Friends

9 5 0
                                    

Nakayuko lahat ng 9A.

Guilty sa ginawa nila. "Sorry, hindi na mauulit. Alam naming mali sorry mga ate at kuya." Sabi ni Carla.

"Sorry din dapat di na namin kayo pinatulan." Pagso sorry ko din.

"Sorry talaga." Si marj.

"Sorry sa pagpaparinig. Sana maging ok tayo." Si Joan. Ngumiti ako sa kanila.

"Sure."

Now it's Hani's turn. Ngumiti siya sa akin at alam naman ng lahat na plastic.

"Hindi ka ba magso-sorry?" Tanong ni Hani na taas ang kilay. Siniko naman siya nina Joan.

"You first." Sabi ko.

"Bahala ka." Sabi niya. Nahagip ng mata ko si maam na naglilibot. Tinitignan yung mga kaklase ko na bati bati na tapos tinatanong kung ok na ba.

"Kayo ok na ba?" Tanong ni maam sa akin.
Sasagot pa lang sana ako kaya lang inunahan na ako ni Hani.

"Nagsorry na po ako kaya lang ayaw niya pa pong magsorry." Ha! Ako pa talaga.

Talaga nga naman. Kala mo naman Hani kakampihan ka ni maam eh adviser ko yan belat!

"Maam di po totoo yun actually handa na po akong magsorry kaya lang wala pa po akong naririnig sa kanya except panlalait." Saad ko. Ano ka ngayon. Kainis tong babaeng to.

"Totoo ba yun?" Tanong ni maam kay Hani. Aba ayaw pa yata maniwala. Tanda talaga to!

"Hindi po!" Sagot naman niya.

"Ok walang narinig ang mga kaibigan ko. Diba?" Nagsitanguan naman sina yang yang.

Nakita kong sinisiko ni Hani sina Joan. Parang nanghihingi ng tulong. Wala naman kibo sina Joan. "Diba?" Tanong ko kina Joan. Tumango naman silang tatlo.

Halata sa muka ni Hani na gulat na gulat siya. "Ok para wala ulit away. Ulitin mo na lang yung sorry mo,KUNO. Sa harap ni maam para dama. Damang hindi totoo. Pwede mo ng pakita kung sino ka talaga. Pakaplastic ka ulit dali. Sinungaling to!"

"Enough!" Sigaw ni maam.

Tumango si maam kay Hani. Senyales na magsorry na siya. "Sorry." Bulong niya.

"Anong sasabihin mo?" Tanong ulit sa akin ni maam. Narinig ko naman kaya lang ang hina masyado kaya magkukunwari akong di ko narinig.

"Po? Hindi pa naman po siya nagso-sorry." Sagot ko. "Nagsorry na siya. Ulitin mo Hani para marinig ni Chennie."

"Sorry. Sorry talaga. Masaya ka na?"

Nakakatuwa yung expression niya. Sarap batukan nitong bata na to! Buti na lang ang bait ko.

"Sorry. Sana wag mo ng ulitin yun." Sagot ko. Ok na! Makakauwi na ko.

"Sige dismiss na. See you on Monday. Sana laging ganyan. Walang away. Ang pangit kasi tingnan kapag magkakagalit kayo. Pamilya tayo dito. Ok na ha. No more arguments guys ha!"

Yun lang at naguwian na lahat.

Pero kahit ok na lahat, malungkot pa rin ako. Malungkot ako sa inasal ni Nicholas.

Habang naglalakad ako. Inakbayan ako ng tatlo. Muntik na kong mawalan ng balikat. Ang bababoy nitong mga to. Ang lalaking tao maka dagan ganun na lang hahah.

"Ganun di ka man lang magpapaalam samin?" Tanong sakin ni Yang yang habang nakapout.

"Sorry na beshu! Kasi naman ang lungkot ko pa din. Si Nicholas kasi. Naalala ko yung nangyari nung Monday."

Clash Of BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon