Chapter 4: Asassination

2.7K 64 0
                                    

Avisha's POV

Kailan man ay hindi ko tinanggap ang pagiging heiress ng isang asassin company dahil ayokong pumatay o 'di kaya ay magbigay ng utos na pumatay...but now they crossed the line. Nanggigigil ako eh, kailangan ba talaga na pilitin kami sa ayaw namin? Asar!

"Avisha,what's in your outfit?akala ko ba hindi ka tutulad sa dad mo?" turan sa akin ni Mommy sabay pamaywang.

"Mom,my friend is in Dianarra's A.C and I need to save her" sabi ko, tiningnan niya 'ko saka ininom ang tsaa niya.

"You should call your dad to ask some help"turan ni Mommy sabay abot sa'kin ng telepono.

"No,huwag na mom,kaya ko na 'to magtiwala kayo"turan ko sabay alis,tumakbo ako sa taas ng mga bubong like ninja ganun. Tapos nadulas pero tumayo pa rin, okay lang, 'di naman masakit, nakakaiyak lang.

"Avisha!"pagtatawag ni mommy pero di ko na lamang iyon pinansin.

Nandito na ako ngayon sa tuktok ng isang gusali, nagmamasid sa napag-usapan naming tagpuan.  Maya-maya lang ay nakita kong may bumaba sa kotse na may dalang babaeng may takip ang mata at may telang nakaimpit sa bibig nito.

"Dianarra... bwesit ka"bulong ko ng maaninag ko ang mukha nito.

Dahil sa nakumpirma ko na 'yon ay bumaba na 'ko at nakita kong nagsipasok na ang kaniyang mga alalay na wala sa aming usapan, mukhang gusto akong traydorin ng isang 'to ah.

"Showtime" bulong ko sa sarili ko sabay ngiti at palihim na pumasok. Pinaslang ko ang mga bantay na aking nakitang nagtatago sa dilim.

"Akala niyo ha"turan ko sabay sapak sa isa na sanhi upang ito ay makatulog.

Nang tuluyan na akong makapasok ay minalas ako at nakita ako ng mga nagpa-patrol na mga bantay.

"Hoy!"pagtatawag ng isa sa mga bantay.Ngunit hindi ko siya nilingon.

"Hindi siya isa sa'tin, hulihin 'yan!"sigaw nung isa.

"Sht!"napamura ako ng malaman kong ako ang puntirya nila nung tumakbo sila, dahil dun ay alam kong nakarating na ang balitang yun kay Dianarra.

Nung wala na akong matakbuhan ay nilabanan ko na lamang sila with all of my best and strength.

"Wala ba kayong konsiderasyon sa babae?" I asked with an intention of pestering them.

"Walang halaga ang kasarian ng aming makakalaban dito sa aming trabaho"tugon nila,

"Ohhhkay?...let's fight"turan ko sabay sugod sa kanila.

Tuwing ako ay lalaban napapansin kong ako ay lumalakas than the usual strength na taglay ng tao. Parang iba ako sa lahat, 'yung ganung feeling at minsan gusto ko ang makakita at makatikim ng dugo,parang baliw na ewan. 

"Magaling binibini natalo mo na halos kalahati ng aking mga sundalo malakas ka nga kaya dapat hindi kita agad hinusgahan"turan nung lalaking kaharap ko naman ngayon.

"Kahit kailan hindi dapat minamaliit ang mga babae tandaan mo 'yan"sambit ko saka siya sinugod.

Sa ngayon aaminin kong nahihirapan ako sa kaniya malakas din pala siya kaya ang ginawa ko ay hinugot ko na ang aking katana na kanina niya pa ginawa...sinugod ko siya gamit 'yun ngunit nakaiwas siya at nadaplisan lamang ang kaniyang tagiliran pero kahit na ganun ay dumugo pa rin iyon.

"Kita mo? Hindi kita hahayaang manalo laban sa akin"turan ko saka siya sinuntok ng malakas sa kaniyang sugat dahilan upang ito ay mapaluhod dahil sa sakit.

Dahil sa kaniyang ipinakitang kahinaan ay natalo ko siya sa wakas.Pinatamaan ko ng aking palad ang kaniyang batok na dahilan upang siya ay mawalan ng malay....sa ngayon ang aking nakikita dito sa aking harap ay ang pagbaha ng dugo sa sahig at ang pagkalat ng mga wasak at putol-putol na katawan ng aking mga nakalaban.

"Bitawan mo 'ko,pakiusap huwag niyo akong patayin....patawarin niyo 'ko"mangiyak ngiyak na pagmamakaawa ni Dianarra habang hila-hila ni Arissa ang buhok nito, bakas ang galit sa ekspresiyong meron ang mukha niya ngayon.

Itinulak ni Arissa si harap ko ang babaeng 'to.

"Ahhhh! Huhu....pakiusap patawarin niyo 'ko" pagmamakaawa nito.

"No,you must also die " walang atubiling sagot ni Arissa.

Sumunod noon ang kabigla-biglang pangyayari.....naging purong itim ang mata niya at lumabas ang matatalas niyang pangil at ang mahahaba niyang kuko, nagulantang ako sa takot at parang nanigas dahil hindi ako nakagalaw.Mas lalo pa akong natakot nung lumapit siya kay Dianarra na kanina pa nangangatog sa takot.

"Waaaahhh! Pakiusap Avisha, tulong-----"hindi na niya natapos pa ang kaniyang sasabihin ng biglang kunin ni Arissa ang kaniyang puso na tumitibok-tibok pa saka natumba ang walang buhay na katawan ni Dianarra.

Mas lalo akong nagulantang nung siya ay bumaling at lumapit sa akin.Ngunit unti-unting naglaho ang itim niyang mata saka bumalik ang dati nitong mga berdeng mata at bumalik na ang maikli nitong kuko at ang maputi at maikli nitong mga pangil.

"Are you okay?"tanong niya sabay lahad ng kaniyang palad.

Hindi ako nakaimik dahil sa kaniyang paglapit. Ngunit nung magsalita siya ay nabalik ako sa huwisyo atsaka tumayo ng wala sa sarili. Hindi ko tinanggap ang tulong na binibigay niya habang pilit na tinatanggap sa sarili ko ang mga nasaksihan ko. What in the world is she?

"Tell me Arissa, what exactly are you?"seryoso kong tanong sa kaniya.

Hindi siya umimik habang nagtititigan kami sa gitna ng aming mga pinaslang.














------------------

The Princesses Of AlmairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon