Chapter 26: Wasteland

1.1K 72 17
                                    

Chapter theme: Against The Current - Wasteland

⇏ Z O E

Patuloy ang pag-agos ng luha ko habang nakatitig sa karagatan. We are traveling across the deep waters to finally makit it out alive. But I don't understand how am I going to live my life again when I already feel dead inside.

"Hello! Ikaw ba yung Zoe Fajardo?" Tanong sa akin ng isang babaeng halos kasing tangkad ko lang. Kulay black ang buhok nito at may full bangs. I think she's my blockmate. Kakasimula pa lang kasi ng klase kaya hindi pa ako pamilyar sa mga kaklase ko.

"Ah, yes." Sagot ko. I let out an awkward smile. Hindi talaga ako sanay sa tao.

"Pinapatawag ka ng dean, e. Samahan na kita since doon rin naman ako papunta." 

Tumango na lamang ako. Sabay kaming naglakad. Parehas walang nagsasalita sa amin. Masasabi kong ang awkward ng atmosphere. I feel so sorry for her, she's with someone who doesn't know how to socialize.

"You're pretty pala." Out of the blue na sambit niya kaya napatingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Hindi na ako magtataka kung bakit crush na crush ka nung Marcus Villaruel. Katabi ko 'yon sa upuan tapos lagi kang tinatanong sa akin! Wala naman akong masagot kasi hindi naman kita kilala 'no." Napatigil ako dahil sa sinabi niyang 'yon.

What the hell... totoo 'yon? Crush ako ni Marcus?

Napatili ako mentally habang kagat ang ibabang labi ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. 

"Zoe, bakit napahinto ka? Kinilig ka ba?" Biro niya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang ekspresyon ko. Alam ko, alam ko...alam kong mukha akong timang na kinikilig rito.

"Kinikilig ka nga! Ayieee! Ayan ha! Kakakilala pa lang natin binigyan na agad kita ng lovelife!" Masiglang sambit niya kaya natawa ako. She's a happy virus. I like her. I want her to be my friend. 

"Friends?" Out of the blue na tanong ko sa kaniya kaya napatigil siya at unti-unting napapangiti. Tinanggap niya ang kamay ko na siyang mas nagpalapad ng mga ngiti namin.

"Friends!"

Mas lalo akong naiyak nang maalala ko ang unang pagkikita namin ni Kirstel. Ramdam ko ng magiging kaibigan at kasundo ko siya dahil ang gaan ng loob ko sa kanya.

We're both freshmen that time. Sa islang iyon ako lumaki at siya naman ay bago lang kaya lagi ko siyang sinasamahan. Mukhang kumportable rin naman siya sa akin. Dahil nga blockmate kami, sabay rin kaming kumakain at umuuwi.

I miss Kirstel already. I miss everything about her already...


Nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot ng exams nang bigla akong natawa. I'm not crazy, it's just I suddenly remember Kirstel and I's funny moments before. Kahapon kasi para siyang tanga na kumakaway sa CCTV sa library, napagalitan tuloy kami.

"Hoy! Ba't ka ba ngumingiti diyan?" Sita niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kaniya. Nang makita ko ang nakakunot niyang noo at iritadong mukha ay mas lalo akong natawa. Tinakpan ko ang bibig ko dahil baka marinig ako ng prof namin at mapagalitan pa ako.

"Wala." Sagot ko kay Kirstel. Muli kaming nagsagot pero natatawa talaga ako kaya maya't maya akong napapatigil ako sa pagsusulat. Nakaramdam ako ng paghampas sa braso ko kaya napaharap akong muli kay Kirstel.

"Para ka namang ewan diyan, uso magshare ng chika." 

Muli na naman akong natawa. Ibinaon ko ang mukha ko sa mga palad ko ngunit tinanggal ko rin ang nakatakip kong palad sa aking mukha ng marinig ang tawa ni Kirstel.

"Oh, bakit ka nakikitawa sa akin?" 

"Natatawa ako sa 'yo!" 

"Baliw ka 'no?" 

"Ano ka pa?"


Natawa ako nang maalala ko ang kabaliwan namin ni Kirstel. Napalabas kami ng prof dahil tawa raw kami nang tawa. Hindi na rin kami pinagtake ng exam. That was cruel, but also my favorite moment with my bestfriend. Ni hindi man lang kami nakonsensya that time ay nagawa pa naming magcutting. First cut namin 'yon ng classes.


"Zoe, promise mo sa akin na ako lang ang bestie mo. Huwag mo akong ipagpapalit sa mga pangit na 'yan," Biglang sabi ni Kirstel sabay inom ng alak. Medyo nahihilo na siya kaya sumandal siya sa akin. 

At ang mga "pangit" naman na tinutukoy niya ay ang barkada. Kasama namin sila ngayon at ito ang unang night out namin.

"Ano ka ba? Hindi kita pagpapalit basta huwag mo kong iiwan ah!"

"Walang iwanan na mangyayari."

"Promise?"

"Promise."

Promises are always meant to be broken. Intentionally or not. There will be time that we will break the promises that me made. 

Pero kahit na sinira ni Kirstel ang pangako niya, kahit na iniwan na ako ni Kirstel hinding-hindi ko siya ipagpapalit. 

Hindi papasok sa isip ko na ipagpalit siya. 

Hindi niya rin naman kasi ginusto ang pagkawala niya.

Muli kong nilingon ang islang tuluyan na naming lilisanin. Paliit na ito nang paliit sa paningin ko. Mukha lamang itong payapang isla ngunit marami palang kahindik-hindik na pangyayaring naganap. Mga pangyayaring sobrang sakit na alalahanin. Ngunit meron rin namang mga ala-alang sobrang hirap iwanan dahil isa iyun sa mga nagpapasaya sa akin.

Sa isla na 'yon, doon ko nakilala ang mga kaibigan ko. Ang mga kaibigan kong nagbigay kulay sa madilim kong mundo. They are the person that I met along the way that makes me appreciate the journey. I'm so thankful to meet them.

Doon na rin ako lumaki. Doon ako natuto ng maraming mahahalagang bagay.

Suddenly, I felt someone scooting closer and wrap an around around my shoulder. "You're very strong, Zoe." Napangiti ako ng tipid sa sinabi ni Kaylee.

Si Maddison naman na nasa tapat ko ay binigyan ako ng ngiti na para bang pinararating niya makakaya ko ang lahat. Binalik ko sa kaniya ang ngiti na 'yon.

Tuluyan na kaming nakalayo sa isla. Habang umaandar ang bangka ay nahihirapan na rin akong makita ang isla dahil tuluyan nang dumilim ang paligid.

"There so many things happened on that nameless island." Kaylee said.

"Nakaalis na tayo't lahat wala pa ring pangalan ang islang 'yon." Biro ni Tristan kaya muli akong napatingin sa gawi no'n kaso tuluyan na itong naglaho sa paningin ko. Mapait akong ngumiti.

"Wasteland." I told them.

"Wasteland?" They asked me. Nakuha ko ang atensyon nilang lahat.

"Bad memories. Bad happenings. The undead or whatever those infected people are, they gave us some crappy memories that deserves to be thrown like a trash... like a waste."

"Nameless island no more." Napatango si Maddison.

"Wasteland." Pag-uulit ko pa. Wala na ito sa aking paningin. Hindi ko na ito makita. Sana nga hindi ko na ulit iyon makita. Wala na rin akong balak balikan pa iyon.

For the last time. I looked back and smiled bitterly. From now on I'm going to start a new life. Magpapakatatag ako. Kakayanin kong tumayo sa sarili kong mga paa.

Not everyone can save you.

Not everyone will understand you.

Not everyone is going to like you.

Not everyone can be your friend.

At the end of the day all you have is yourself and yourself only. 

In the middle of darkness, no one will give you light. Only yourself. 


_

Wasteland 1: The Bloody HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon