Lianne
"What! Ikaw talaga si Drake?" tanong ko nung kaming dalawa ay nasa rooftop ng building nila."Yep." aniya, bakit hindi ko kaagad nalaman na siya pala yon. Gosh! Double dead na.
"Okay lang naman makasama mo ako diba?" tanong niya na may accent na para bang hindi talaga siya pilipino. Malayan mo nga naman ang isang katulad ko, kasama ang isng hot, well known and super magaling sa basketball na lalaki! Ang feeling na ito ngayon ko lang nararamdaman. Ano ba tong mga iniisip ko!
"Ha... Oo naman." wala sa sarili kong sabi sakanya. "Mabuti naman." sabi niya at inayos ang upo, rason para magkalapit ang mukha niya sa mukha ko. Tinignan ko siya, "Bakit mo naman nasabi yon?" Tanong ko. Nag nod lang siya, na parang ayaw niyang ikuwento. "May nangyari ba?" pangungulit ko. "Wala, basta ipapakilala kita sa kapatid ko na si Jessamie bukas. At nacucurios na yon sa yo kung bakit palagi daw kitang kinakausap." sabi niya at tumingin sa kalangitan. Kitang kita ko ang mukha niya, kung gaano matangos yung ilong niya. kung paano mahaba ang pilik mata niya at kung paano tumingala ang mga mata niya sa kalangitan. Nagulat nalang ako ng biglang tignan niya ako. "Enjoying the view?" pang aasar niya
"Kapal ah!" sabi ko tapos biglang lumapit siya sa akin at hinalikan sa pisngi. "Sorry, kung hindi ko kaagad sinabi sayo. Masaya ka lang kasing kausapin." aniya, at tumato na para lumabas. "Ano----" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil umalis na siya. Tsk! Snob!
BINABASA MO ANG
Miracles of December
Teen FictionSi Lianne Perez ay isang kilalang nerd sa isang exclusive school, simula nung highschool siya, wala siya man lang kahit isang kaibigan. Ngunit nung may nakabunggo sakanya on her last year of highschool. At hindi niya iniinspect na isang sikat, gwap...