naman eh. Nakikigulo pa!" Nakapout na sabi ni Yang yang nung nakiki-ali ali na si Isha. Ako naman tawa lang. Mas gusto kong i-stalk si Nicholas.

"Ang cute talaga nilang tignan."

"Bagay na bagay talaga sila no?"

Ang gwapo talaga ni Nicholas. Kahit bet na bet ko yang the legend of the blue sea kaya lang pag si Nicholas na ang usapan, iba na yan hihi.

"Uy tinatanong kita."
"Huh?" Nagulat ako ng itapat ni Isha yung muka niya sa muka ko.

"Ay!lutang si ateng." Natatawang sabi ni Sisi.

Nagtawan sila actually. NICE.

"Yang yang si Sam!"

Bigla namang nag-evolve na parang maamong tupa si Yang yang ng sabihin ni Sisi na nandiyan si Sam. Kaklase namin si Sam. Kinakapatid ko siya at malapit kami sa isa't isa kaya malimit kaming mapagkamalan na mag-boyfriend/girlfriend.

Pero ang totoo talaga niyan si yang yang ang may gusto.

"Alam mo kasi yang yang magpapansin ka! Mauunahan ka niyan sige!" Panghihikayat ko sa kanya na may kasamang hampas.

Buti nalang talaga at mabait at may tiwala si yang yang sakin. Ni minsan hindi niya nakuhang magselos.

"Hi Sam! Labyu!" Haha lokaloka talaga tong si yang yang di naman yun yung ibig kong sabihin eh.

Buti at mabait tong si Sam. Wala namang sinabi tumawa lang tapos pumasok na sa loob.

"Gag* ka yang yang!"-Isha
"Siraulo ka talaga"-Sisi
"Ang galing mo yang yang" pag sang ayon ka naman. Napatingin yung dalawa dakin at naka-'huh' look. Nakakatawa nga sila. Kinindatan ko nalang si yang yang. Ngiting ngiti naman ang loka at mukang nasiyahan sa ginawa kanina.

"Tara lubog tayo beshus!"-Isha.
Tumayo naman si Isha at nagpagpag ng palda. Yung sinasabi ni Isha na lubog yun yung canteen dito sa school namin. Tinawag siyang lubog kasi para siyang nakalubog. Yung bubong lang kasi yung kita. Naiimagine niyo ba? Yung diba may bahay na nakatayo sa isang lugar kung saan yung lupang kinatitirikan niya palubog. Kita yung pinto siyenpre. Kaya may hagdan dun papuntang pinto kaya nga lang pababa yung hagdan kasi pailalim yung bahay.

Maraming canteen dito samin. Pero itong canteen lang na ito yung may cr. May isa pang canteen dito na may cr kaya lang pang teachers lang yung iba, siguro close sa teachers ganun mga teacher's pet yung iba naman famous sa school dahil sa academics nila o kaya dahil madaming sinalihang contest. Ako kasi pati mga kaibigan ko mga ordinaryong istudyante lang kami.

SSC student kami o yung tinatawag na Special Science Class. Yes matatalino kami. Nasa public school lang kami pero sa school namin parang private narin. Kami ang mabubuting mag-aaral mula sa Kalumpit National High School 10-SSC A.

Haha parang sumali ako ng contest nun ah. Papunta kami ngayon sa lubog siguro magpapalit si Isha ng napkin. Haha Saming lahat kasi siya lang yung regular yung dalaw.

Abnormal kasi kami.

Habang naglalakad, napabaling yung tingin ko sa court. Nahagip ng mata ko ang isang gwapong nilalang. Nicholas De Castro.

Hayst ang labo talaga ng binti niya. Sarap pigain nakakagigil. Kung mahahawakan ko lang talaga yan ay naku! Sinasabi ko sa inyo. Babala. Masyado na kong naaakit sayo Nicholas.

Clash Of BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon