[EDITING]Chapter 31:Aira Alantar💕

750 26 0
                                    

Kyle's Point of View
Matapos naming matakasan ang mga demonicals.Ay nagtungo kami sa palasyo.Saka muna pinagaling ang sugat na natamo sa laban nila ni Hellaraye.

"Kailangan nating matulongan silang lahat sa lalong madaling panahon bago mahuli ang lahat."sambit ni Hailey na hindi na maganda ang itsura dahil sa nararamdamang sakit

"Magtutungo tayo gurong Maldore ang may maraming alam tungkol sa mahika.Para malaman natin kung anu-ano ang kailangan natin para makatulong"sabi ko saka ipinagpatuloy ang panggagamot sa kaniya.

Matapos kung mahilom ang mga yun sa gamit ng mga mahikang aking nakalap ay lumakad na kami patungo sa tahanan ng aming guro.Hindi nagtagal ay narating din namin yun.

"Ano at naparito kayo"bungad nito mula sa aming likurang kakatok na sana kami sa kaniyang pinto.

"Ah,ano nandito po sana kami para humingi ng tulong na hanapin ang mga kasangkapang makapagbabalik ng alaala at kontrol sa katawan na epekto ng batong isinumpa."sambit ni Hailey habang nakahawak pa rin sa kaniyang sugat sa kaniyang tagiliran.

" Isinumpang bato kamo?Halina kayo sa loob at ng masabi ko sa inyo"sabi niya saka kami pinapasok sa kaniyang tahanan.

Ng makaupo na kami ay may kinuha siyang libro na luma na at may hinila na parang mapa doon saka nito ibinigay sa amin.

"Ito ang libro ng mga Mariyas"sambit nito saka ibinigay ang mapa kay Hailey.

"A-Ano po ba ang Mariyas?"tanong naman ni Hailey sa kaniya.

"Hija,ang Mariyas ay yung mga bundok na pinoprotektahan ng mga diyos at diyosa na makapagbibigay ng inyong ninanais."sagot naman ni guro sa kaniya.

Pagkatapos naming makuha ang ilang mga mahahalagang impormasyon para sa aming paglalakbay ay nagsimula na kami sa aming pakikipagsapalaran.

"Uunahin nating puntahan ang Aira Alantar ang bundok na tirahan ng mga diwata't engkanto at doon natin matatagpuan ang unang sangkap..Ang Terovia."paliwanag sa akin ni Hailey.

Gamit ang kabayong aming sinasakyan ay nilakbay namin iyon ng mahigit na isa at kalahating araw.

Sa hinaba-haba ng aming paglalakbay na iyon ay narating din namin ang mahiwagang bundok ng Aira Alantar......

"Ito na nga ba yun?"tanong ko sa kaniya sabay ang paniningkit ng aking mga mata habang tinatanaw ito.

The Princesses Of AlmairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon