6: Drunk

1.5K 44 6
                                    

6: Drunk

Zak POV

"Aaarrrggghhh!!! Bw*sit!!!" sigaw ko tapos ginulo ko ang gamit ko sa kwarto.

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko tapos si tanda nasa labas ng kwarto ko at kanina pa katok ng katok at daldal ng daldal. Naka lock kaya di nya mabuksan.

"Apo! Ano bang nangyayari sayo?!" narinig kong sabi nya tapos kumatok nanaman.

"Wala! Umalis kana dyan! Hayaan mo ko!" sabi ko tapos sinuntok ko ng malakas ang punching bag na nasa kwarto ko. Syempre nasa kwarto ako eh, alangan namang nasa living room pa yung punching bag?!

"Ano bang nangyayari?!" narinig kong sabi ulit nya at komatok ulit.

"WALA NGA!!!" sigaw ko. Tapos wala na akong narinig na katok at tumahimik na.

"Aaarrrggghh! Bw*sit!!! Kung sino ka man, mapapatay kita!!!" sabi ko at pinag susuntok nanaman ang punching bag.

Suntok lang ako ng suntok ng punching bag hanggang sa biglang bumukas ang pinto.

Patuloy lang ako sa pag suntok at hindi pinansin kung sino man yung nakapasok. Hanggang sa marealize ko na naka lock ang pinto.

Kuya Zachery...

Napahinto ako sa pag suntok at hinarap sya. Naka upo sya ngayon sa kama ko habang naka tingin sa paligid na puro sirang gamit. Basag na vase, nag kalat na libro, tumbang lamesa at kung anu-ano pa.

"Anong problema mo baby?" tanong nya tapos tumayo sya at pinulot ang basag na picture frame na may picture namin kasama sila mama at papa. Tapos kinuha nya din ang picture naming mag kakapatid.

"Bakit ka nandito?" cold na tanong ko sa kanya.

"Tinawag ako ni tanda. Nag wawala ka raw. Pinapunta nya ako dito" sabi nya tapos nag simula ng mag ayos ng mga gamit ko na nagkalat.

"Eh yung susi? Akala ko ba nawala mo na" sabi ko naman. Kasi meron talaga syang susi ng kwarto ko. Kasi lagi ako nag la-lock sa loob kaya meron silang susi, si tanda lang talaga ang ayaw ko. Kinuha ko pa nga ng palihim ang duplicate key ko sa kanya eh. Psh!

"Kung sinabi ko na nasakin pa edi kukunin nya. Alam ko namang ayaw mong may susi si tanda ng kwarto mo" sabi nya. Ahhh. Last time kasi tinanong sya ni tanda kung nasakanya pa yung duplicate ng kwarto ko tapos sabi nya nawala nya daw.

"Tsk!" sabi ko lang tapos nag lakad na ako palabas ng kwarto.

Pipihitin ko na sana ang doorknob ng mag salita si Zachery. "Oh, san ka pupunta?" tanong nya.

"Lilimot. Wag mo kong sundan" sabi ko at tuluyan ng umalis.

Nag lakad na ako pababa. Nakita ko pa si tanda na kaharap ang latop nya.

"San ka pupunta apo?" sabi nya at humarap sakin. Ayaw ko ng guard na buntot...

"Mag papakamatay. Sama ka?" sabi ko. Kaya medyo napa buka ang bibig nya. "Tsk! Naniwala ka naman? Ayaw ko ng buntot. Kung ayaw mong mawalan ulit ng tauhan, wag mo silang ipapasunod sakin" sabi ko at nag lakad na papunta sa labas. Di naman na sya nakapag salita.

When Mr. Bully Meets Ms. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon