Epilogue
Sige lang. Sabihin n'yo lang ang gusto n'yong sabihin. Magalit kayo, sisihin n'yo ako, kamuhian. Oo na. Ako na gago. Oo na. Ako na'ng mali.
Ngunit sino ba'ng niloko? Sino ba ang iniwan? 'Di ba, ako rin?
Sige saktan n'yo ako.
Kasi kahit naman gaano pa kasakit 'yong mga salitang ibabato n'yo sa'kin, hindi na . . . hindi na ako masasaktan pa. Hindi n'yo na madudurog ang pusong durog na.
Oo. Murahin n'yo ako dahil hindi ko man lang siya naipaglaban. Pero sino ba sa amin ang unang sumuko?
Sige. Ako na'ng tanga. Pero tangina nagpakatanga naman talaga ako dahil mahal ko siya.
Kayo lang ba ang galit? Tinanong n'yo man lang sana ako. Hindi ako galit sa kanya bagkus sa sarili ko. Kasi, 'yong two years talaga, eh! Hahahahaha. 'Yong two years na Ivan at Angel, wala . . . wala na.
Alam kong kayong nagsubaybay sa kwentong 'to ay nasasaktan, naluluha ngayon. Ano pa kaya ako na mismong kwento ko 'to? Tulad n'yo, hindi ko rin naisip na ito ang kahahantungan ng kwentong 'to. Isipin n'yo na'ng gusto n'yong isipin pero hindi ko rin ito ginusto.
Masaya na si Angel ngayon ngunit hindi sa piling ko. Oo. Masaya na siya.
Lumayo siya dahil mas mahal niya raw talaga ang best friend ko.
The End.
- - - -
Sa lahat ng sumuporta sa "The End", maraming-maraming salamat po! Cheers!
- Lee Mino
" Hoy, Martin!"
Saglit na umurong ang mga luha ko sa pagkagitla. Inis kong nilingon si Ferns. Moment ko na 'yon para ngumawa eh! Badtrip!
"Alyna Martin!"
"Bakit ka ba naninigaw, Fernando Real?!" yamot kong saad.
Tumabi siya sa akin at ibinato 'yong roll ng tissue sa mukha ko.
"Al naman! Stop calling me Fernan--- ah basta! Eww naman 'te!"
Napatawa ako nang konti sa reaksyon niya.
"Kanina ka pa kasi humahagulgol d'yan! Alam mo, may kakilala akong repairman doon sa kanto. Papaayos ko na talaga utak mo! Tsaka 'yung uhog mo 'te oh, kadiri!"
Instead na patulan ko 'yong pinagsasabi niya, bigla ulit akong napaiyak.
"Ferns! Feeeeeeeeeeerns!" sabay yugyog sa balikat niya.
"Al, ano ba?! Ginagawa mo nang off-shoulders 'tong damit ko oh! Problema mo?!"
Suminghot ako saglit. "Ferns. . . Si Ivan. . . Feeeeeeeerns!!! Fer-- aray!"
Napatigil ako ano pa't makabatok naman 'to eh, wagas!
"Sinong Ivan?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya. "Hmm. . . Al ha? Don't tell me na may kapalit na si Baby Damulag d'yan sa heart mo."
Pinandilatan ko siya. "Stop it, Ferns! Hindi mukhang si Damulag si Jeth, 'no! And. . . of course not! Si Ivan, I mean siya 'yong. . . waaaaaaah! Feeeerns! Tapos na 'yong 'The End'!"
"Ay, bruha! Natural the end, tapos na. Ano'ng akala m--"
"Ferns! 'Yong 'The End' na story. Dito sa Inkheart. Sikat 'to! Tapos, gosh," nanikip muli ang lalamunan ko. "Ang sakit lang kasi ng ending, Ferns!"
At tuluyan na akong napahagulgol. The mere thought kase na hindi nagkatuluyan 'yung characters sa story na pinagt'yagaan mo talagang subaybayan. Nakaka-heartbroken lang. Why, Ivan?! Pero ang nararapat kong pagbuntunan ng hinanakit ko ay 'yong author! Si Mino! Reminder: Maghahanda ako ng bonggang-bonggang comment mamaya.
Well, Inkheart's an online story avenue kung kaya't maaari akong--
"Chaka! Akala ko ano na! Alam mo, baliw ka na talaga, Al! At hoy, sige ka. Iyak pa d'yan. Baka sabihin pa ng boyfriend mong hindi kita inaalagaan."
"Nakakainis kasi 'yong si Mino eh! Bakit b--"
"Teka, teka! Kanina Ivan, tapos ngayon, Mino?! Al, wala talaga akong kasalanan 'pag hiniwalayan ka ni Jethro ah!"
Hinampas ko siya. "That's not funny, Ferns. Huwag ka ngang OA. At huwag mo ring idamay si Jethro sa usapan. Tsaka si Mino na writer ng 'The End', babae siya!"
"Really? As in Mino ang pangalan?"
"Screen name, actually. Lee Mino. 'Yon ang pangalan niya sa Inkheart. Crush n'ya daw 'yung Korean ba 'yon? Ah, ewan. Hindi naman ako interesado do'n saka--"
"You mean, si Lee Min Ho?! Like, 'Min Ho'?! Aaaaaaaah! Asawa ko 'yan, 'te! At, teka sandali. . . Bakit hindi mo siya kilala?"
I rolled my eyes. Fanboying-ah este-fangirling mode naman si Ferns! May term palang gano'n? Duh.
"Al naman! Siya si Gu Jun Pyo sa Boys Over Flowers! Nand'yan din siya sa 'The Heirs' tapos siya si Heo Joon Jae sa--"
"Whatever."
Tinalikuran ko na siya at binitbit ang laptop para lumipat sa ibang table. Nakakainis naman talaga si Ferns eh! Oo. Sa kanya na 'yang si Min Ho-whoever na 'yan! Kung maanakan nga ba talaga siya n'yan. Tsk!
"Aba't -- hoy, Alyna! 'Yong uhog-coated tissue mo dito!"
Bahala ka d'yan, Ferns.
I then spotted a table doon sa bandang kaliwa. Actually, kina Ferns itong restaurant na 'to. Kalan-an de Real. Kalan-an is a Hiligaynon word for "lugar-kainan"at 'yong Real ay mismong apelyido nina Ferns. Mga isang dekada na rin itong restaurant nila kaya't matunog ito dito sa lungsod.
Inilapag ko na ang laptop ko sabay tulala ulit sa last sentences ng Epilogue ng "The End". Ang sakit talaga sa puso, bes! Huhuhuhuhu. Ivaaaaaa--
Umurong ulit 'yong mga luha ko.
Naramdaman ko kasing may umupo sa upuang nasa harap ko. At. . . Oh. My. Golly. This can't be happening.
There he is -- opening his laptop at tila walang pakialam sa paligid. Yes. And I know him!
Sino ba naman ang makakalimot sa elementary crush nila?
Question: Ano'ng ginagawa ng isang Henley Rivera dito?
BINABASA MO ANG
Wake Me Up When It's Over
RomanceMali bang mahulog sa taong nahulog na sa iba? Mali bang umasa na sana tingnan niya rin ako katulad ng pagtingin niya sa taong mahal niya? Ako'y isang hamak na manunulat lamang at ang kaya ko lang gawin ay . . . Isulat lang love story niya --- ka...