Hellaraye's Point of View
Hindi maaaring siya ang aking maging kalaban.Bakit ko siya kakalabanin kung maaari niya naman itong ikasawi?Bakit ko siya papatayin kung alam ko namang siya ang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay?......Matapos ang aking unang pagsubok ay aking na-unlock ang aking element na Fire......ano naman kaya ang sunod?
"Ano ba itong pagsubok na ito?Bakit ko siya papaslangin kung siya naman ang dahilan kung bakit ko gustong mabuhay muli?"sigaw ko habang nagpatingin-tingin sa paligid wala akong makita dito maliban sa aming dalawa ni Hailey.
Mayamaya ay biglang umihip ng malakas ang hangin.At agad na may nagpakitang magandang babae na may suot na mahabang bistida na may halong blue na lampas paa.
"AKO si Aria ang Tagapangalaga ng elemento ng hangin.Para ako ay iyong mapasunod kakailanganin mo munang matalo ang iyong kahinaan.Ang hangin ay simbolo ng kahusayan,sa labanang ito ay ang pagiging mabilis sa galaw...tulad ng hangin"paliwanag niya sa akin. Ganun ba?so,ano naman ang koneksiyon nun sa pakikipaglaban ko kay Hailey.
"Kalaban mo ngayon si Hailey dahil isa siya sa iyong pinakamatinding kahinaan.....bilang prinsesa kailangan mong maging praktikal sa lahat"paliwanag nito.
Tama,si Hailey ay isa sa aking matinding kalaban.Kung magkaganun man ay ibig sabihin ay kailangan ko siyang matalo.Isa lang naman siyang pagsubok,ibig sabihin ay hindi siya totoo,HINDI BA?
"Ito ang susubok sa iyong katatagan at katalinuhan,Hellaraye.Ang pagiging prinsesa ay hindi lang nasa pagiging malakas ngunit kailangan ding maging matalino at wais.Dito,kung anong mangyari kay Hailey ay mangyayari din sa kaniya sa realidad.Ngayon pagaganahin mo ang iyong isipan kung paano mo siya aatakehin at matatalo ng hindi siya masasaktan"nakangiti niyang sabi.
The hell......
Talaga bang pinahihirapan pa nila ako?Ganun ba kalaki ang pagkakasala ko at ganito nalang nila ako parusahan?
"What?!,this is bullshit,how would I do that?what you are asking is clearly impossible!"pasigaw kong turan sa kaniya.Imposible ang kaniyang hinihingi.Paano ko naman kaya aatakehin at tatalunin si Hailey ng hindi siya sasaktan? Ano mang gawin ko sa kaniya dito ay siya ring dadanasin niya sa sandaling saktan ko 'to....fvck!
"Kaya nais kong gamitin mo ang iyong talino or isipan.Ang pagiging prinsesa ay isang malaking responsabilidad para sa hinaharap." turan niya saka nawala ng bigla.
Agad naman akong sinugod ni Hailey.Nakikita ko sa kaniyang mga mata na ayaw niyang gawin ang ginagawa niya sa kasalukuyan.
"Patawad"sambit niya habang ako ay sinusugod gamit ang kaniyang espada.
"Okey lang.Pangako,hindi kita sasaktan"turan ko sabay ang pagsangga ng kaniyang mga atake.
Tuloy-tuloy ang kaniyang pagatake sa akin.Nagcro-cross na ang aming mga espada sa aming harapan.Ngayon ay puro na ako sugat habang siya ay wala pa.Hindi ko siya maaaring sugatan o saktan dahil makaapekto ito sa kaniya sa realidad.Paano ko siya tatalunin kong hindi ko alam ang aking dapat na gawin.
Habang ako ay nag-iisip sa aking dapat gawin ay kaniya akong sinugod,nasangga ko naman iyon gamit ang aking espada ngunit tumilapon lamang ako papalayo.
Hindi ko soya maaaring saktan....ngayon...mag-isip ka Hellaraye! Among gagawin mo?!
"Augh!"daing ko ng tumama ang aking likod sa puno na aking ikinatapunan
Hindi pa nga ako nakakatayo ay agad na niya akong sinugod.Panay lamang ako ng ilag saka pangsangga.....'hindi ko siya maaaring masaktan....'turan ko sa aking sarili.
"Hindi ka pa ba susuko?O kung hindi,wala ka pa bang naiisip na paraan?"tanong ni Aria habang lumulutang sa hangin habang ako ay nakikipaglaban.
Come on,Hellaraye patunayan mong karapat-dapat ka.....pero huwag mong sasaktan ang nag-iisa mong rason sa buhay....
"Walang hiya ka!I will never give this shit up!"sambit ko saka itinulak si Hailey,ngunit hindi manlang ito natumba.Tumayo ito at agad na naman akong sinugod.
Huwag mo akong patatamaan sa aking batok,ha?Agad kasi akong makakatulog nun.
Tama,mabuti nalang at pumasok ka sa aking isipan sa tamang pagkakataon. Oo,kung patatamaan ko siya sa kaniyang batok gamit ang aking palad ay matatalo ko siya hindi siya masasaktan ng gaano ngunit matatalo ko siya ng hindi siya masusugatan. Magaling!
"Matulog ka muna!"sambit ko sabay na nagtungo sa kaniyang likuran. Mabilis ko yung ginawa.Napatayo naman ng maayos si Aria sa kaniyang nakita.
Mabilis kong pinuntahan ang kaniyang likuran saka ko siya pinatamaan sa kaniyang batok.Ngunit hindi iyon tumama doon dahil kaniya iyong nasalo.LINTEK!
"Huwag ka nang umasa"panunudyo ni Aria.
"Never!no matter how hard i fall i will stay strong for her and my love ones"sambit ko saka ko ikinuyom.ang aking kamao at sinugod si Hailey mula sa kaniyang likuran.
Kaniyang iwinasiwas ang kaniyang espada,aking ginamit ang aking kamay upang saluhin ang kaniyang atakeng yun saka ako tumayo mula sa aking pagkakayuko ng aking saluhin ang kaniyang atake at umikot papunta sa kaniyang likod saka ko na ito binatukan ng malakas at siya ay nawalan ng malay.....
"Nagawa ko"mahina kong sambit habang pinagmasdan ang katawan ni Hailey(bilang aking pagsubok)na maglaho sa aking harapan.
Napahawak naman ako sa aking wrist habang pinanonood ko ang aking kamay na dumudugo dahil sa pagkakasalo ko sa atake niyang yun. Hindi ako makaramdam ng sakit parang manhid na nga ako.
"Magaling.....ngayon ako na sa iyo ay susunod. Mahal na Prinsesa" sambit niya saka yumuko at nawala na.
Natumba naman ako sa aking kinatatayuan.Napagod ako sa araw na ito dahil dalawang laban ang aking linagpasan para makuha ang dalawa kong naseal na elemento.......makaalis na kaya ako?
Block out.......
BINABASA MO ANG
The Princesses Of Almaira
Random"Ahh! P-pakiusap, patawarin mo 'ko" That time around, hindi ko alam kung ano ang eksaktong nasaksihan ko sa mga kaganapan. All I know was that for sure...she was never whom I imagined her to be. "No, you must also die" I wondered who she was. Wh...