Shin's PoV
Byernes bukas at iyon na ang Party so ibig sabihin walang klase bukas. Nasa school na kami pero wala si Min. Hindi rin siya umuwi kagabi.
"Wala na si Ghost, but Captain looks very calm" ani Ramie. Umiling ako, she may be silent and calm but deep inside she's making a plan, a plan to get even. Hindi mapapanatag ang isang Min kung hindi nakaganti. Gaganti yan lalo na at si Ghost ang pinag-uusapan.
"Hintayin natin sa survival. Next week na yon ah?" Sambit ko. Ang bilis ng araw, mag iisang buwan na kami rito.
"Friane, Napakatahimik ng taong yon. She's quite familiar " sambit ni Phin. Me too. Parang nakita ko na siya noon pa, I think she's up something.
"Matagal na ba sina Pheuri dito? I mean, Sophomore na kayo nong umalis rito diba?" Tanong ni Ramie.
"No. I think bago lang sila, hindi namin sila nakikala nong nag-aaral pa lang kami dito. Pati sina Yura and alrane, and that bitch,Rella " sagot ko.
What happened two years ago in SH?
Naguguluhan rin ako dahil wala talagang nakakakilala sa amin dito, pero alam kong ang iba ay estudyante na nong naroon pa lang kami.
And, heto pa, bakit bawal banggitin ang pangalan ng Ikatlong anak na si Kleira Jung? Why is that? It's so weird that everyone forgot us, pati ang ibang faculty na kilala namin ay hindi kami matandaan.
"Pero hindi naman lahat ay baguhan Hindi ba? Dapat kilala na kayo dati palang" doon ko lamang nakita si Dyzan na ganon kaseryoso.
"Dahil kapag may alam ka,manganganib ka" sabay sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita, it's Travis. Hinintay ko muna siyang makalapit bago tanungin.
"What happened?" Tanong ko. Umiling siya at hindi ako sinagot.Base sa kanyang mukha ay hindi maaring sabihin ang kung anong nalalaman niya.
"Kung hanggang saan ang alam niyo ay hanggang doon lang din ako" saad niya. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang aking kinakain. Ugh. Tumahimik si Phin at hindi umimik, bakas sa kanyang mukha ang malim na iniisip.
"Hindi lahat ng nalalaman niyo ay totoo." Dagdag pa ni Trav. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano Ang hindi totoo roon?
"Everything seems so strange here. " wala sa sariling sambit ni Phin.
"SH is not safe anymore. " iyon lamang ang sinabi ni Travis. Napagtanto ko na ang dahilan kaya sapilitan kaming pinaalis sa paaralang iyon, natatandaan ko ang araw na iyon. We need to study abroad and learn everything, naghiwalay kaming tatlo that time. But what's the reason behind?
"Hindi pa ba safe to sa lagay namin?" Sarkastikong tanong ni Dyzan.
"That is why we don't want you here " unti unti ko iyon naintindihan ng sabihin ni Travis iyon sa amin.
"Pero matigas ang ulo niyo,pumasok pa rin kayo" dagdag niya. Hindi ako kumibo dahil maraming ideya ang nabubuo sa aking isipan simula noong nakaraang dalawang taong wala kami."Pano naging iba ang SH kumpara dati?" Ramie Asked and so I sighed.
"Walang Devil time dati, walang nakakapasok dito maliban sa mga estudyante, kailangan mong tumira sa SH residence dahil ipinagbabawal ang paglabas ng mga estudyante. It's getting ...complicated " sagot ko. That was true. Even Min,nagulat ng may ganitong patakaran, she hate it.
"May nakakapasok na outsider rito?" Tanong ni Phin.
"Yes."
"Bakit hinahayaan ng Presidente na mangyari ito?" Gulong gulong tanong ko.
BINABASA MO ANG
WARNING: Danger Zone
Mystery / ThrillerI am Danger. Hell is my last name, when you touch me you'll die and this is warning, I am Danger zone. Leave or Die? You choose.