Chapter 23: Friends no more

934 58 20
                                    

⇏ Z O E

"Zoe? Shan?" Napadilat ako nang marinig ang boses ni Kaylee. 

Hindi na naman ako nakatulog, ang tagal ko ng nakapikit. Ilang klaseng hayop na rin ang binilang ko pero hindi pa rin ako nagawang dalawin ng antok. Ang hirap palang matulog kapag maraming iniisip.

"Bakit nandiyan kayo?" Tanong niya sa amin. Napatingin siya kay Shan kaya napatingin rin ako rito sa katabi ko. He's sleeping peacefully. Buti naman nakuha na niyang magpahinga. Para na rin kasi siyang pagod na pagod.

"Zoe naman. Paano kung may mga zombies na pumasok rito tapos natagpuan nila kayo, paano na? Mababawasan na naman tayo? Ayaw ko ng—"

"Kaylee, chill." 

Bumuntong hininga siya saka ako tiningnan ng seryoso.  "Okay, sorry kung ang OA ko pakinggan. Gusto ko lang naman kasi nagdoble ingat ang lahat." 

"I understand." I smiled, patting the floor beside me. Umupo naman siya rito kaya naman agad ko siyang niyakap gamit ang isang kamay ko lamang dahil hawak ko si Shan sa kabila.

"Zoe, gusto ko ng umalis rito." Pagod na pagod niyang sabi sa akin.

"You speak for everyone." I told her. Kung wala lang kaming babalikang mga kaibigan at pamilya rito, hindi na sana kami umalis pa sa cruise ship na iyon. 

Ipinikit ko ang mga mata ko, ngunit napadilat itong  muli nang magsalitang si Kaylee. "Namimiss ko na si Kuya." Lumuwag ang hawak niya sa kamay ko kaya ako naman ang humawak rito ng mahigpit. 

Alam kong nanghihina siya ngayon dahil sa bagay na naglalaro sa isip niya. Hindi madali mawalan ng mahal sa buhay, lalo na yung parte ng pamilya mo. 

But we have to be strong.

Kasi sino na lang ang magpapakatatag para sa atin oras na mawala na ang lahat?

Wala. Sarili lang natin.

Minulat ko ang mga mata ko ng makarinig ako ng ingay. Nakaidlip na pala ako. Dahan-dahan akong tumayo dahil baka magising ko sila Shan at Kaylee. 

Nagmamadaling mga yabag paalis ang narinig ko. Hindi na ako nagtaka nang makita ang pigura ni Harper sa hindi kalayuan. Madaling-madali siya habang pilit na inaayos ang suot nitong jacket gamit ang isang kamay dahil hawak niya ang kaniyang cellphone sa kabila.

Kaagad ko siyang sinundan nang medyo makalayo na siya sa akin. Ano bang binabalak ng babaeng 'to? Saan ba siya pupunta? Tatakasan niya kami?

"Shit.Walang signal!" Sa sobrang inis niya ay nabitiwan niya ang cellphone kaya muli niya itong binalikan ngunit napahinto siya sa pagpulot rito nang makitang nakatayo ako sa harapan niya.

"Z-Zoe, you scared me." She said infront of my emotionless face.

Nakatitig lamang ako, binabasa ang bawat ekspresyon ng mukha niya. Bakas ang pagkanerbyos at pagkataranta rito.

"Where are you going?" I asked her. Pinulot na niya ng tuluyan ang cellphone niyang nabasag na ang screen. 

"S-Somewhere." Sagot niya. "And don't you dare follow me." Napakunot ang noo ko dahil doon. Tinalikuran niya ako at nagsimula ng tumakbo pero hindi ko siya hinayaang mawala sa paningin ko kaya naman hinabol ko siya at hinablot ang hood ng jacket niya kaya napahinto siya sa pagtakbo at nabangga pa sa akin ang likod niya.

"Sagutin mo ako ng maayos. Saan ka pupunta?" I'm pretty sure that she's going to escape and leave us behind and I will never let that happen. Abot abot na ang perwisyong dinulot niya sa akin at ngayon sasaktan niya pati ang iba sa pamamagitan ng pang-iiwan?

Wasteland 1: The Bloody HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon