Chapter 15: At the end of the ocean

1.1K 78 18
                                    

⇏ Z O E

Nagising ako dahil sa music na naririnig ko mula sa labas. It was a faint music, mukhang malayo ang pinanggagalingan ng tunog. Agad ko itong natunugan, hillsong iyon ah? Iminulat ko tuloy ang mga mata ko kaso nang matagpuan ko ang sarili kong mag-isa rito sa ward, agad akong napaupo.

Where's everyone?

Sinuri ko ang mga sugat ko at gano'n pa rin, may benda pa rin. Binuka ko ang mga palad ko at may benda na rin roon.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng ward. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng malakas na tugtog at dinala ako no'n sa labas ng medical area. Bumungad sa akin ang ilang survivors katulad namin at kapansin-pansin na pare-parehas sila ng kausotan, kulay puting hospital gown. Pero may ilan rin namang nakasuot ng civilian. Abala silang lahat sa pagkain dahil may pa-catering pa pala rito. May decorations na rin ang paligid.

Siguro paraan na rin nila 'to para maging kumportable at makalimot saglit ang mga nakaligtas sa isla.

Gabi na pala agad kaya nakasindi na ang mga ilaw rito sa cruise ship. Tumingala ako. Nakita ko rin ang mga bituin at buwan.

Ang ganda.

Spirit lead me where my trust is without borders~

Let me walk upon the waters~

Humawak ako sa railings at pumikit. Dinama ko rin ang simoy ng hangin at pinakinggan ang kanta kasabay ng malumanay na hampas ng alon.

Ang sarap sa pakiramdam.

"You know that song?" May tumabi sa akin kaya napadilat ako sa gulat. Si Vrej! Yung doctor na gumamot sa amin. Bakit naman siya bigla-biglang sumusulpot? "Sorry. Nagulat yata kita." He chuckled as he rested his forearm upon the railings.

"Ayos lang." I told him. "Yes. Oceans...that's my favorite Hillsong. Comfort song ko 'yan kapag pakiramdam ko hindi ko na kaya. Sino kaya ang nagpatugtog niyan? Gusto kong pasalamatan, sakto ang timing niya."

Tipid lang siyang napangiti. Tumitig siya sa dagat habang ako kay nakatingin sa kaniya.

Hindi na siya nakasuot ng puting coat. Hindi na nga siya mukhang doctor ngayon, mukha lang siyang college student. Maybe he's just around my age. He's now wearing a dark red jacket with collar and it was open, he's also wearing a white shirt underneath, then a pair of beige trousers. And designer slippers that made me amused. His black hair was still the same, parted at the side, revealing his forehead. May gold rin siyang relo at mamahaling bracelet pati singsing.

Halatang anak mayaman.

"Do you still remember me?" Bigla niyang tanong.

"Ha? Oo naman."

"Good, 'cause you slept for like a two weeks."

"Ano?!" Bulalas ko kaya nagtinginan ang ilang tao sa akin. Natapik ko tuloy ang sarili kong bibig. "Ano?" Sa pagkakataong ito ay binulong ko na lang. Nakakahiya.

"Kidding. You just slept for straight 16 hours. Muntik mo ng hindi abutan ang pasko."

Napatingin tuloy ako sa paligid ko. Halata nga kasi hapunan na pala.

"The name's Zoe, right?" He raised his brows, anticipating.

"Yes. And you're Vrej?" Tumango naman siya bago ituon ang atensyon sa mga taong nagsasaya habang nakikinig ng kanta at kumakain ng iba't ibang foods na nakahain sa mahabang lamesa.

In this scenery, Christmas vibes is growing on me little by little. I love seeing everyone happy, it makes me happy, too.

Kaso parang may mali...

Wasteland 1: The Bloody HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon