Chapter 4 | I'm Yours

30 3 2
                                    

"God. . . my love."

Hindi ko lubos inakala na dito ako dadalhin ni Jethro. Sinalubong ako ng kaakit-akit na mukha ng Pagudpud dito sa Ilocos Norte. Nanuot sa aking kalamnan ang mabining simoy ng hangin. Tila inihehele ako sa musikang dulot ng paghampas ng bawat pahina ng alon sa kumikislap na buhangin. This is paradise.

"You like it?" tanong ni Jethro sabay gagap sa kaliwang kamay ko. His hand's warm and it never failed to comfort me, to send flipping butterflies in the pit of my stomach. Ironic, I know.

 Ironic, I know

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umiling ako. "No. I love it."

Sumilay ang munting ngiti sa kanyang labi nang tingnan ko siya.

"And I love you," he said as he kissed the back of my left palm. "Happy birthday, my love."

Ramdam kong uminit ang pisngi ko at wala na 'kong nagawa kundi ang tumugon sa ngiti niya. God knows how much I love this man. "Me too. I always do. Thank you for bringing me here."

Kahapon lang nakauwi si Jethro mula sa business meeting niya sa Davao. Medyo nainis pa nga ako sa kanya dahil nag-insist siyang huwag ko na siyang sunduin sa airport. Worst thing is he didn't bother to greet me last night, even early this morning. Akala ko nakalimutan niya ang araw na 'to. Nagulat nga lang ako nang bigla siyang sumulpot sa harap ng aming bahay kanina at si Mama (na kasabwat pala) ay may ipinasukbit agad na malaking floral bag sa akin. Kakauwi ko lang no'n galing simbahan para magpasalamat. At 'yon, hindi na ako nakapalag nang hinila na ako ni Jethro sa Ferrari niya.

"I'm sorry about yesterday. Sinagad ko lang talaga ang pagka-miss mo sa akin," nakangising saad niya.

Kinurot ko siya nang mahina sa tagiliran. "'Kainis ka."

Napatawa na lamang siya. Kapagkuwan, may narinig akong sigawan sa likuran namin. Paglingon ko, napapikit agad ako nang maramdamang may dumamping icing sa pisngi ko.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday. . . Happy birthday to you!"

I soon recognized the faces of Ferns, Yenor, Bash, Twinkle, Jasmine, and Christine - my circle of friends.

Hindi pa nga ako nakahuma, agad na nila akong dinumog ng yakap at halik.

"'Te, ang tanda mo na."

"God, 21 ka na Al! Jeth, pakasal na kayo oh!"

"Happy birthday, Al! I'm sure andaming foods! Hahaha."

"Aaaaaaaaaal! 'Yong gift ko?"

"'Love you, Al. Tara, kain?"

"Hoy, Yen! Kita mong nagmo-moment pa oh. Tssk. By the way," humarap si Ferns sa akin. "Hate you talaga, best friend! Bakit ang ganda mo?! At bakit ka nagkaroon ng napaka-thoughtful na boyfriend? Che! Ang unfair naman! Pwede bang i-subject for cloning itong si Jeth?"

Wake Me Up When It's OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon