Chapter ❸

185 11 9
                                    

Chapter

            Jessie Mc?

            Teka, hindi niya ito narinig. Late na siya. Mon Dieu! (Oh my God/My God) She groaned out loud. Bakit walang nagpagising sa kanya? Bumangon agad siya at dumiretso sa bintana para buksan ito, napapikit naman siya sa sinag ng araw na tumama sa bagong gising niyang mata at pumasok sa buong kwarto niya.

            Ah mère! (Mother!) Late na nga siya…alas otso na yata at alas otso ang unang klase niya. Maliligo pa siya at kakain. Pish. She’s screwed.

            Lumabas siya ng kwarto na nakapantulog pa, sila Mommy at Daddy niya at pati na rin ang kapatid na si Trent ay nasa sala pagbaba niyai. Nanonood ng telebisyon.

            “Bakit hindi ka pa nakabihis?” Untag niya sa kapatid. “Bakit walang kumatok sa kwarto ko?” Pagmamaktol niya.

            They all watched her in surprise. Teka, ano na naman ba ang nasabi niya? Trent bursted in laughing and Dad snickered too.

            “Sis, holiday ngayon,” sagot ni Trent. Sumalampak siya sa sahig.

            “Ganoon ba?” Pabulong niyang sabi sa sarili. “Nakalimutan ko yata,” pahabol niya.

            “Excited ka yatang pumasok,” sabi ng Mommy niya.

            “Well that’s good news, at least you’re enjoying your studies here,” kumento ng Frances niyang tatay. Enjoy nga Daddy, unang araw ko pa lang kahapon palpak na ako, of course he doesn’t have to know that one, she spoke to herself.

            “Yes Dad, and I met new friends,” sagot niya na lang sa ama-amahang Pranses.

            “Buti naman,” tagalog nitong sagot na may accent which she always found cute. “Kapatid mo, always plays around,” dagdag nito.

            Trent groaned, “Dad, nag-aaral naman ako ah,” depensa nito sa sarili. Buti na lang nakakaintindi  ang Daddy nila ng tagalong kahit papaano.

            “O siya kumain na nga tayo,” putol ng Mommy nila. “May aasikasuhin pa kami ng Daddy ninyo mamaya.” And they all talked about her Dad’s another business in France, while she stayed her mouth shut; she didn’t have a brain for those matters.

            ***

            See yah later P. Text sa kanya ni Ivanna. Nagyaya itong mamasyal sa mall tutal holiday naman daw. Niyaya rin nito sina Shane at Louise, which she didn’t mind in the least, she thought it would be best since she would get to know them better.

            Be there after half an hour. Reply niya sa kaibigan. Nakaligo na siya at nakapaglunch na.

            Pagbaba niya, himala at si Trent nasa bahay pa nila.  “Oh bakit nandito ka?”

            “Bantay-bahay,” tipid nitong sagot na parang nababagot, nilalaro ng paa nito si Chanceux.

            “No date today?”she teased.

            He snorted and leaned back in the sofa. “Dapat mamimiss din ako ng mga girls ko, unfair naman yata, wala na akong pahinga.”

            “Sira,” at binato niya ito ng napulot niyang throw pillow, umilag naman ang loko.

            “Pakilala mo ako dyan sa mga amie mo.” (Female friend) Kumindat pa ito sa kanya.

            “Folle,” she snapped at him. (Crazy/Fool). “Maghanap ka ng kaedad mo huh, at mag-aral ka nga muna.”

Run Poppy RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon