Blood
—Sehan P.O.V—
Napalunok ako nung sumakay na kami ng elevator pababa. Bakit ako? Pucha naman oh.
Paano kung.... paano kung... may d-dugo?
"Hoy."
"Ay dugo!"napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
"tss."
"Ano ka ba naman kapuchahan yan zael! Gulat ng gulat!" Inis kong sambit.
"Nasa ground floor na tayo! Ulul!" Kita mo to. Parang wala lang sa kanya ngayon na nasaksak ang kuya este ate niya.Kanina naman, akala mo namatayan dahil sa bilis ng takbo. Pshh
Speaking of patay.
"P-patay na ba?" Iniripan lang nila ako.
Pucha? Ano na naman?
"Lets go."
Pumasok na kami sa harap ng nakaparadang sasakyan. I guess kay divine to.Rich kid talaga.lul
Dahil si divine ang nagdrive. Madali lang kami napadpad sa lugar kung nasaan si jacob este zayna.
Di naman kami nahirapan sa paghanap sa kanya dahil nakahiga na siya sa gitna mismo ng kalsada.
Bumaba si zael at ako.Naiwan si divine sa loob.
"JUSQUNG BAKLA KA, ANONG NANGYARI?" zael.
Sumabat na ako.
"Ah.Nasaksak diba?Kakasabi mo lang?"Sinamaan niya naman ako ng tingin. Kaya napakamot nalang ako. Ano na naman kasalanan ko? Sobra ko na bang gwapo para kahit babae maiinsecure sa katulad ko? Haish.
"Boba!Tulungan mo nalang akong ilagay to sa loob." Kinarga naman namin si.......never mind nalang nga.
Pagkapasok namin akmang sasarahin ko palang ang pinto ng pinandar na agad ni divine kaya muntik na akong mahulog.
"S-shit d-devi p-patayin m-mo b-ba ako?" Nanginginig kong tanong.
"Kung hindi ko ginawa yun edi sana butas na ang gulong natin." Huh? Ano naman kaya ang connect ng pagsara ko ng pinto sa gulong?
"Huh?"
Binatukan naman ako ni zael.
"BAKIT NA NAMAN BA?"
"Boba.May humahabol saatin and guess what...." lumapit pa siya saakin at liniko niya ang bibig niya papunta sa tenga ko. "........multo yun." She whispered.
Nagtaasan naman ang balahibo ko.
Hindi dahil sa sinabi ni zael kundi sa kakaibang feeling.Pakiramdam ko may kakaiba.....
Narinig ko nalang ang halakhak ni zael dahil siguro nakita niya ang pagtataas ng balahibo ko. Sa di malamang dahilan nasigawan ko si divine.
"DIVINE!BILISAN MO ANG PAGMAMANEHO!"
Pasimple akong lumingon pero wala namang sumusunod saamin.
BINABASA MO ANG
Gehenna City
Mystery / ThrillerMakakaya mo bang gawing pa-in ang buhay mo para masalba lang ang iba? Makakaya mo parin bang magtiwala sa mga tao sa paligid mo kung isang malaking biro ang word na 'tiwala' sa mga taga Gehenna? Anong nilalang ang mga Gehenna Legionaries? Anong man...