"Mukhang kailangan ko na talagang mag move on" sabi ko kay Jessica habang nakaupo sa bench dito sa park.
"Tama! Kaya wag ka nang masyadong madrama jan"
"Pero ayokong i-let go ang feelings ko para sa kanya!" pagmamaktol ko.
"Alam mo ikaw, diba nga matagal ka nang hindi pinapansin niyang kababata mo? Hindi ka pa ba nakakahalata na hindi ka niya talaga gusto? O talagang T-A-N-G-A ka lang?" bigla ko namang naalala mga nangyari noon, yung mga moments na hinding hindi ko talaga makalimutan, mapa-bad or good memories man. Narealize ko lahat ng mga sinabi ng kaibigan ko, may silbi din pala tong babaeng to.
"O sige na nga, pero susubukan ko"
"Wag mong subukan, gawin mo. Haynako hindi ka na bata Cass, dapat alam mo nang mga ginagawa mo" pangaral niya sakin. Kung makapangaral to parang nanay.
Pagkatapos naming mag 'boy hunting' kuno agad na akong dumiretso sa trabaho ko. Ayaw pa nga sana akong paalisin ni Jessica dahil may nakita na daw siya 'boylet' na para sakin, nakakainis dahil ang ingay niya talaga at pinilit niya akong makilala yun, eh hindi ko nga nakitang mukha eh. Pagkapasok di ko akalain na napakaraming tao ngayon dito, puro mga estudyante sa kalapit school namin, anong meron?
"Kuha lang kayo ng gusto niyo para snacks niyo mamaya, libre to lahat ni Grayson to" sigaw nung isang lalaki na siguro ay isang senior, mukhang bata pa tingnan ng Grayson siguro freshmen at taga school siya namin dahil sa uniform niya.
"Hoy anong tinunganga mo jan punta ka na sa counter" sabi ng katrabaho ko na si Ella.
Pagkatapos kong magbihis ng damit pangtrabaho ay agad naman akong dumiretso. Ang dami dami ng kinuha nilang mga pagkain, candy tsaka slurpee. Pagkatapos nila ay biglang lumapit yung Grayson na yon dito sa counter.
"Bayaran ko na" halata sa mukha niyang inis siya sa mga tao sa paligid niya, para bang napilitan lang.
"Bro eto sali mo na ito" sabi ng lalaki kaninang sumigaw.
"Nauubos allowance ko ng dahil sa'yo kuya eh" sabi ng Grayson, so kuya niya yun? Kaya pala parang medyo magkamukha sila.
"Edi manghingi ka ni Daddy, it's easy" inirapan na lamang ni Grayson ang kuya niya at nagbayad na.
Kinaumagahan ganun pa rin ang nangyari hindi ko na naman nakasabay si Lester dahil dito sa kapatid ko. Oo alam kong magmomove on na ako pero pwede bang makita siya kahit sa isang saglit lang? Almost 1 week ko na siyang hindi nakikita.
Nasa labas na ako ng gate ng school nang may nakita akong naghahalikan sa may gilid ng gate. Papabayaan ko na sana sila ng makita kong pamilyar ang lalaki, siya yung lalaki kahapon yung kuya ni Grayson. Yung babae ay siguro'y taga school namin.
Tumigil na sila sa paghahalikan at pumasok na ang babae, bigla namang napatingin sa akin ang lalaki kaya umiwas ako't pumasok na rin.
Maganda naman ang takbo ng klase namin dahil good mood lahat ng mga prof namin. Kaya enjoy na enjoy ko.
"Alam mo kung makilala mo yun sigurado akong mapanganga ka sa sobrang gwapo" andito kami sa canteen at itong babaeng to nagpumilit parin na makilala ko nga yung lalaking nakita niya kahapon. May balak ba tong iblind date ako sa lalaking yon?
"At alam mo, base sa pagsusuri ko ay nasa kabilang school siya yung kalapit lang dito sa school natin. At may kapatid siya rito sa school na 2nd year college"
"Saan mo ba yan nalalaman yan ha?"
"I have connections you know" at tumawa siya, parang baliw to.
"Ay teka! Ayun ang kapatid niya" habang may tinuturo sa may bandang counter. Napansin kong kilala ko ang tinuturo ni Jessica. Si Grayson to ah?
"Diba ang gwapo? Lalong lalo na ang kuya niyan" at pumalakpak pa siya sa tuwa.
"Alam mo tigil tigilan mo ko ha, ang ingay mo nagagalit na tong mga tao dito sa sobrang ingay mo" at tumayo na sa kinauupuan ko.
"Friend alam mo ang kj mo, halika makipagclose tayo dun sa kapatid" at hinila niya ako palapit sa kanya.
"Wait ayoko! Ano ba Jessica!" at dahil matigas ang ulo ni Jessica nakarating kami sa sa kung saan yung Grayson na yon.
Pagkaharap ni Grayson natabig ni Jessica ang dalang pagkain ni Grayson at napunta sa akin ang pagkain, talagang para akong naligo ng pagkain.
Biglang nanlaki ang mata ng lalaki at dali daling kumuha ng tissue at binigay sa kin.
"Sorry" sabi niya.
Ako lang ba or talagang ang gwapo ng boses niya?
––
A/N: Guys thank you sa mga nag vote at nagcomment. Sobra kong na-appreciate 😊 sana hindi kayo magsawang sumubaybay. Love lots. At pic pala ni Zion above ☝
#IIMTB
YOU ARE READING
Is It Meant To Be?
Teen FictionIf it's meant for me. It's meant to be. But what if two persons comes my way and they both steal my heart. Is it possible for them to steal it? Probably, because they already did. ©All rights reserved 2017