Chapter 8: When they snapped

1.2K 77 48
                                    

⇏ Z O E

Nakatulala lamang ako habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko. Binabalot ako ng pag-alala at takot. Akala ko mapapanatag na ako since nahanap na namin si Harper pero mas dumoble pa ang kaba ko matapos mapagtantong hindi niya kasama si Marc.

Marc, where are you? 

Kung ano-anong bagay ang sumasagi sa isip ko, kung ano-anong tanong na ang naglalaro sa isip ko. Kung okay pa ba siya. Kung ligtas ba siya. Kung nasa maayos ba siyang kalagayan ngayon. I want him to be safe. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi siya nakaligtas. 

Sobrang haba na ng pinagsamahan namin, ayaw kong matapos ang lahat rito. 

Hindi ang mga nilalang na 'yon ang maghihiwalay sa amin at tatapos ng lahat.

"Hey, you should eat." Napatingin ako kay Maddison nang abutan niya ako ng Pringles. Kukuhanin ko na sana 'yon pero may ibang kamay na kumuha rito.

"Ayaw ni Zoe niyan kaya akin na lang." Sambit ni Tristan kaya napangiwi ako. "Sa 'yo na lang 'to." Ngumiti siya ng malapad saka ako inabutan ng cupcake. Kinuha ko na lamang 'yon kahit wala akong ganang kumain.

"Barkada mo 'to?" Maddison suddenly asked me and pointed at the rest. 

"Ah, oo." I answered. "Pero hindi pa kami kumpleto. May isa pang nawawala sa amin." Sabi ko pero hindi siya sumagot. Umupo siya sa tabi ko saka isinandal ang ulo niya sa pader.

I suddenly feel small. There's something about her presence that seems so strong, so brave. 

"My cousin is still missing too, since yesterday." Biglang basag niya sa katahimikan. "I'm new here. Wala akong kaalam-alam sa lugar na 'to kaya mahirap para sa akin ang lumaban mag-isa. Hindi ko alam kung ligtas ba ang lugar na napuntahan ko." Sambit niya kaya agad akong napatingin.

"Why are you here, by the way?" Kaylee intruded.

Tumaas ang isang kilay ni Maddison nang tingnan niya si Kaylee. Pero parang hindi niya naman sinasadya, pansin kong parang gano'n lang talaga siya tumingin. "I'm just running away from home." She told us.

Napatulala na lang ako at nag-isip.

Ang daming naagrabyado ng nangyaring pagsabog na iyon sa planta. Magmula no'n, nagsilabasan na ang mga nilalang na gustong-gusto kaming kainin ng buhay. 

Saglit...

"Heck! I didn't ask for this bullshit." Inis pang sabi ni Maddison.

Nanlaki ang mga mata ko.

All this time, I'm questioning here why do zombie apocalypse suddenly happened? I mean, how?! Pero ngayon, nasagot na ang tanong ko.

I remember the strong scent I smelled on Kirstel's house noong hindi pa namin nadidiskubre ang mga zombies, sobrang tapang ng amoy siguro dahil malapit lang ang malaking planta doon sa bahay nila Kirstel. Naalala ko na may sinasagawang experiment ang mga scientist roon.

Sa islang 'to nakalagay ang pinakamalaking science lab o planta sa buong mundo, nandito rin ang pinakamaggaling na University para sa mga gustong maging chemical engineers at scientist. Since the laboratory contains hundreds of chemicals, hindi malabong nagkamali sila ng lagay ng kung anong chemical kaya ito ang naging resulta. 

The undead.

"Harper, where's Marc?" Nabalik ako sa reality nang marinig ang tanong ni Kobe. Lahat kami ay napatingin kay Harper habang naghihintay ng sagot.

Please, magandang sagot ang sabihin mo. Please...

"I think he's safe naman." Sabi niya habang iwas ang tingin sa akin. 

Wasteland 1: The Bloody HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon