CHAPTER TEN-A

196K 3.3K 148
                                    

CHAPTER TEN-A

              “ANO na ang nangyari?” salubong ng mama niya ng makarating siya sa hospital. Ayaw sana niyang makaharap ang mama niya ngayon dahil galit na galit siya. Nalaman nalang niya na napirmahan na ni Amber ang divorce paper mabuti nalang at nakita niya ang mga papeles bago pa iyon nakarating sa korte.

            “Mom, please I want to be alone.” Galit na sinuntok niya ang mesa niya and saw his knuckles drawing some blood. Masakit pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon. And who to blame? Walang iba kundi siya lang naman. Siya lang naman ang tanga dito, siya ang walang kwenta at siya ang walang utak.

            “Anak do you want me to talk to her?” nag-aalalang tanong ng mama niya.

            “Ma, harapan nga niya akong iniwasan mas lalo naman kung kayo pa ang pupunta sa kanya. Naiintindihan ko naman kung bakit galit siya sa akin I’ve hurt her more than twice. Akala ko nnaayos ko pero heto sinira ko na naman ang tiwala niya.”

            Lumapit sa kanya ang ina niya. “Anak, I’m sorry.” Hingi nito ng paumanhin sa kanya pero wala na ang magagawa ang sorry nito dahil hindi lang anak niya ang nawala sa kanya pati na rin ang asawa niya. Ang asawa niyang mahal niya at mahal na sana siya pero ang tanga tanga niya wala na bang mas tatanga pa sa kanya? Siya na nga yata ang pinakabobo sa lahat ng bobo.

            Bakit ba kasi hindi niya nagawang ipaglaban ang mag-ina niya? Bakit ba nabulagan siya ng pag-alinlangan at galit. Yes, he loves his dad and his mom pero mahal din niya ang mag-ina niya.

            Hindi naman nito kasalanan kung bakit namatay ang daddy niya at mas lalong hindi ito ang pumatay sa tatay niya. And he hurt her again at ngayon alam niyang mas dapat pa niyang doblehin ang gagawin niyang pagsuyo kay Amber. Alam niyang hindi na ito makikinig sa kanya.

             Sirang-sira na siya sa asawa niya.

            “Why don’t you give her space Landon?”

            He flinched. “Mom, I took her for granted for four years right after I pulled her out of the blue and married her without her knowing. I took her for granted and even hurt her again when we met and another four years I learned that I already have a son and a wife. Hindi ko na kaya pang magbigay pa ng isa pang apat o limang taon para lang makuha siya uli.”

Royale Series 5: UNTIL I'M FORGIVEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon