Chapter 14: The rescue

1.1K 71 33
                                    

Multimedia: Vrej

⇏ Z O E

Napasandal na lamang ako sa pintuan saka tinakpan ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay. Tanging paghagulgol na lamang ang nagawa ko. Last time I almost lost a friend but now it really happened and I don't know how to cope up with that. Sobrang sakit, hindi ako handa. At kailanman, hindi ako magiging handa sa pagkawala ng isa sa mga kaibigan ko.

Seeing Kaylee cry, hearing her sobs breaks my heart. She lost her brother, she lost a part of her life. I lost a friend. We lost a friend, almost a brother to us.

We lost Kobe...

Napaalis na lamang ako mula sa pagkakasandal sa pintuan nang marinig ko ang kalabog sa pintong sinasandalan ko. Hindi na ako nagulat sa mga nilalang na iyon, hindi ko alam kung immune na ba ako sa kanila o sadyang hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman magmula nang mawala si Kobe.

"Let's go!" Naalis ang tingin ko sa pinto nang sumigaw si Nathan. Napatingin ako sa kanila, at nakita kong naglaglag ng manipis na hagdan ang dalawang helicopter. Pinunasan ko ang basang pisngi ko at hinila si Kaylee na nakaupo lang sa semento habang umiiyak. Mahigpit ong hinawakan ang malamig niyang kamay. Pinigilan kong tumulo ang mga luhang nagbabadyang tumulo. I need to be strong, we need to. Hindi lang para sa mga sarili naming kundi para sa iba na rin.

"Come on!" Sigaw muli ni Nathan na siyang nakasakay na pala sa helicopter. Tumingin siya sa akin at sinenyasan na akong umakyat. Tumango naman ako at akmang hihilahin na si Kaylee muli pero hindi siya nagpadala, bagkus ay pumunta siyang muli sa may pintuan, bago pa man siya makadikit doon ay nahila na siya ni Kirstel.

"Kuya! Kuya! Tara na!" Sigaw ni Kaylee. Nagkatinginan na lamang kami, pare-parehas naaawa at nasasaktan. 

"Kaylee! You need to be strong, okay?" Sambit ni Tristan na halatang naiiyak na rin.

"I can't do that. I can't do that..." 

Lumapit na si Maddison sa kanilang dalawa bago akayin si Kaylee patayo. Hinila naman ako ni Kirstel papunta sa manipis na hagdanan na yari lamang sa lubid. Nag-abang si Nathan mula sa itaas, hanggang sa malapit na ako sa ikahuling baitang ay kinuha niya ang kamay ko at tinulungan ako sa pag-akyat.

"Doon na ako sa kabila!" Sigaw ni Maddison kay Nathan at itinuro ang kabilang helicopter. Nakita ko ang pagtango ni Nathan sa kaniya kaya dali-daling umakyat sa kabilang helicopter.

Naka-pokus lang ang tingin ko sa pinto kaya hindi ko namalayang nandito na pala si Kaylee sa loob. Muntik na akong mapatayo nang makita kong unti-unti ng nagigiba ang pinto na nagsisilbing harang namin sa mga nilalang na gusto kaming kainin.

Binalot akong muli ng takot.

Naramdaman ko ang malakas ng hangin na tumatama sa mukha ko. Napagtanto kong unti-unti ng umaangat ang helicopter.

Dali-dali akong sumilip sa labas at nakita kong si Marc na lang pala ang hindi pa nakakaakyat. I almost screamed when I saw the door broke. Para akong tinakasan ng lakas nang makita kong nagsisimula pa lang siya sa pag-akyat habang ang mga zombies ay malapit na sa kaniya.

Nakita ko ang paglipad ng helicopter na sinasakyan nila at nang hindi na maabot ng mga paa ni Marc ang sementong inaapakan ay tumalon na siya habang ang magkabilang kamay ay sobrang higpit ng hawak sa hagdang lubid. Para akong maiiyak. 

Hanggang sa mawala sila sa paningin ko ay nananatili akong nakatitig sa direksyon na 'yon. Sumandal na lamang ako sa upuan ko at sinubukang ikalma ang sarili.

"Mga bata, may mga nasugatan ba sa inyo?" Tanong ng piloto, sinuri ko naman ang sarili ko at napagtanto kong may piraso ng kahoy na nakatusok sa binti ko. Napangiwi na lamang ako, hindi ko alam kung paano ito aalisin dahil paniguradong sobrang hapdi.

Wasteland 1: The Bloody HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon