Pillows Vs. Loaded

12 5 0
                                    

Pag pasok ko sa school nag buklat agad ako ng book. Aba ganado ata to!

Unti-unting nagsisidatingan yung mga kaklase ko. Lahat sila binabati ako. Nanalo kasi ako kahapon.

Mabilis lang natapos ang dalawang subject namin sa umaga. Recess na! Hindi ako excited kasi kakain ako, excited ako kasi makikita ko ulit si Nicholas. Whooo!

"Tara na dali yang yang!"

Ang bagal naman nitong si yang yang mamaya niyan nakaalis na pala sina Nicholas, di ko na makita! Nubayan!

"Eto na nga! Saglit lang."

Yes natapos din. Hinatak ko na agad si yang yang. Nandun naman na yung dalawa. Hinihintay na lang kami. Pagdating namin don biglang tumawa ng malakas yung dalawa. Nakahawak sa tiyan at nakaturo kay yang yang. Kaya naman napatingin ako kay yang yang at di ko napigilan na matawa sa itsura ni yang yang. Bala-balandra yung pulbos sa muka niya.

Lumapit ako sa kaniya habang pinipigilang tumawa. Pinunasan ko yung muka ni yang yang. "Yang wag ka ng magdo-droga!" Natatawang sabi ni Isha.

"Tigil mo na yan. Nandito naman kami!" Sabat naman ni Sisi.

Nagtatawanan kaming mga magkakaibigan ng bigla akong mapatahimik nang mapadaan si Nicholas. SHEMAY!

Aray ko! Napahawak ako sa batok ko ng batukan ako ni Isha.

"Bat ba?" Medyo inis na tono ng boses ko. Pero actually hindi naman ako galit. Keme lang!

"Tunaw na." Sabi ni Isha.

Napailing na lang ako sa mga kaibigan ko.

Nakikipagsiksikan kami ngayon sa mga namimili. Di kasi uso pila dito kapag recess kaya kung pabebe ka mamaya ka pa makakakain.

5 minutes yata kami nakipagsiksikan bago kami nakakain. Haha. Ang saya ko talaga. Naalala ko medyo close na kami ni Nicholas. Haha wuhoo.

Tumambay na lang kami at as usual sa dati pa rin, sa hagdan. Ewan ba namin. Mas gusto namin tumambay dito. Huhu Nicholas ko nasaan ka na? Kanina pa kami dito nagdadaldalan tungkol sa kpop pero wala pa din si Nicholas. Dahil thoughtful ang mga kaibigan ko, hinihintay muna nila na makasilay ako bago kami pumasok ng room. Bigla akong nabuhayan ng dugo ng makita ko si Nicholas. Ang gwapo niya talaga. No wonder kung bakit ang dami kong karibal.

"Hi chennie!" Kumaway sakin si Nicholas habang nakangiti. Ang pogiiii.

"Hi den."

"Nicholas samahan mo naman akong bumili tara!" Biglang sumulpot yung isang kaibigan ni Nicholas.

"Magpabili ka dali. Magpapansin ka!" Bulong sakin ni yang yang.

"Nicholas! Bili mo naman akong pillows."

"Wala akong dalang pera eh."

Nadismaya ako sa sagot niya kaya naman hinayaan ko na.

Tumango na lang ako. Tumalikod na din sina Nicholas. "Nicholas!" Dinig naming lahat na tawag para kay Nicholas.

Galing sa taas, sa second floor. Biglang may bumaba na babae sa hagdan. Si Hani. Naku mortal enemy ko yan pagdating kay Nicholas.

"Gusto ko ng pillows." Sabi niya ng maabutan niya si Nicholas.

Tumango lang si Nicholas. "Sige dalin ko na lang sa room niyo."

-_- yan lahat reaksyon ng mga kaibigan ko.

Inilagay ni Isha yung kamay niya sa balikat ko. "Daiig talaga ng malandi ang maganda."

Tumango naman yung dalwa. "Aray ko naman Jessie!" Takbo ng takbo yung dalawa kaya naman nabunggo nila sina Nicholas. Agad naman silang nag-sorry. Umalis naman na si Nicholas para bumili. Si Hani naman ayun tumambay pa talaga sa harap namin. Gusto pa atang ipagduldulan sa muka ko na sila ni Nicholas ang bagay.

Clash Of BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon