Chapter 1

164 1 0
                                    


Leimin's PoV

"Who are you?" Mataray na tanong ni Dyzan sa kaharap. Tumaas ang kaliwang kilay nong babae at mahinang napahalakhak. Hindi makapaniwalang hindi siya kilala. Napaismid ako sa nakikita.

Maarte sa maarte. Psh. Nagugutom na ako.

"Who are you?" Balik tanong ni shin,ang babaeng kaharap ni Dyzan. Pinagmasdan ko ang dalawa na parang magpapatayan sa anumang oras.

"Arte. Ikinaganda mo? " mataray na sambit ni Dyzan. Napailing na lamang ako sa dalawa.

"What the hell?! Hindi arte ang tawag Jan,it's called 'class'"and 'elegance'. Mga salitang wala sa'yo" mataray na sagot ni shin. Inilibot ko ang paningin ko. Ahhhh It's nice to be back.

"Fvcking shit you're talking about? Mukha ka namang taga-palengke" sumbat ni Dyzan na ikinainis ni Shin. paano na lang kung sasabihin kong magkakasama kami sa iisang bubong?

"Well, let me introduce myself to a low class bitch, Hear it carefully, I am Real Shinandre Tennyson, Call me Real coz that's my name" nawawalang ganang sabi ni shin at hindi na nagtaray pa. Walang pinagbago ang babaeng ito. Higit sa lahat ay sobrang arte pa nito.

"Real? Baka fake?" Ani Dyzan na nakangisi pa ngunit naiinis sa presensya ni Shin. Napailing na lamang ako sa dalawa.

"Hahahaha. Stupid. Sabagay, ang katulad mo,parang bulating binudburan ng asin hanggang sa namula ang buhok. " mapang-uyam na sabi ni Shin. Natawa ang dalawa pa naming kasama.

Sumama ang mukha ni dyzan at bago pa siya magreklamo sa sinabi ni shin ay pinigilan ko na.

"Enough" putol ko sa diskusyunan nila. nagugutom na talaga ako.

"Buti naman nagsalita kana " sarkastikong sabi ni shin at masamang tumitig sa akin.

"Wag mo ngang tarayan si captain" mataray na sumbat ni dyzan.

"Captain?" Tanong ni shin na animo'y nasusuka sa narinig.

"Titigil kayo o ititigil ko kayo mismo?" Banta ko sa kanila. natahimik naman ang dalawa dahil sa akin.

"I'm Ayumi Daphine Hiroshima, Phin for short,and this is Real Shinandre Tennyson, and you are?" Biglang sabi ni Phin. Nakangiting totoo.

"I'm Ramie Ross and that red hair girl is Dyzan Vieno, kami ang kasama ni captain sa America" ani Ramie na nakangiti. Nagshake hands sila Maliban sa dalawa.

"Leimin is a bit grumpy,thanks for taking care of her" ani phin sa dalawa. Blangko ang mukha nina shin at dyzan. Hinayaan ng dalawa sina Dyzan at Shin sa pagiging sarkastiko sa isa't isa.

"It's our obligation to take care of our captain,no need to thank us" sambit ni Dyzan. Nawala ang ngiti sa labi ni Phin at tumitig sa akin. I know that look.

"Sooo,let's go?" Ani phin at naglakad palabas ng airport. Nauna sila ni Shin habang nahuhuli kaming tatlo.

Kagagaling namin sa America, ako lang dapat ang uuwi pero sumama tong dalawa. Isang taon akong namalagi roon at doon ko nakilala ang dalawa. Sina Shin at phin ay Bestfriend ko, Ngayon lang nila nakilala ang dalawang kasama ko dahil ngayon lang sila nagkita.

Sumakay kami sa kotse ni Shin. Tahimik kaming bumyahe pauwi. Nang marating namin ang bahay naming tatlo,yes. I lived in the same roof with my best friends, bahay naming tatlo.. kumpleto,malaking bahay na may swimming pool,garden,typical house for rich people. This house was a gift from Tito Harold to Phin when we were freshmen, pinasadya niya ito for us, dahil lagi namang wala ang parents namin, We decided na kami nalang magsama sa isang bahay. Truth is, wala namang paki-alam ang magulang ko kaya wala ding dahilan para hindi ako sumama sa dalawa.

WARNING: Danger ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon