HUGOT NG BROKEN💔💔💔

12 5 0
                                    

"Yun talaga yung pinakainiintindi ko. Yung pinakamasakit sa tatlo. Akala ko kasi ok tayo. Happy happy lang. Kasi yun yung pinapakita niyo sa akin. Bait-baitan? May inside pa akong iba? Pinahaba mo pa eh. Pinaganda. Pwede mo namang sabihing plastik. Pakitang tao. Ang sakit eh. Hindi kasi ako gumawa ng k-kahit anong makakasakit sa iba. Maingat ako sa kilos ko. Nag-adjust ako. Para walang samaan ng loob. A-akala ko solid. D-di pala. Ang hirap kasi ng g-ganto. Nilabas ko naman kung sino talaga k-ko, kaya lang alam mo yun.
D-di mo alam yung mga taong pinagkakatiwalaan mo, ganun pala tingin sayo." Pahikbi-hikbi na nagsasalita sa harapan si Marian.

"Sige iha. Iyak ka lang. Ilabas mo. Okay lang yan." Hinagod ni mam yung likod ni Marian.

"Meron pang isa kaso pangalawa lang
s-siya." Saglit na lumunok si Marian.

"Tungkol n-naman siya k-kay Mr....."

Naghihintay ang lahat sa sasabihin ni Marian.

"Heart. Si Mr. Heart kasi, nakakita ng gwapo. Naglakad siya papunta kay gwapo kasi nga type niya. Chinicheer pa nga siya ni gwapo eh. Kaya lang kakalakad niya,
n-nadapa siya. Nahulog. Walang sumalo, nasaktan. Madilim wala siyang makita. Sa sobrang lalim ng pinaglagpakan niya di siya makaahon. Dumaan ang maraming araw. Taglagas. Taglamig. Sa sobrang lamig, tumigas si Mr. Heart. Na parang...."

"Yelo. Sa s-sobrang tigas, nabas-sag siya. Mr. Heart breaks into pieces. Tiny pieces. Sa sobrang liit parang i-imposible ng mabuo. Pero alam ko na kapag tuluyan ng dumaan ang taglamig, at taginit na matutunaw ang mga pirasong iyon at mabubuo ulit si Mr. Heart. Na pag sumikat na ulit yung araw buo na siya ulit."

***

Wala kaming ginawa buong araw kundi maglabas ng sama ng loob. Family problem, love life, school o kahit ano.

Pagkatapos ng activity namin na yun, wala kaming ginawa kundi icomfort si Marian. Iyak kasi siya ng iyak. Buti na lang tumahan na siya ngayon.

"Chennie papasa naman nung kanta mo." Sabi niya.

"Sige. Pero puro kpop yan." Binuksan ko yung phone ko. Patay lowbatt pala. "Try mo na lang 1% na lang eh."

Nagkwentuhan pa kaming lima. Kaya lang hindi mawala sa isip ko si Nicholas. Masyadong masakit. Aray. Pag ako talaga sumabog. Nakaka-bitter.

"Chennie! napasa!"

Napairap ako. "Buti pa yan napapasa, yung feelings ko para sa kanya di ko maipasa."

Lahat sila tumahimik. Bitter ko ba? Ewan ko din. Napasabunot na nga ako sa buhok ko ay.

Nadukdok na lang ako sa lamesang nasa harap ko. Biglang namang ibinuga ng pinto si tatay. Tatay tawag ko diyan kasi para niya na kaming anak. Kahit teacher namin siya.

"Nak, sinong globe sa inyo?" Tanong ni tatay ng makalapit siya sa amin.

"Smart po ako tay." Sagot ni Marian.

"Brilliant po ako." Nakangising sagot ni yang yang.

"Intelligent po ako." Sagot ni sisi.

"Geneus po ako." Sagot ni Isha.

"Ako tay hindi globe pero siya ang mundo ko." Hindi ko naman talaga gustong sabihin yun. Yun lang talaga yung lumabas sa bibig ko.

Tumawa si tatay. Ano namang nakakatawa? Aish. Nakakainis. Humahangos na pumunta sa table namin si John. Grade 7 student. Close kami, bakit? Kasi lagi siyang nasa room nagtitinda. Masipag yang batang yan.

"Ate! Ate chennie paturo naman." Sabi niya tsaka huminga ulit na halata mong pagod na pagod siya.

"Ano? Magmahal? Di ako marunong nun."

Clash Of BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon