Chapter 13:The Almaira World

1.7K 36 2
                                    

Author's POV

Natataranta na ang lahat, 'di nila alam ang gagawin dahil sa patuloy ang paglaganap ng lason sa katawan ni Hellaraye at wala na sila pang pagpipilian kundi dalhin na sa Mundo ng Almaira ang mga prinsesa, dapat nga nung ika-18 nilang kaarawan ang kanilang pagdating ngunit dahil sa 'di inaasahang pagkakataon ay napaaga ito.

"Amira kumusta na si Kambal?"balisang tanong ni Hailey.

Nasa loob ng isang bubble si Hellaraye habang lumulutang ito.Sa loob ng bubble na yun ay mahina ang takbo ng oras kaya dun mapapahina ang pagkakalat ng lason sa katawan ng dalaga.

"Sa ngayon Hailey,tatagal pa siya dahil sa bubble na yan...mahina ang pagtakbo ng oras diyan kaya mahina ang takbo ng lason sa katawan ng Prinsesa."paliwanag ni Amira.

Napayuko naman ang dalaga at lumuha,hindi na napigilan pa ni Kyle ang sarili kaya lumapit siya kay Hailey at saka ito yinakap ang dalaga.

"I feel so useless, my sister is suffering at wala akong magawa para makatulong"sambit ni Hailey saka humagulhol.

"Hindi pa lumalabas ang mga elemento mo kaya wala pa tayong pagpipilian kundi hayaan kami na gumawa ng paraan sa sitwasyong 'to"sambit ni Kyle.

"Akala ko ba hindi na tatablan ng lason ang katawan ng mga bampira?"sambit ni Hailey saka kumawala sa yakap ni Kyle.

"Kasi Hailey ang lason na inilagay sa katawan ni Hellaraye ay ang AVP o kilala bilang Ancient Vampire Poison na nagmula pa sa mga legendary black witches na kalaban ng mga bampira simula ng mabuo ang Almaira.Hindi iyon madali dahil ang lason na yun ang pumatay sa libo-libong mga royal blood vampires...ang mas masaklap sa lason na iyon ay bihira lamang magpakita ang bulaklak na pinagkukunan ng Verus, at ito naman ang dagtang maglilinis ng lason sa katawan ng biktima at tumutubo lang ito once in a hundred year."paliwanag ni Kyle saka ito tumayo at naglakad na patungo sa portal.

"Kyle......salamat" turan ni Hailey saka ngumiti at patakbong lumapit kay Kyle. Bagay na ikinatuwa ng binata.

Matapos magdaan ang ilang minuto ay narating na nila ang gitna ng gubat sa likod ng Emeraldium Academy na kung saan nakatago ang portal patungo sa Almaira.Lumapit sila doon at nagsimulang magsipasukan.

"Sandali....ano yan?"takot na sambit ni Hailey saka ito umatras.

"Huwag niyong sabihin na diyan tayo papasok?"pagpapatuloy nito.

Ngumiti na lamang ang binata saka iniabot sa dalaga ang kamay niya para alalayan ito.

"Diyan nga,Hailey"sambit nito saka inabot ni Hailey ang kamay niya at saka na sila pumasok sa loob ng portal.

Nagpahuli naman sina Amira at Airex habang nasa loob ng bubble ni Amira ang walang malay na si Hellaraye.

"Tell me Amira.....she won't last in 10 days right? And that bubble is just an ordinary bubble...why do you have to lie to them?" sambit ni Airex habang nakatitig sa dalagang nasa loob ng bubble.

"Mukhang hindi nga kita mauutakan Airex sadyang matalino ka nga.....I lied because nalaman ko na wala pa ring bulaklak ng Verus ang tumutubo at alam kong wala na tayong magagawa pa para mailigtas siya" sambit ni Amira saka lumuha.

"May iba pa namang mapagkukunan nun hindi ba?"sambit ni Airex.

Napaangat naman ang nakayukong ulo ni Amira habang umiiyak ng marinig ang tinuran ni Airex.....alam niyang susugal ito para mailigtas ang dalaga....

"Airex....huwag mo nang gawin pa ang ninanais mo.....wala tayong kasiguraduhan diyan"pagpipigil ni Amira sa nais gawin ng binata.

"Do I have a choice?"cold nitong turan saka tumingin kay Amira ng nakakakilabot.

The Princesses Of AlmairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon