Chat??

13 5 1
                                    

Hayst. Isinusumpa ko talaga sinuman nagsabing ako ang isali sa letseng contest na to. Ibibigti ko! Pagod na pagod na ako. Huhu buti nandito si Sam.

"Inom ka muna. Mamaya na daw yung lakad pati rampa. Break daw muna. Oh?"

Sabi niya sabay abot ng mineral water. Kinuha ko yun at nagpasalamat. Umupo si Sam sa tabi ko. Nakaupo kasi ako, nakakapagod na kasing rumampa ng nakatakong. Sakit na ng paa ko.

"Buti ikaw Sam di ka naaburido sa contest na to." Napa-pout na lang ako kasi ba naman, andaya-daya. Ayoko eh.

"Ok lang naman eh. Kasi may plus naman tayo sa grades tsaka mas kumportable ako na ikaw yung ka-partner ko."

"Huh? Bakit ayaw mo ba si yang yang?"

"Hindi naman. Kaya lang nakakailang kasi minsan."

"Ah.." yun lang ang sinabi ko at ininom ko na yung tubig ko.

15 minutes din akong nakaupo bago kami tawagin at unfortunately rarampa na naman. Malalagpasan ko din to! Aja!

*contest July,16*

Naku naku naku nakakatouch naman talaga tong mga kaibigan ko kanya kanya pa talaga sila ng mga kawak na camera.

"Lagi kang ngingiti beshu ah! Tandaan mo kinukuhanan ka namin ng pictures baka mapagtawanan ka namin pag may epic picture ka!"

Paalala sa akin ni Isha. Actually hindi naman iyan ang unang beses na sinabi niya sakin yan. Kanina pa kaya yan. Buti na lang talaga at South Korea ang irerepresent ko. Di ko na kailangang magsuot ng heels o kahit anong makakasagabal.

"Hoy magready ka ah. Wag kang kakabahan lagi lang kaming nandun sa banda doon. Pag kinabahan ka tingin ka lang okay?" Sabi naman ni Sisi.

Kanina pa yang dalawa na yan sa mahaba nilang lintanya samantalang yung isa doon nakatitig lang kay Sam. Pano humaling na humaling kasi ang pogi pogi ni Sam.

"Salamat yang yang napaka-supportive mo talagang kaibigan." I sarcastically said. Bigla namang napabaling sa akin si yang yang.

"Sorry naman. Ang pogi ni Sam no?" Lumapit siya sa amin at tinapik pa ko.

"Sam!" Tawag ko. "Uy joke lang naman. Eto naman!"

"Sam!" Tawag ko ulit. Tinakpan naman ni yang yang yung bibig ko samantalang yung dalawa chini-cheer si yang yang.

"Go yang yang!"

"Hahaha"

Lumapit sa amin si Sam. "Ang pogi mo ah." Biro ko sa kanya. "Ay salamat."

"Picture naman tayo oh."
"Ah okay."
"Isha can you take--"
"Oo oo." Bigla namang hinablot ni Isha yung cell phone ko.

*click*

"Ayun thank you Isha! Oh Kayo naman minsan lang ganyan si Sam dali!"

"Yang yang dali na!" Sabay sabay namin sigaw.

Wala namang magawa si yang yang kasi may kasamang tulak yun.

"Closer! Lumapit ka naman kay Sam!" Sigaw ko naman. At ayun inakbayan ni Sam si yang yang. Haha nakakakilig! Si yang yang naman kala mo natataeng pusa.

*click*

"Uy ano ready na kayo? Tawag  na kayo pila na daw." Sabi nung isang candidate.

Dali dali kaming nagayos ni Sam.

"Go beshu aja!"

(Fastforward na ha. Di naman na importante yung contest)

*after ng contest*

Clash Of BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon