Nakasama ko lang naman ang hambog sa iisang sasakyan. Napansin ata ni Zion ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ko kaya tinanong niya ako.
"Is there any problem?" tiningnan rin ako ni Grayson at nakita ko ang repleksiyon ng hambog sa rear view, he glared at me at hininto niya ang pagdadrive at humarap sakin.
"Ikaw?!" sigaw niya sakin. Ang OA niya ha.
"O anong meron sakin?" kalma kong sabi pero kating kati na akong sakalin siya.
"W-what's going on?" takang tanong naman ni Grayson. Inirapan ako ng hambog at nagpatuloy na sa pagddrive. Aba't inirap irapan pa niya ako!
"Nothing" I just said.
"Kuya ko nga pala, he's Jackson, kuya si ate Cass kapatid ni Zion" pakilala niya. So he's Jackson, nako ipapakulam ko nga to sa probinsya ng lola ko.
"So you're Cass pala" at kitang kita ko ang pagsmirk niya sa rear view ng salamin. Sobrang ma-attitude.
"Bakit may problema ka?" bait baitan kong sabi kay Jackson para di mahalata ng dalawa na may war kami.
Tahimik na ang buong byahe pagkatapos nun. Pagkadating namin sa bahay ni papa nagpaalam na si Zion at nauna na akong pumasok dahil baka matanggalan ko na to ng mata si Jackson dahil sa sama ng tingin. Andito na rin pala si mama, masayang nagkekwentuhan kay tita Mon. Di sila kagaya ng iba na nag aaway at di gusto ang isa't isa, mabait talaga sila pareho at tanggap nila ang set up ngayon. Sabi nga ni tita Mon na we just have to accept it dahil nangyari na ang dapat mangyari. Oo nung una nagalit siya kay papa, syempre masasaktan siya sino ba naman ang hindi diba? Kagaya ko nasasaktan kay Lester dahil may iba na siya, pero kaibahan lang ay wala naman siyang feelings para sakin.
"Cass! I have news pala sa'yo, hoy Zion akin 'yan bakit mo kinain!" bungad ni Jess.
"Pagod ako gusto ko nang kumain at magpahinga" at umupo na sa dining table.
"Kj nito! Sige mamaya ichichika kita" masigla niyang sabi. Kailan ba to mapapagod sa kakaputak?
Masaya kaming kumain ng dinner, pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto ni Jessica dahil dito kami matutulog sa bahay nila ngayong gabi.
"My news is may lovelife kana bukas, magkikita kayo bukas ng destiny mo" umupo siya sa gilid ng kama habang ako ay nahiga.
"Hindi ka pa ba napapagod jan? Tsaka anong bukas? Nako don't play cupid here Jess" pinikit ko ang aking mga mata, sobrang daming nangyari ngayong araw at gusto ko nang matulog ng matiwasay.
"Hindi, ikaw rin naman ang magbebenefit" nangchange ako ng topic dahil ayokong pag usapan yan kaya shinare ko nalang sa kanya ang nangyari kanina, na may hambog akong nakilala.
"Grabe naman yun, tsaka suitor ko? Eh kakabusted ko lang naman ng manliligaw ko dahil ayoko sa kanya" sana yung lalaking yon ang nabusted dahil ikakatuwa ko talaga yan.
Maaga ako nakatulog at dahil diyan maaga akong nagising kaya bumangon nalang ako't magjojogging nalang muna. Nagshorts lang ako't naghoodie at kinuha ko na ang phone ko't lumabas na, habang nasa kalagitnaan ako sa pagjojogging bigla akong nakaramdam ng gutom. Ang aga ko namang ginutom. May nakita akong café sa katapat, doon nalang siguro ako mag aalmusal. Tatawid na sana ako nang may sasakyang palapit buti nakahinto agad ang sasakyan kundi tegi na ako ngayon. Biglang bumusina ng malakas ang sasakyan, aba't bastos to ah.
"Kung gusto mong magpakamatay wag yung may maabala kang iba!" lumabas ang lalaki galing sa sasakyan niya at nakita kong si Jackson pala to. Sa lahat ng tao bakit siya?! Umagang umaga nabwibwisit na ako.
"Fyi! Hindi lahat ng tumatawid nagpapakamatay, at hindi mo ba nakikita, pedestrian crossing to so malimitang dito tumawid ang mga tao" sigaw ko pabalik sa kanya.
"Bago ka man tumawid tumingin tingin ka sa paligid mo kung may sasakyan bang dadaan hindi yong parang naglalakad ka lang na parang nasa park ka"
"Aba malay ko ba? Eh maaga pa naman kaya wala pang masyadong sasakyang dadaan"
"Stupid" pumasok na siya ulit at humarurot na ng takbo. Loser!
Matapos kong mag almusal sa café bumalik na ako sa bahay ni papa. Nakita ko si Jessica na nasa sala tumitingin ng magazine.
"Hey! Akala ko tinakasan mo ako, mamayang 3 pm ha don't forget" sabi niya.
"Jess I'm not interested jan sa pablind date mo"
"Bakit dahil ba kay Lester? Alam mo kailan ka ba matatauhan na may girlfriend na siya, asang asa ka pa ba?" bigla akong natahimik sa sinabi niya. Bakit ba, eh sa gusto ko siya.
Nang mag-alas tres na ay pinilit niya akong magmake over para ma love at first sight daw ang destiny ko. Nakakinis pero hinayaan ko nalang siya at tumahimik na lamang, ayoko nang makipagtalo.
"Perfect!" habang pumalakpak sa tuwa. Hinila niya na agad ako pababa dahil late na daw kami sa date.
"Kung andun ka na wag ganyang mukha ang ipakita mo, matturn off yun dapat with all smile at pabebe ka ng konti" at kinindatan ako. Dami dami niya pang sinabing payo pero hindi ko na siya pinakinggan, ang sakit sa tenga nitong babaeng to.
"Let me introduce to you, your blind date, Jackson Padilla"
All I could do right now is to glare at him until he dies sa talim ng tingin ko.
#IIMTB
YOU ARE READING
Is It Meant To Be?
Teen FictionIf it's meant for me. It's meant to be. But what if two persons comes my way and they both steal my heart. Is it possible for them to steal it? Probably, because they already did. ©All rights reserved 2017