Chapter 4

66 8 24
                                    

Hindi ko alam kung anong irereact ko. Speechless akong nakatingin sa kanya. Ano nga bang gagawin ko? Nasaktan lang naman ako sa mga naririnig ko ngayon. Pero sino nga ba ako para masaktan, eh wala namang something samin.

Matapos ang napakahabang katahimikan nagpaalam na siyang pumasok sa kanilang bahay. At sinabi niya ring pumasok na ako at baka mapano pa ako dito sa labas.

Kinaumagahan matamlay akong pumunta sa kusina. Wala akong ganang bumangon ngunit bumangon pa rin ako dahil mababagot lang ako doon sa kwarto ko at mas lalo ko lang iniisip ang mga nangyayari kagabi. It's saturday may pasok pa rin ako kahit sabado pero mamayang 1 pm pa hanggang 7, good thing dahil wala akong work kapag weekends.

Pagkatapos kong kumain tinawagan ko si Jessica if nasa bahay ba siya. Gusto ko lang ng may makausap kahit ayoko siyang kausapin dahil maingay siya. At gusto ko ring makita sa papa kahit alam kong imposible dahil busy iyon palagi sa business niya kasama si tita Mon.

When I arrived, bumungad agad ang mukha nitong magaling kong bestfriend/half sister.

"Brokenhearted ano?" habang nakangisi, inirapan ko na lamang.

"Nasan si papa?" tanong ko habang sumalampak ng upo sa sala nila. Feeling at home talaga ako dito dahil why not diba?

"Akala ko ba ako ang gusto mong kausapin? Masakit ha pinaasa mo lang ako" habang nagfefake cry. Drama neto. Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta na lamang sa office ni papa sa taas. Wishing na nandito siya namimiss ko na rin siya. Hindi sumama si Zion dahil may training siya ngayon sa soccer at si mama nasa trabaho.

"Pa? Andito ka ba?" kumatok ako pero walang sumagot kay pumasok na lamang ako. Nakita ko si papa na kumukuha ng wine.

"Cassandra, napadalaw ka?" hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at yinakap ko siya ng mahigpit.

"Still papa's girl huh?" sabi niya at tumawa ng bahagya.

"Pa namiss kita" habang niyayakap pa rin siya.

"May problema ka ba? Kay Lester ba yan?" oh he knows me too well. At sa kanya lang ako nagsheshare kapag may problema sa buhay ko pero madalas nalang ngayon dahil hindi na siya nakatira sa bahay namin. Naupo kaming dalawa sa couch niya at kinwento ko ang mga nangyayari sakin.

"Don't get too attached sa mga taong hindi sigurado sa'yo anak, sa panahon ngayon alam kong mga kabataan ngayon mahilig mag assume, gumawa lang ng isang move umaasa naman agad, nasasaktan kahit hindi naman together. Tandaan mo to anak normal lang yang masaktan dahil diyan mo matutuhang lumaban, makakamove on ka rin at makakahanap ka ng lalaking para sa iyo. Pero wag muna ngayon dahil focus muna sa studies"

Love na love ko talaga tong si papa, ang cool niyang mag advice kaya sa kanya talaga ako lumalapit 'pag down ako eh, nakakamotivate. Nagchange topic na rin kami kalaunan at sinasabi niya sakin na kung bakit ko pa kailangang magtrabaho, pinapahirapan ko lang daw ang sarili ko. Wala rin siyang magagawa dahil gusto ko ito, gusto ko ng hindi lang umaasa sa kanila, gusto kong maging independent at hindi puro asa, kaya nasasaktan kasi umaasa nalang lagi, charot hahaha.

Pagkatapos non ay umuwi ako saglit sa bahay at kinuha ang mga gamit ko para makapasok na ako sa school. Habang naglalakad ako nakita ko nanaman ang kapatid ni Grayson sa labas ng gate ngunit wala na siyang kahalikan ngayon mukhang may iniintay, siguro yung babae. When his eyes met mine umiwas agad ako ng tingin, papasok na sana ako ng bigla niya akong tawagin.

"Hey miss!" sabay hawak sa braso ko. It felt strange nang hawakan niya ang brasonl ko, I don't know why.

"Do you know Jessica? Where can I find her?" ay englishero pala itong si koya. At teka, kilala niya si Jessica? Magkakilala sila? Siguro ito iyong suitor na sinasabi niya. Pero kung siya man ang suitor ni Jessica nako! tutol na agad ako, eh babaero to, may kahalikan pa nga to nung isang araw!

"You mean Jessica Tuarez? Oo kilala ko siya bakit mo siya hinahanap?" taka kong tanong, syempre baka kung mapano yung babaeng yun kung sasabihin ko kung nasaan siya, baka rapist to.

"Good. She said she wants to talk to me, I think she's into me, so I'm giving her a chance" wow, ang hambog nito. Gwapo ka man pero nakakaturn off yang kayabangan mo! Tingin ko'y hindi ito papasa sakin para kay Jessica, at sana di sila magkita, mukha tong manyak.

"Sorry but she's not here, wala siyang pasok ngayon at you f*ck off, as her sister hindi ako pumapayag na magkikita kayo kailanman, babaero ka't mukhang manyak, siguro rapist ka no?" umiinit ang ulo ko sa kanya, akalain mo habang nagsasalita ako ngumisi lamang siya. Sarap tanggalan ng labi!

"Me? Mukhang manyak? Rapist? Psh! You're insane, sa gwapo kong to?" ang hangin talaga nito, ang sarap ipatapon sa isla tutal mahangin naman doon.

"Did you just call me insane?! Ikaw ang baliw!"

"Bakit ka ba nagagalit ha? Nagtatanong lang naman ako, siguro naiinggit ka rin no? Dahil hinahanap ko ang sister mo? Just tell me" wtf?!!!!

"Ikaw alam mo, sobrang kapal ng mukha mo mas makapal pa sa mundo!"

Sa sobrang inis ko di ko na napansin na pinagtitinginan na kami ng mga estudyante at ang iba pinagchichismisan na ako.

What the hell just happened?!

A/N: So far pinakamahaba kong update dahil sinipag ako ngayong araw. Hope you enjoy! Pic of Jessica above☝

#IIMTB

Is It Meant To Be? Where stories live. Discover now