Chapter 20

74 1 0
                                    



Lexus' PoV

I' am so lost,Ramirez and you bring me back

I am so lost,Ramirez and you bring me back

I am so lost,Ramirez and you bring me back

Napahilamos ako sa sinabi niyang iyon. Nilingon ko siyang natutulog sa couch sa aking kwarto. Pinagmasdan ko ang kanyang likod.

Halos mabaliw ako kanina nang sabihin niya iyan, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng sinabi niyang nasasaktan siya. Sa pagkakataong iyon ay inaamin kong sumobra na nga ako, inalala ko ang araw kung kailan naglapat ang aming mga mata, iyon yong araw na pumasok sila sa paaralan. Inalala ko ang mga sinabi ko sa kanya, dahil sa galit at inis ko ay napagsalitaan ko siya ng masama, iyong araw na humanga ako sa kanya dahil kahit gaano ako kasama sa kanya ay pinili niya pa ring manatili at maging totoo, kahit noong nangyari sa survival, iyong galit sa kanyang mga mata, iyong galit na naghuhupa kung iyon ay nakatingin sa akin, iyong mata niyang walang nakikita kundi ang kawalan niya ng kwenta. Natatandaan ko ang lahat, iyong buong atensyon niyang ibinibigay niya sa akin kahit na nasa tabi niya na si Wardens, iyong pananahimik niya tuwing sinasabihan ko siya, iyong pag-aalala niya tuwing may bangas ako, iyong salita niyang tumatak sa akin.. iyong kwento niya...nakuha niya ang buong atensyon ko.. iyong mga biro niya na kinaiinisan ko..

Si Leimin Perez, ang taong nakaramdam ng bagsik ko ngunit nanatili sa tabi ko.

I sighed. I am so selfish. I want her attention alone, hindi ko namalayang nakakasakit na ako ng tao,at babae pa.

Wala ka ng karapatang hawakan ako, maalala mo ang araw na ito at pagsisihan mong ginago mo ako

Nang sabihin niya iyon noong survival ay halos manigas ako, may parte sa akin na hindi matanggap iyon, na hindi ako sang-ayon sa kanyang sinabi,na hindi pupwede.

Ginagawa mo akong laruan mo Ramirez

Parang ibinubulong iyon ni Perez sa akin. Pakiramdam ko ay napakasamang tao ko,

Tumayo ako at naglakad palapit sa kinaroroonan niya. Ako ang nahihirapan sa sitwasyon niya sa pagtulog. Kung narito ang ate ko ay masasapak niya ako.

Sa lahat ng babaeng nakasalamuha ko, siya ang kakaiba. Gusto ko ang presensya niya at hindi ko alam kung bakit, gusto ko nasa tabi ko lang siya.

Pakiramdam ko ay kilala niya ako, pakiramdam ko ay nakasama niya na ako, pero bakit? Bakit hindi ko siya kilala?

Umikot siya at nakaharap na siya sa akin, nanlaki ang mata ko, kinabahan ako bigla sa naisip na baka magising siya. Inihilig ko ang aking mukha at tahimik na pinagmasdan siya. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito kalapit, iyong wala siyang malay dahil kapag gising ang babaeng to ay aasarin niya lamang ako.

Brown ang kulay ng kanyang buhok, ang kilay niya ay maganda ang korte, hindi makapal at sakto lang, mahaba rin ang kanyang pilik mata, makinis ang mukha, ang ilong niya ay maliit at matangos, ang labi niya ay hindi manipis ngunit hindi rin ganon kakapal, mapula ang labi niya. Napalunok ako habang nakatingin sa kanyang labi.

Ang ganda niya, napakaganda niya. Heto ang babaeng kahanga-hanga. Ang babaeng hindi ko akalaing mananatili sa tabi ko.

"Is it okay to mark you as my own?" Mahinang sabi ko. Wala sa sarili. I close my eyes, unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya,I want to taste that lips! And when our lips met, my head hurts. Napalayo ako na tila nakuryente!

What was that? What did I do?

"Agggh" mahinang daing ko na sumasakit ang ulo ko. Napapikit ako, sa pagpikit ko ay unti unting lumalabas ang mga imahe,malabo ito, nakarinig ako ng halakhak, nagapapalit palit ang mga imahe, isang babaeng may itim na buhok,mahaba at kulot ang dulo, ang labi niya ay mapupula, but I can't see her clearly! Who is that girl?

WARNING: Danger ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon