Chapter 10: Thank you

1.1K 73 33
                                    

⇏ Z O E

I kept on pulling the trigger until I felt that there was no ammo left. Kinapa ko ang bulsa ko, gladly meron pang natitira. I loaded my guns with ammo saka ko 'yon kinasa. Itinutok ko ang nguso ng baril sa mga zombies na malapit kay Tristan.

When I was about to pull the trigger again, nahagip ng mga mata ko ang mga zombies na papunta rito. Marami sila. Hindi na naman yata kakayanin.

"Sila ba yung tinutukoy ni Madds na galing sa danger area?" Tanong ni Tristan habang busy lang sa pamumugot ng ulo sa mga zombies na nagtatangkang kagatin siya.

"Siguro." Sagot ko habang sinusuri ang paligid. Humanap ako ng daan para masagip si Kate. Pansin kong hindi na siya magkanda-ugaga sa loob dahil nakatingin siya sa kahoy na pinto na unti-unti ng nawawarak.

"Bakit hindi siya humanap ng daan para makalabas at makaligtas siya? Talagang hinihintay niya pa kami?" Reklamo ni Tristan.

"Maybe she's just scared. Hindi naman lahat kaya maging matapang sa isang iglap."

Ibinuhos ko ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagbaril sa mga zombies. Another wave was near. I don't know what to do anymore. Napapagod na ako, nauubusan na ng lakas.

"Subukan mong lumabas!" Tristan shouted at Kate.

"The door is locked up here! May nag-lock sa akin!" Sigaw niya pabalik.

"Try to do something about it!" I still try to sound nice para hindi siya mapressure. 

"Zoe..  Zoe, napapagod na ko." Rinig kong sabi ni Tristan. Pansin kong humihina na ang pwersa niya sa bawat atake. Nangangalay na ang mga braso niya. Kapag tuluyan siyang bumigay, lagot kami. Hindi ko ito kakayanin mag-isa.

"Gusto mong palit tayo?" Tanong ko habang hindi nakatingin sa kaniya. Hindi siya sumagot sa akin kaya chineck ko kung okay pa ba siya. Napaatras ako at napapikit nang may nagtalsikan sa aking dugo. Kulay itim na dugo na galing sa zombie na pinugutan ni Tristan ng ulo. Napaatras ako at napatakip sa sariling mukha.

Nakakasuka. Bakit ang bilis maging itim ng dugo nila?

I wiped my face using my sleeves before I continue shooting those damn zombies. Hindi ito ang tamang panahon para umarte at magreklamo sa lasa ng dugo na 'yon. Nakakadiri pero hindi ko na dapat pang pansinin.

Nagpatuloy lang ako sa pagbaril. Maingay ito kaya paniguradong naririnig na kami nila Maddison at imposible namang hindi nila kami mapansin.

"Shit, Zoe! May nakikita ka na bang daan?" Nilibot kong muli ang paningin ko. Nakita kong walang zombies na nakaharang doon sa may left side ng barn kaya naman dumikit pa ako lalo kay Tristan saka itinuro ang nakita kong daan.

"Mauna ka na. Susunod ako. Bilis!" Natatarantang sabi niya kaya tumango ako. Sinunod ko ang sinabi niya. Hindi ko 'to kailanman naisip, na gagawin ko ang bagay na 'to. Buong buhay ko, kapit lang ako sa barkada ko. Masasabi kong hindi ako kasing tapang ni Kaylee at kasing independent ni Kirstel. Pero ngayon kailangan ko ring magpakatatag para sa sarili ko at para sa kanila.

I'm scared. Really scared. Pero kailangan kong tatagan ang loob ko. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan namin ang isa't isa. Hindi ako dapat sumuko.

Takbo ako nang takbo. Tumutulo na ang pawis pababa sa mga mata ko kaya napapikit ako dahil sa hapdi. Pinunasan ko 'yon gamit ang kabilang sleeves ko na malinis pa. Ang dumi ko ng tingnan, halo halo na ang pawis, dugo at kung ano pang klase ng dumi rito sa mukha at buong katawan ko.

Binaril ko ang isang zombie na humarang sa dadaanan ko bago humanap ng pwedeng madaanan. Wala akong nakitang pinto kaya naisipan kong sa bintana na lang dumaan ngunit may mga kahoy na nakaharang rito. Siniko ko 'yon ng ilang beses at sinipa-sipa na rin hanggang sa tuluyang mawarak. Hindi ko inintindi ang gasgas kong natamo, tinahak ko na lamang ang daan paakyat sa kinaroroonan ni Kate.

"Kate!" Sigaw ko kaya napalingon siya sa akin. Takot na takot siya.

Tumakbo siya sa akin habang umiiyak saka ako niyakap ng mahigpit. Napatingin ako sa isang zombie na nakabulagta na sa sahig habang may kahoy na nakatusok sa mukha nito. Kumalas rin ako agad para i-check kung okay lang ba si Tristan. Kitang-kita ko kung paano siya mahirapan. Hinila ko na si Kate palabas, ngunit napatigil ako nang makarinig ako ng parang kahoy na nabali. Palakas ng palakas ang mga ingay na naririnig ko.

They are here.

"They broke the door!" Natatarantang sambit ni Kate. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya saka siya hinila pababa sa hagdanan.

"Don't make any noise." 

Dahan-dahan, naglakad kami patungo sa bintana para sana lumabas na ngunit sadyang nakakalikha ng maliliit na tunog ang mga dayaming nagkalat kaya napalingon ang iba sa amin.

Gusto ko na lang maiyak dahil pakiramdam ko katapusan na namin. If we don't run fast, mamamatay kami dahil maaabutan nila kami. I don't want that to happen. Marami pa kong pangarap sa buhay, para sarili ko at para sa pamilya ko. Hindi pa ako pwedeng mamatay.

"Let's go, Kate. Let's run fast." Sabi ko nang maramdamang pabagal na siya nang pabagal. Napalingon ako sa kaniya at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagdudugo pala ang binti niya. Napabitaw siya sa akin at napaupo.

"Zoe—"

"No, Kate!" Pilit ko siyang hinihila. Hindi nila kami pwedeng maabutan!

"Zoe, thank you sa pagsagip sa akin ngayon. Kahit sobrang sama ng pakikitungo ko sa 'yo noon, napakisamahan mo pa rin ako." Naiiyak na sabi niya. Napalingon ako sa mga zombie dahil makakalapit na naman sila sa amin.

"Tumayo ka diyan, Kate. Aakayin na lang kita. Tara na, sige na." 

Ngumiti naman siya ng mapait dahil sa sinabi ko. Nababaliw na ba siya?! Bakit nakukuha niya pa ring ngumiti?

"Y-You're really... nice." A tear fell from her eyes.

"When I saw you running papunta sa barn, saktong nakagat ako ng isang zombie na nasa likuran ko pala. I didn't know. Hindi ko napansin dahil masyado akong na-distract sa inyo. Nanglaban ako pero huli na. I was bitten. I'm infected now." Bakas ang panghihina kay Kate. "Y-You can go now..."

Napaawang na lamang ang bibig ko dahil sa narinig. Pinagmasdan ko ang malaking sugat sa binti niya. Visible na ang mga veins rito. Namamaga na rin.

"By the way... I saw Marcus and Harper—" Natigil siya sa pagsasalita nang bigla na lamang siyang mangisay. Napatakip na lamang ako sa bibig ko. Napagtanto kong wala na sa kamay ko ang baril na hawak ko kanina. Ano ng gagawin ko?!

"Kate? Kate!" Hinawakan ko siya pero agad rin akong napalayo. Natatakot ako sa pangingisay niya! Ano ng gagawin ko? Hindi ko na alam!

Nanghina ang mga tuhod ko kaya natumba ako sa lupa nang makita kong tumayo sa harapan ko si Kate na para bang walang nangyari. Na para bang wala lang sa kaniya ang sugat na gawa ng isang zombie kanina. Kate is standing in front of me pero alam kong hindi na siya si Kate. 

She's infected now.

Kumurba ng isang ngisi ang labi niya kaya unti-unti na akong umatras. Akmang dadagan na siya sa akin pero may isang lalaking humarang kay Kate para mapigilan ito sa pagkagat sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung ano ang nangyari. I saw blood dripping down from his arm. Napatakip na lamang ako sa bibig ko.

"T-Tristan..."

_

Wasteland 1: The Bloody HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon