1: Salvador University
Zak POV (Zakira Ace)
*kriiiiiiinnnnggg kriiiiinnnnnggg*
Nagising ako dahil sa pesteng alarm.
Teka, bat nag alarm? Ano ba ngayon?
Tinignan ko ang phone ko na nasa gilid ng kama ko.
Monday ngayon? Hmmm. Ano bang meron sa Monday?
*tok tok tok*
"Young lady, gising na po. Baka ma-late po kayo" narinig ko na sabi ni Han mula sa labas. Oo nga pala. Ngayon ang pasok ko sa bagong school.
"Hanley, gising naba si lolo?" tanong ko habang nakahiga pa rin at cheni-check kung may text ba yung leader ng gang na nasalihan ko.
"Opo. Nasa baba na po sya" sabi nya. Kaya hindi na ako sumagot. Aalis din lang naman yan.
*Riiiiiiinnnnnggg riiiiinnnnngggg*
Kaya naman pala walang text, kasi tawag ang gagawin nya.
Sinagot ko ang tawag.
"Oh?"
"Alam mo ba kung anong ginawa mo kahapon?"
"Oo. Ginawa ko, di alam ko"
"Aba! Iba ka rin ah! Tanggal ka na! Di ka namin kailangan sa gang!"
"Okay" sabi ko at pinatay ko na ang tawag. Psh! Di ko kailangan ng gang na sobrang arte ng rules!
At dahil may pasok pa ako ay ginawa ko na ang morning rituals ko.
After kong gawin lahat ay bumaba na ako. Wala pa naman akong uniform dahil transferee nga ako. Kaya naka jeans lang ako at pure gray V-neck T-shirt. Simple lang pero angat ang beauty ko! Hahaha. Joke! Nasa sainyo na yun kung maniniwala kayo.
Bumaba na ako at dumiretso sa dinning area.
Ng makarating ako ay agad akong umupo at kumain. Nagbabasa lang naman si tanda ng dyaryo sa upuan nya. Psh! Gutom na ako.
"Good morning apo" sabi nya at ibinaba na nya ang dyaryo na binabasa nya kanina.
"Morning" sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya at lumalantak lang ako ng pagkain.
"Bilisan mo na dyan apo at baka ma-late ka pa. Ipapahatid pa ba kita?" sabi nya kaya medyo napahinto ako sa pagkain ng hotdog at tumingin sa kanya. Ang daldal ng matandang to!
Umiling ako "Yung motor ko gagamitin ko" sabi ko na tinutukoy ang motor ko na itim. Tumayo na ako bago pa sya mag salita ulit dahil alam ko na di nya ako papayagan. "Alis na ko" sabi ko at kinuha ko ang bag ko then lumabas na.
Dumiretso ako sa garahe at agad na tinanggal ang nakatakip sa motor ko. Nang matanggal ko na ay agad akong sumakay, ini-on ang makina at pinaharorot. Bukas naman na yung gate eh.
Buti nalang at walang traffic kaya pinaharurut ko ng deretso ang motor ko.
Ng makarating ako sa sinabi sakin ni tanda na bagong papasokan ko ay huminto muna ako sa tapat ng gate.
Salvador University pala huh...
Pumasok na ako sa loob ng school at nag park sa isang classroom---este parking lot pala. Andami naman kasi akong nakikitang classrooms at buildings dito.
In fairness ang bongga ng university na to.
Nang mai-park ko na ang motor ko ay hinanap ko naman ang principals office para makausap ang tito ko. Sya ang principal dito eh. Pero hindi sya ang may ari, di ko alam kung sino at wala na akong paki alam dun.
BINABASA MO ANG
When Mr. Bully Meets Ms. Gangster
ActionShe's a gangster. He's a bully. What will happen when they will meet each other? Bully, that is him. Lahat ng gusto nyang ma-bully ay binu-bully nya. Gusto nyang may pinagtatawanang tao sa harap nya. Gangster, that is her. Matapang at malakas na bab...