“Are you going?”
Mabilis na isinuot ni Cristy ang puting panty na kanina pa nakalatag sa sahig, kasama ng sariling pantalon at pulang blouse. Nasa kama si Aries, nakahubad, nagtataka sa pagmamadali ng girlfriend. Tinanong ni Cristy kung nasaan ang bra niya at itinuro ni Aries ang kinalalagyan nito, malapit sa pinto. Pagkatapos ay dumiretso ang babae sa harapan ng salamin, sinuklay ang magulong buhok, inaalis lahat ng ebidensiyang may ginawa sila sa maliit na condo unit ng boyfriend.
“I have class pa,” pagsasagot ni Cristy sa wakas, ni hindi man lang tiningnan sa mata si Aries na nananatili pa ring nakahubad, ‘di umaalis sa kama. Kinuha ni Cristy ang bag at muling nagpaalam. Nakalabas na siya bago pa man makasagot si Aries.
Huminga nang malalim si Aries at humiga sa kama, ginawang unan ang mga palad na kanina lamang ay dumapo sa makinis na balat ng girlfriend, ginalugad ang bawat parte ng katawan, mula sa mga parteng litaw hanggang sa kasingit-singitan at kaloob-looban nito. Gusto niyang manatili sa kama, na may bakas pa ng ginawa nila, kung saan meron pa ring init, ‘di kagaya ng nararamdaman niya sa babaeng kakalabas lamang ng kwarto.
“Hindi naman ako bobo,” pangungumbinsi sa sarili. Inulit niyang muli lahat ng parangal na natanggap niya mula elementarya hanggang kolehiyo, sinisiguradong nasa wastong pag-iisip pa rin siya, na may kakayahan pa rin siyang mag-isip nang tuwid. Nang matapos ay tatanungin niya muli ang sarili.
Bakit ginagawa ko pa rin ‘to?
Tumayo siya at tumuloy sa banyo. Binuksan niya ang shower, pinabayaang dumaloy sa katawan ang malamig na tubig, at nagsimulang maglinis. Kinuha niya ang sabon, matagal na ipinahid sa buong katawan, sinundan ng mariin na pagkuskos ng loofah hanggang sa mamula ang kanyang balat. Pinilit niyang tanggalin ang lahat ng ebidensiyang may ginawa sila ng kanyang girlfriend sa maliit niyang condo unit, hindi dahil sa ayaw niyang malaman ng iba, kundi ayaw na niyang makita pang muli ang babae.
Isang oras ang nakalipas nang makalabas siya ng banyo. ‘Di na niya inabala ang sarili para punasan ang tumutulong tubig mula sa buhok. Hinayaan na rin niya ang nakabukas na aircon, iniinda ang lamig. Kinuha niya ang cellphone sa lamesa malapit sa kama. Sumalubong sa kanya ang wallpaper na magkayakap silang dalawa, nakangiti, at mabilis siyang dumiretso sa contacts. Tinawagan niya si Cristy, na ngayo’y nasa building katapat ng kay Aries, kasama ang dating boyfriend, sabay na pinagagalaw ang malaking kama sa mas malaking condo unit. Nag-ring lang ang telepono ni Cristy, sinabayan ang mga ungol nilang dalawa, ‘di pinansin.
BINABASA MO ANG
Parirala
RomanceLupon ng mga kuwentong umaapaw sa mga salitang parang tubig, walang depinisyon, walang tanikalang kumakahon sa mga along nagpupumiglas na makawala. Nagsisilbing parte ng isang pangungusap na sinasalamin ang tagumpay at pagkabigo ng bawat taong umibi...