Chapter 5

56 7 27
                                        

Here we go again with the attention. Pinalibutan kami ng mga tao and this is so embarrassing. I just embarrassed myself nang dahil sa lalaking ito!

Hindi na ako nagsalita ulit at dumiretso na sa classroom ko. And I'm late. I'm not sure if papasukin pa ba ako nitong professor namin, they don't tolerate late comers pa naman. Urgh! This is so frustrating! Kasalanan talaga to nung lalaking yon, kung hindi niya sana ako tinawag tawag at kinausap edi matiwasay sana ang pagpasok ko ngayong araw. Kahit na 15 minutes late na ako pumasok pa rin ako and I was right hindi ako pinapasok, at I'm sure marami akong mamiss na lessons.

Pumunta na lamang ako sa library, maybe I'm just going to chill nalang muna dahil sumasakit ang ulo ko sa nangyari ngayon. I was about to grab my earphones when I saw Grayson sitting in front of me. Nagtaka ako kung bakit sa table ko siya umupo, nilibot ko ang aking mga mata at puno pala ang lib ngayon dahil busy sa paggawa ng mga thesis nila, pasahan na kasi next week that's why, buti maaga kong tinapos ang akin. And so as I was saying nagbabasa lang din si Grayson, napansin niya atang nakatingin ako sa kanya so binaba niya ang libro and looked at me. Bigla tuloy akong na awkward kaya nilipat ko ang tingin sa gilid kunwari may hinahanap. My gosh I'm so stupid!

"You look familiar" bigla niyang sabi. Tiningnan ko siya and his forehead creased, inaalala kung saan ba niya ako nakilala.

"Ikaw yung natapunan ko ng pagkain, right? Buti nakita kita, I was really sorry for what I did, and sorry dahil iniwan kita agad doon that's because nagmamadali na akong pumunta sa field dahil may training" pag-eexplain niya sa nangyari noong araw na tinabig ni Jessica ang tray ni Grayson.

"No, it's okay, I am the one who's gonna say sorry dahil natabig ka ng kaibigan ko and it's not really your fault" hindi naman sa binibintangan si Jessica pero siya naman talaga may gawa nun, I was just being honest.

"Still, sorry because I just left you there with all your dress soaked with foods" sinabi ko sa kanya na okay lang talaga at napanatag naman siya.

"So I'm Grayson pala" pagpapakilala niya at nilahad ang kanyang kamay.

"Cassandra, just call me Cass" at tinanggap ang kanyang kamay. Magaan ang loob ko sa kanya at nalaman kong 2nd year chemical engineering pala siya, the same course ng kapatid ko and they're friends and lastly magkateam mate  sila sa soccer. What a small world, magbff pala sila ni Zion.

"So you're older than me pala so gonna call you ate?" nginitian ko na lamang siya at nagkwentuhan ng konti. Nang mapansin kong mag-aalas tres na we exchanged goodbyes to each other, baka malate na naman ako sa next class ko.

Maaga kaming pinauwi ng prof namin, 5:30 palang pinalabas na kami, so I called Zion to tell him na sabay na kaming uuwi dahil oras na rin ng uwian ngayon ni Zion. He just said na puntahan ko lang siya sa field ng school namin and so I did, nakita ko siya agad sa may bleachers nagliligpit ng gamit niya, siguro kakatapos lang ng training nila.

"Sabi ni papa doon daw tayo sa kanila magdidinner sama na rin daw natin si mama" bungad niya sakin ng makalapit ako.

"Why? Nakauwi na si tita Mon?" tanong ko and he just shrugged. Nabanggit kasi ni daddy kanina na nasa New York si tita and 1 week na siyang nandoon so I guess may pawelcome back dinner with the whole fam including us siguro.

Hinintay ko munang magbihis saglit si Zion kaya naupo nalang muna ako sa bleachers. Nakita kong papalapit si Grayson sa akin and he's with all smile, napakamasiyahin talaga nito opposite sa hambog niyang kapatid, I wonder what's his name, ipapakulam ko sana. Hmp!

"Hi ate Cass! Are you alone?" sa tingin niya ba may kasama ako ngayon? Ano mga multo?

"Ah oo" tanging sagot ko, syempre ayokong pilosopohin siya baka sabihin niya ang suplada ko.

"Aren't you gonna go home yet?"

"Iniintay ko pa si Zion nagbibihis pa" dumating na rin si Zion kaya tumayo na ako, nag usap saglit sila ni Grayson.

"Sige, bye ate Cass, nice to meet you ulit" at nagpaalam na rin ako sa kanya. Habang naglalakad kami biglang nagsalita si Zion.

"Magkakilala kayo?" bastos tong bata to, ni wala man lang ate, pinalaki naman tong tama ni mama pero ewan ko ba gaano ba kahirap sabihin ang ate at parang madalas ko lang siyang marinig mag ate sakin?

"Yep, kanina sa lib" tipid kong sagot. Matipid siyang magsalita kaya tipid rin ako para naman fair. Hahaha. Palabas na kami ng gate nang may biglang tumawag.

"Bro! Wait!" napatigil kami sa paglalakad nang makita namin si Grayson.

"Kala ko nakasakay na kayo, tara sabay na kayo samin ng kuya ko, he's just right there" at tinuro ang bandang gilid malapit sa guard house at nakita namin ang sasakyan ni Grayson. Pumayag naman si Zion, wala ba tong hiya?

"Nako, wag na baka makaabala sa kuya mo o sa iyo" pagtanggi ko.

"No it's fine, diba sa daddy niyo kayo didiretso so we'll drop you there, doon din naman ang daan papunta sa amin" pumayag nalang ako dahil tinignan na rin ako ng masama ni Zion, tong batang to.

And we're inside the car, nasa passenger seat kami ng kapatid ko, I was about to buckle my seatbelt nang may maalala ako.

"Kala ko nakasakay na kayo, tara sabay na kayo samin ng kuya ko, he's just right there"

Kuya

Kuya

Kuya

He's with his kuya?!!

A/N: Paglilinaw ko lang pala guys hindi step sister ni Cass si Jessica half sister pala, step sister is way different from half sister. Step sister kasi ang nalagay ko. And sorry for the typos and grammatical errors. Hope you'll enjoy. Love lots 😘

#IIMTB

Is It Meant To Be? Where stories live. Discover now