"Hoy! Ano na naman iyang iniisip mo. Sobrang lalim niyan ah" pang eepal ng magaling kong kaibigan na si Jessica.
"Kainis naman to, mind your own business ka nga"
"Alam mo bang ang daming costumer
diyan na ang init na ng ulo at ikaw naman diyan tumunganga lang? Nako girl baka matanggalan ka ng trabaho diyan sa pagsspace out mo" at napaisip ako bigla sa sinabi niya. Oo nga pala nasa trabaho pa pala ako. Ano ba naman yan, lately lagi nalang akong lutang kapagka ganitong may dapat akong gawin.Alas diyes na nang makauwi ako ng bahay galing sa trabaho ko sa seven eleven. Well nag-aaral pa ako pinagsabay ko na lamang para kahit papaano'y makatulong ako sa gastusin namin sa bahay at pandagdag na rin sa tuition ko. Noong una ay ayaw akong payagan ni mama na magtrabaho dahil hindi naman kami gaano naghihirap pero pinilit ko siya kaya pumayaga nalang siya.
"Ma andito na po ako!" nang mapansin kong wala si mama tinanong ko ang kapatid ko.
"Zion nasaan si mama?" tiningnan niya ako saglit at nagpatuloy ulit siya sa pagbabasa.
"Nasa kwarto" tipid niyang sagot.
Napakatahimik ng bahay, nagsimula ito noong naghiwalay sila ni mama at papa 3 years ago. Nabibigyan pa naman kami ng sustento ng aming ama at bumibisita kami ng kapatid ko kina papa doon sa bahay ng kaniyang asawa. Tanggap naman kami ng pamilya niya, katunayan nga ay matalik kong kaibigan ang nag iisang anak nila ni papa at ni tita Mon na si Jessica. Nalaman kasi namin noon na may nauna pa palang pamilya si papa bago kami.
Dumiretso nalang ako sa kwarto ko para gumawa ng assignments at para makapagpahinga na.
Kinaumagahan maaga akong gumising para pumasok. At dahil tamad itong kapatid kong si Zion kamuntikan na kaming nalate dahil sakanya. Sabay talaga kaming pumasok para makatipid kami sa pamasahe, ang mahal kasi kapag mag-isa ka lang. 3rd year college na pala ako't si Zion nama'y 1st year college pa lang.
"Ang bagal bagal mo talagang kumilos ayan tuloy 10 minutes nalang at malelate na ako" sabi ko sa kapatid ko.
"Ang sabihin mo para lang makasabay rin natin sa tricycle si kuya Lester kaya gusto mong lagi tayong maaga" bigla akong natameme sa sinabi niya. Aba't tong batang to. Binatukan ko siya kaya napa aray naman siya.
"Hindi kaya no! Wag ka ngang ano jan" at inirapan niya lang ako at nauna nang maglakad.
Lester Mondezalbe. Siya ang kababata ko, at siya ang kauna unahan kong naging crush. Oo siya nga. Magkalapit lang mga bahay namin, at totoo yung sabi ng kapatid ko na gusto kong magkasabay kami ng pagsakay ng tricycle kaya atat na atat akong pagisingin ang kapatid ko ng maaga.
"Cass! Ba't antagal mo?" bungad sakin ni Jessica, dito rin siya nag-aaral at pareho kaming 3 year college, business ad ang kanyang course, no wonder dahil siya na rin naman ang namamahala sa negosyo ng kanyang mommy at daddy na pinapasukan ko ngayon. Samantalang ako ay architecture ang kinuha kong course.
"Yan kasing si Zion ang bagal bagal dinaig pa ang babae kung kumilos" reklamo ko sa kanya.
"So ibig sabihin hindi mo nakasabay si Lester?"
"Hindi talaga" alam niya ang tungkol kay Lester, naikwento ko sa kanya lahat. Matiwasay lang kaming naglakad nang maalala kong 10 minutes late na ako. Shemay! Lagot na ako neto.
"I have to go na. Bye see you!" at kumaripas na ng takbo.
Pagkadating ko sa room ay kinabahan agad ako. Strict pa naman ang unang prof na pumasok. Lagot na.
"Good morning miss. Sorry I'm late" tinignan lang ako ng masama ng prof ko at pinaupo niya na agad ako. Wow himala hindi siya nagalit man lang o hindi pinapasok, madalas ay pinapadiretso ang mga late comers sa faculty room. Nagkalove life na siguro tong si miss Mardes kaya parang good mood.
Half day lang ngayon dahil may biglaang meeting ang mga professor kaya mahaba ang oras kong magchill. Tinext ko agad si Jessica na pasyal kami dahil mamaya pa namang 6 pm ang trabaho ko at 12:30 pa lang ngayon. Agad din naman siyang nagreply at pinuntahan niya ako.
"Buti at nag-aya kang mamasyal. Tara boy hunting tayo! Para naman magkalove life kana't makalimutan mo na si Lester" masigla niyang sabi. Napatingin naman ako ng masama. Tong babaeng to.
"Boy hunting ka jan, loyal ako kay Lester no! Tsaka gusto mong isumbong kita kay papa? Nako wag ka"
"Eto naman, sige na oh, kahit ngayon lang" tsaka siya nagpuppy eyes.
"Sige na nga pero wag mo kong piliting makakita pa ko ng iba dahil kay Lester lang ako"
"Eh ang tanong ikaw ba ang sa kanya?"
Wag ganyan bes ang sakit.
—
A/N: Pic of Cassandra above ☝
#IIMTB
YOU ARE READING
Is It Meant To Be?
Teen FictionIf it's meant for me. It's meant to be. But what if two persons comes my way and they both steal my heart. Is it possible for them to steal it? Probably, because they already did. ©All rights reserved 2017