Chapter 3 | Display Profile

33 3 5
                                    


"Huh?"

Napatigil ako sa pag-strum ng aking gitara sa tanong 'yon.

Ferns rolled his eyes. "Sabi ko magkakilala pala kayo ni Chupaps."

"Chupaps?! Sino 'yon?" nagtatakang balik ko.

"Martin naman! Chupaps. As in 'Macho Papa'. 'Yong kausap mo kahapon sa table. Duh!"

Napaismid ako bigla sabay strum ulit nang mahina sa gitara. Oo, nagkausap talaga kami sa lagay na 'yon. Tsk. "Just someone."

"Al!" sabay hampas sa strings ng gitara ko. "Feel ko talagang acquainted kayo eh."

"Fine, fine," sabi ko sabay lapag ng gitara sa mesa ng opisina ni Tito Ferb, dad ni Ferns. "I . . . know him. The name's Henley. Henley Rivera."

"O-kay? So . . . paano mo nakilala?"

I sighed. Instead na sagutin ko ang tanong n'ya, binuksan ko ang laptop ko at nag-log in sa Facebook.

B-in-rowse ko 'yung mga past albums ko, and there you go. I clicked a picture at pinaharap kay Ferns ang laptop.

"Is that you?" he inquired while grinning.

Tumango ako nang marahan. "With . . . Henley. We graduated from the same elementary school."

I stared at the picture for a moment. Kuha pa ito noong graduation namin. Si Mama lang naman kasi ang nag-insist na magpa-picture ako kasama si Henley. Alam kasi ni Mama noon na crush ko 'yong lalaking katabi ko sa picture na 'to. A sort of remembrance lang daw sabi niya para mapapayag si Henley. Tsk. Palusot ni Mama. Pero okay lang, kinilig naman ako dito. Hahahahahaha.

'Pag tiningnan mo ngang mabuti ang picture, ako lang 'yong nakangiti na parang weirdo. Labas-gilagid pa nga oh. Hahaha. At si Henley wala man lang reaksyon.

Pffffft.

Ngunit ang nakakatawa lang dito ay 'yong itsura niya. Kalbo eh. Totoy days ang peg. Hahahaha! I just wondered if may copy rin s'ya nito.

"Bakit hindi naka-tag, 'te?" basag ni Ferns sa pagmumuni-muni ko.

"Hindi kami friends."

Fernando's pupils dilated. "Seryoso?"

I solemnly nodded. "Actually, we're friends dati. Kaso ewan ko kung ano'ng nangyare sa 'kin at in-unfriend ko siya no'ng nag-high school ako. In-add ko siya uli pero hindi pa niya ina-accept. Or baka wala na talaga siyang planong i-accept."

Tumango na rin siya. "Pero wait," kunwa'y nag-isip ito saglit. Tapos, "Stalk mo dali!"

Nanlaki 'yong mga mata ko. "WHAT?! Ayoko nga!"

"Eeeeee, Al! Minsan lang naman 'to!"

"Na-stalk ko na siya kagabi at – oh my God. Tell me I didn't just said that."

Umugong ang malakas na tawa ni Ferns. "Girl ha? Crush mo 'yon, 'no?"

Dati. "Of course not! I'm just curious lang sa mga whereabouts ni Henley kaya it's not a mistake to even check. It's been nine years na rin kase. Malisyoso neto!"

Umirap lang siya at kinalikot ang keyboard. Tsk. Si Ferns talaga, napakakulit. Arggh.

"Oh my . . ."

Huling-huli ko sa akto ang pagkalaglag ng panga ni Ferns sa nakita niya sa screen. Paano ba naman kasi v-in-iew niya kaagad ang DP (display profile) ni Henley.

Naka-swimming trunks lang naman kasi 'yon at – okay. Topless. Pero I swear, bes, sa beach lang talaga ako nag-focus. Ang ganda-ganda talaga ng background eh. Hehe. 'Yong buhangin, 'yong tubig tapos 'yong well-toned skin ni Henley plus the – no. Hindi ko nasabi 'yon. Erase! Pero ang ganda talaga ng DP – 'yong background ang nagdala.

"Al. . ."

"Hmm?" Amused pa rin ako sa reaksyon ni Ferns.

"Kukunin kitang ninang ha?"

My forehead creased. "Wait, wait! Bakit—"

"Papakasalan ko na talaga si Chupaps! Aaaaaaaaah!"

At 'yon po. Parang naluwagan ng turnilyo na kumendeng palabas ng opisina si Fernando.

Napailing na lamang ako at pinatay ang laptop.

Kumain na kaya si Jethro? Tanong ko sa sarili sabay dial sa cellphone.


Wake Me Up When It's OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon