Chapter 22

60 2 0
                                    



Janus' PoV

"Let's go" mahinang usal ko sa nakapikit na si Perez. Habang tumatagal ay lalo ko siyang naiintindihan. Iba siya sa lahat ng nakasalamuha ko.

"Stop staring" masungit na sambit niya kaya natawa ako.

Pinagmasdan ko siyang tumayo at mag-unat ng kamay. Ang sakit na nakakubli sa kanyang mga mata, ang pait sa bawat ngiti niya, si Perez, ang taong kahanga-hanga sa lahat ng bagay.

I sighed. This girl is in pain, and no matter how much I avoid her, there's something in her eyes,that she needs someone. And for fvck's sake, I wanna be that person.

"Tara na" yaya ko ngunit hindi pa rin siya gumalaw, nilingon ko siya at sinundan ng tingin ang kanyang tinitigan. There, Ramirez and that Chic. Lumingon muli ako kay Perez, nakita ko ang pagbago ng ekspresyon ng kanyang mata, ang lungkot kanina ay napalitan ng galit.

"Tara na" ayaya niya ng ako naman ang natigilan.

Nauna siyang naglakad. Pinagmasdan ko ang kabuoan niya. Napakunot ang noo ko ng mapansing pamilyar ang kanyang likod, maging ang tindig ay pamilyar sa akin. Tila isang palabas na bumagal ang sandali ng lingunin niya ako, natakpan ng kanyang buhok ang kanyang ilong hanggang sa labi, nanalaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

No, she can't be. She's Perez.  She's Leimin Perez.

Leimin Perez....
Lei Min Perez ...

"Hoy! Ano ba Wardens! Nabibingi ka na ba?!" Galit na bulyaw niya ngunit wala ako sa aking sarili at patuloy iniisip ang nasaksihan ko. Hindi maaari.

Perez... why are you doing this to me?

Nagpahatak nalang ako kung saan niya ako dadalhin. Nakita ko nalang ang sarili kong nasa Cafeteria na pala kami.

"Wardens, umayos ka please, parang kang nauulol jan" inis na bulong niya. Iwinaglit ko sa aking isipan iyon at pilit na ngumiti sa kanya.

"Anong gusto mo?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. Tumingin ako sa kanya at napahalakhak ng mahina, ayon na naman yong ugali niyang binubusisi ang bawat detalye na nakikita niya. Inakbayan ko siya kaya inis itong lumingon sa akin, napatanggal agad ako sa aking mga brasong nakasabit sa kanyang balikat.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" Inis na tanong niya.

Matagal ko siyang tinitigan at seryosong napatingin sa kanyang mukha, sa bawat parte ng kanyang mukha.

"Who really are you?" Mahinang tanong ko. Nawala sa kanyangang mukha ang katanungan at napalitan ng isang seryosong tingin,ngumisi siya at umiling.

"You'll hate yourself when you get to know me"aniya. Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba sa kanyang sinabi.

"Then tell me" matapang na sambit ko. Saglit pa'y tinitigan ako kaya napaiwas ako. Shit.

"Kumain na tayo" sambit niya at pumili na ng kakainin. Napasinghap ako bago siya sinundan. Habang pinagmamasdan ko ang kanyang likod,batid kong humuhulma ang hinalang kanina'y umusbong.

Nang makabili kami ng pagkain ay agad siyang naghanap ng mauupuan. Ang mga mata ng mga naroon ay nasa aming dalawa.

"Dito na lang tayo" suhestyon ko ngunit dumeretso pa rin siya sa madilim na sulok at doon umupo,Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

"Mainit don. Ayoko" aniya na parang alam na agad ang tatanungin ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

Ano bang kailangan ng isang Leimin Perez sa akin?

WARNING: Danger ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon