Chapter 1: Their Life

5.6K 108 3
                                    

Avisha's POV

Nag-iisa lang akong anak nina Mom and Dad and I admit okey Mayaman kami......as only child naging spoiled brat ako and i have my bestfriend,her name is Arissa lumaki kaming magkasama palagi.....

"Avisha my dear andito na si Arissa" pagtatawag sa akin ni Mommy.

"Yes mom,I'll be there!"pasigaw kong sagot habang nasa aking kwarto pa, nagbibihis.

"Avisha pakibilisan mo kasi mala-late na tayo,first day of school pa naman"pangungulit ni Arissa. Minsan talaga 'tong babaeng 'to hindi umuuso sa sinasabing 'kalma'. Ang aga pa kaya, 8:00 ang class eh 7:45 pa lang naman, geez.

"Oo na, sandali nga lang eh"bored na turan ko sabay baba ng hagdan at kinuha ang mga gamit ko then off we went.

Pagkababa ko ay lumabas na ako at nagpaalam kay Mom and Dad 'tsaka na kami nagpahatid. Napamasid lang ako sa mga dinadaanan namin tutal nakasalpak naman sa mgkabilang tenga ng babaeng 'to ang earphones niya. Nakakabingi ang katahimikan actually, gusto kong dumaldal pero mapapanis ata ang laway ko for today's video dahil sa kasama kong 'to. Haaaayst!

After fifteen minutes of travel, sa wakas ay nakarating din kami sa destinasyon namin and all I can say is that she's so boring to be with kasi ang tahi-tahimik niya. Ang tipo ng taong tulad nito ay hindi ko talaga makakasundo, as a matter of fact naging friend lang naman kami nung time na dapat ay wala na ako sa mundong ito.

The story, went this way....

---------------------


FLASHBACK......
~•~

Masaya ako ngayon dahil 6th birthday ko, pinayagan ako nina Mom and Dad na mamasyal and of course kasama ko si yaya kaya lang....

"Avisha!bumalik ka dito!" Pagtatawag sa akin ni Yaya Lineth pero hindi ko siya pinakinggan bagkus ay nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. 

"Hahahaha, no way!" tumakbo ako palayo sa kaniya bagay na nakagawian ko. Gustong-gusto ko talaga na tinatakasan siya palagi, isa pa dahil dito ay lagi naman siyang pinapagalitan ni mama kahit kasalanan ko pa. Sa 'di malamang kadahilanan ay nakakatuwa para sa'kin kapag nangyayari 'yun.

"Wala na kaya siya?" Sumilip ako mula sa pinagtataguan koband siguro nga wala na siya since wala nang bumubuntot sa akin,hay,salamat naman.

Maya-maya ay napagpasiyahan ko na magtungo sa may maliit na bridge....actually takot ako doon kasi bukod sa afraid of heights ako ay hindi rin ako marunong lumangoy...in case lang na mahulog ako. Ewan ko ba sa utak kong 'to.

"Hay.....sa wakas I'll finally be myself." malungkot kong turan sa aking sarili. Birthday ko nga, pinagbigyan nga 'ko na magpunta dito pero hindi ko naman kasama sina mommy at daddy, and they promised pa talaga that they'll spend this day with me pero work pa rin ang inatupag nila, hmph!

"Kung nagkaroon lang ako ng kapatid..."pahabol ko pang turan, kasi naman pagganun may kalaro ako tapos hindi sana ako stuck up sa babaeng 'yun.

Tatayo na sana ako sa pagkakaupo sa gilid ng bridge kaso nga lang ay umulan ng biglaan dahilan para tumakbo ako paalis doon at habang ako ay tumatakbo ay nadulas ako. Bumilis ang kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, in the end, I closed my eyes and awaited my body to fall to where it would.

The Princesses Of AlmairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon