CHAPTER ONE

320K 5K 364
                                    

Chapter One

            “ANO ba Landon bitiwan mo nga ako!” galit na tulak niya sa asawa niyang sinundan sila sa isang private resort sa Cebu. Hindi naman talaga siya ang sinundan nito nagkataon lang na isinama ito ni Aiden na hinabol si Lucille. Ang lalaking iyon kasi sobrang halatang-halata na may paselos effect na akala mo naman kung sinong observant si Lei may pagkamanhid ang kaibigan niyang iyon eh.

            “What the hell are you wearing Amber?” galit na tanong nito sa kanya ng mahila na siya sa may hindi mataong lugar ng resort. She is wearing that sinful yellow two piece bikini Lei gave her dahil sadya nitong pinalitan ang mga gamit na dala niya. At saka wala namang masama sa suot niya she doesn’t look slutty at all. Naiilang nga lang siya dahil hindi iyon kulay red at black which is her favorite colors.

            “What do you think I am wearing Landon? A gown? Matuto ka ngang tumingin.” Pinaningkitan niya ito na ewan lang niya kung napansin nito dahil singkit na ang mga mata niya. And yes, nag-aaway sila kasi naman po hindi sila normal na mag-asawa. Hindi sila iyong mag-asawang ikinasal sa simbahan na may wedding gown, wedding ring and a true love’s kiss. Walang love between them ng ikasal sila.

            It was sudden for her, that was five years ago. She just turned twenty and she finally had her license to drive a plane as a pilot. She was too happy kasi pwede na siyang maging piloto and that was her job before she was suspended a year ago. Nasa club siya sa Las Vegas having a night of fun with her classmates when someone pulled her from the crowd.

            At sumama naman siya, dahil medyo tipsy na rin kaya nakijoin nalang siya sa kung anuman ang plano ng gwapong mama na may hatak sa kanya. Gwapo eh and he looks educated too hindi siya iyong tipong sumasama sa kung sinu-sino but for some reason sumama siya sa lalaking iyon na si Landon pala. May ibinigay itong papel sa kanya na papapirmahan daw sa kanya at siya itong tanga ay pumirma and after that he’s gone. She got curious kung ano iyong nasa papel pero wala na siyang pakialam since hindi na naman niya ito nakita pa. Not until recently, when they meet again after four years ay nagkita sila and he informed her that they are married.

            Kung kulang pa ang shock sa description niya sa nalaman niya at hindi lang iyon. He didn’t even care to explain at harapan ang pag-iwas nito sa kanya na para bang may nakakahawa siyang sakit. At ang harapan nitong pagshow-show off ng mga kung sinu-sinong babae sa harap niya. She got pissed kasi asawa nga sila di ba? At least kung hindi man siya nito ituring na asawa ay sana ituring naman siya nitong tao. But damn him, he didn’t even try at malakas ang loob pa nitong magalit-galitan dahil sa suot niya? Damn him!

            “Ang lakas din ng loob mong magsuot ng ganyan.” Nainis siya sa tono nito. “You are married for God sake.”

            She smirked at him and when he saw that he scowl ibig sabihin ay hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang pagsmirk dito. Kahit naman na hindi sila gaanong nagsasama ay nakilala na niya kahit papaano ang ugali nito. He hates it when he doesn’t get what he wanted. He always gets what he wants and he is egoistic ayaw tumanggal ng pagkakamali at hindi lang iyon he is a total jerk especially to her. Wala itong pakialam sa nararamdam niya what matters is what HE feels, gentleman ito sa iba pero para lang siyang hangin na dinadaan-daanan nito. At kakausapin lang siya para pagsabihan kung ano ang dapat niyang gawin upang hindi ito mapahiya sa mga kaibigan nito. At iyon ang mas lalo niyang ikinagalit dito sana ay nagfile nalang agad ito ng divorce at ng hindi na sila mahirapan pa ng ganito. At dahil inis kaya sinagot niya ito ng pabalang making him angrier.

Royale Series 5: UNTIL I'M FORGIVEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon