3: Trouble

1.6K 58 3
                                    

3: Trouble

Zak POV (Zakira Ace)

Sino yung nagbato kay Zachery?

Nandito na pala ako sa room kung saan ako hinatid nung kuya ko at ang mga member nya sa gang.

Hindi naman alam nung tatlo na gangster ako. Kasi sa tuwing lalaban ako ay meron akong maskara na suot. Kahit yung mga nasalihan ko na gang ay hindi nila alam ang tunay ko na itsura.

Tungkol naman sa cp number. Agad akong nag papalit ng number pag wala na ako sa isang gang. Para hindi na nila ako macontact.

"Good morning class" sabi ng kakapasok lang na prof. Nag good morning naman sila. Psh! Tinatamad ako. Tsaka muka syang masungit ah.

"So alam nyo naman na siguro na meron kayong bagong kaklase. (Tumingin sya sakin) Please introduce your self in front" sabi nya. Kaya tumayo ako at nag lakad papunta sa harap.

"Za---" naputol ang sasabihin ko ng may biglang nag balibag ng pinto. Ang ayoko sa lahat ay ang pinuputol ang pagsasalita ko.

"Mr. Park, Mr. Solomon and Mr. Salvador! Why are you late?!" sigaw ni prof tanda.

"Psh!" sabi lang nung nasa gitna at nag lakad na silang tatlo papunta sa likod. At umupo. T@ng*n@! Sila makakasama ko sa likod?! (Mag isa lang kasi ako kanina sa likod)

Dahil sa bw*sit ko ay nag salita na ako kahit wala pang sinasabi ang prof "Zakira Ace Tan, 19." sabi ko in a cold way at dumiretso na sa upuan ko kanina. Sa tabi ng bintana.

Habang naka tingin ako sa bintana ay may bigla na lang nag bato sakin ng papel. Hindi ko na sinalo baka may makakita. Psh!

Tinignan ko kung sino yung nagbato. Nakita ko naman ang isa dun sa tatlong lalaki na pumasok kanina, nakangiti sakin. Napansin ko na may hawak syang ballpen kaya tinignan ko ang hawak ko na papel na binato nya kanina. Binuksan ko at may nakita akong sulat.

Hi Zakira. I'm John Park, you can call me JP if you want. Can we be friends? ;)

Yan ang nakasulat. Tinigna ko naman sya ng malamig habang pinupunit ang papel na binato nya. Ng mapunit ko na ng husto ay kumuha ako ng papel sa bag ko at binalot ko yun. Tumingin ako ng basurahan sa labas. May nakita naman ako na isang basurahan at ibinato ko ito papunta dun. Shot! Bullseye! Galing ko talaga! Wahahaha.

May bigla nanaman nagbato, syempre hindi ko sinalo. Nakatingin na ako sa harap eh.

Tinignan ko kung sino ang nagbato at nakita ko ang isang lalaki na nasa gitna kanina na pumasok sa room. Binuksan ko ang papel.

Kapatid ka pala ni Zimmer. Ang swerte mo sa kuya mo.

Yan ang nakasulat sa papel na binato nya sakin.

Huh? Ano kaya ibigsabihin nito?

Dahil sa curiosity ko ay dahan-dahan ko itong ginusot at nilagay sa bulsa ng pants ko.

Mabilis lumipas ang oras at...

*KRIIIINNNGGG*

UWIAN NA!!!!

Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas ng room. Dumiretso ako sa parking lot at hinintay dun ang magaling kong kuya. Habang nag hihintay ay sinuot ko ang jacket ko na itim na nasa motor ko, at sinuot ko rin ang hood nito kaya medyo tago ang muka ko. Naka lean lang ako sa motor ko habang hinihintay sya ng may napansin ako na may pitong lalaki na paparating.

"Uy tol. May chikababe!" sabi nung isa na nasa bandang gitna nila.

"Ang sexy! Akin na to!" sabi naman nung nasa bandang gilid na may sigarilyo pa na hawak.

"Akin yan tol!" sabi naman nung isa na may kalakihan ang katawan.

"Mga g@g*! Akin yan!" sabi naman nung isa at binatokan yung nasa tabi nya na nagsalita.

Lumapit pa sila lalo sakin. Habang papalapit ay dahan-dahan kong kinuha sa loob ng jacket ko ang maskara ko at sinuot.

"Hi miss. Pwede bang makita ang muka mo?" pa sweet na sabi ng lalaki na nasa gitna nila.

"Maganda yan. Sigurado ako." narinig kong sabi ng isa nilang kasama.

I-ziniper ko muna ang jacket ko at dahan-dahan na tinanggal ang hood ng jacket ko. Nang matanggal ko na ng tuluyan ay para silang binuhusan ng malamig na tubig, namutla sila.

"S-sniper?" kinakabahang sabi ng nasa gitna nila. Napa ngisi naman ako. Kaya mas lalo silang namutla. Half lang naman kasi ang natatakpan ng maskara. Hanggang ilong lang kaya nakikita ang bibig ko.

"Anong name ng gang nyo?" cold na tanong ko.

"Red Fist" sabi nung nasa gilid na parang di man lang kinakabahan. Napangisi ulit ako. Mukang bago to ng gang nila ah.

"May atraso pala ako sa gang nyo. Bat di pa kayo gumanti? Nasa harap nyo na ako oh" sabi ko habang naka ngisi.

Napatumba ko kasi ang gang nila nung bw*sit ako kay tanda. Panu ba naman ang gang nila ang natsambahan ko na makalaban. 20-30 ata sila nun? Tapos mag isa lang ako pero natalo ko silang lahat.

Nag lakad ako palayo sa motor ko. Baka matamaan, mawalan pa ako ng motor. Pag kahinto ko ay humarap ako sa kanila.

Pag harap ko ay bigla na lang sumugod yung isa sakin. Ang bagal ng isang to. Dahil sa bagal nya ay pinatagilid ko lang ang katawan ko para ilagan ang suntok nya at sinikmuraan ko sya.

Nang bumagsak na yun ay sabay sabay na sumugod yung natitirang anim na lalaki. Inilagan ko lang ang mga suntok nila hanggang sa mapagod sila.

"Tapos na ba kayo? Uwi na ko" sabi ko at akma na sanang aalis ng may maramdaman ako na papalapit sa muka ko. Dart...

Sinalo ko yun at ngumisi.

Manuod lang kayo dyan. Tago pa. Alam kong nandyan lang kayo at nanunuod.

"Ang bagal. Kunting practice pa. *yawn* Inaantok na ako. Bye" sabi ko at akma na sanang pupunta sa motor ko ng may biglang sumigaw at sumugod sakin. Sabi ng inaantok na ko eh!

At dahil inaantok na ako ay lumaban na rin ako. May sisikmuraan sana ako pero inunahan ko na sya, sinipa ko ang muka nya at sinuntok ang tao na nasa likod ko.

May nag bato nanaman ng dart at di lang isa ha. Kundi tatlo, inilagan ko lang yun at tumalon ako palapit sa taong naghagis at sinipa ko yun. Three down. 4 na lang.

Nang maramdaman ko ang kamao na tatama sa likod ko ay agad ko itong hinarap at sinalo ang suntok then pinilipit ito. Habang pinipilipit ko ang braso ng nasa harap ko ay sinipa ko naman sa ulo ang tao na nasa gilid ko na may dalang pamalo. 5 down. Dalawa na lang.

Binitawan ko ng pabalibag ang braso ng nasa harap ko kaya ayun, tumba.

Sabay na sumugod sakin yung dalawang natitira. Susuntukin na sana nila ako sa mag kabilang dereksyon ng muka ko. Pero humakbang ako paatras kaya ang isat isa ang nasuntok nila. Kaya ayun tulog!

Sinuot ko ulit ang hood ng jacket ko at inilagay ang kamay sa bulsa ng jacket ko. At dahil tapos na ay nag lakad na ako palapit sa motor ko, tinanggal ang kamay sa bulsa ng jacket at sumakay. Bago ko paandarin ay may ipinakita muna ako na sign na ang tanging kuya ko lang ang nakakaintindi.

Sinara ko ang right hand ko ✊ at ipinatong ito sa left hand ko na bukas ✋ tapos pinaguntog ko ito ng dalawang beses at iniunat ang dalawang daliri ko sa right hand ✌ (gets?)

Sinigurado ko na makikita nya yun. Dahil alam ko kung saan banda sya nakatago kasama ang gang nya.

Iba ka talaga kuya. Kahit mag tago ka pag may laban ako, alam ko na nanunuod ka. Hahaha!

Alam kong nanuod din sila, sya.

Oo, swerte ako sa kuya ko.

♣⬜◼⬜◼⬜♣

~tall girl13

When Mr. Bully Meets Ms. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon