Chapter Two
After four years…
“Mommy!!!” napangiti siya ng marinig ang malambing ng boses ni Jair na gumigising sa kanya. Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang noo, sa pisngi at sa ilong niya. Such a good way to start a day kaya agad siyang nagmulat ng mga mata.
“Good morning baby.” She sleepily kiss her handsome baby boy.
“Happy birthday mommy!” bati nito sa kanya. Kaya pala sobrang agang nagising nito dahil doon. “We are going to see ninang Lei today with her baby.” Excited na nagtatalon ito sa kama niya.
“Eh? Hindi ka excited na icelebrate ang birthday ni mommy?” kunwari ay nagtatampong tanong niya.
“Of course not mommy, I want to eat cakes.” Napangiti siya habang nakatitig sa anak niya. Nang manganak siya kay Jair ipinagdasal niya na sana ay features niya ang makuha ng kanyang anak pero hindi dininig ng Diyos eh. Dahil kamukhang-kamuha ng ama nito ang anak niya. Nagbunga ang nangyari sa kanila ni Landon sa resort at hindi niya ito ipinaalam kay Landon para ano pa eh hiwalay na naman sila. Maayos niyang napalaki ang kanyang anak at proud siyang sabihin na matalino ang anak niya. At the age of three ay ginusto na nitong mag-aral kaya ipinaenroll niya sa isang malapit na nursery school. Matatas na rin itong magsalita and so far nababantayan din niya ang kanyang anak dahil homebased ang kanyang trabaho.
She is now working as a full time writer. She writes mystery, suspense and romance novels and she’s been working for four years now and so far so good. She is then a mystery writer though. Ayaw niyang ipaalam sa lahat ang tunay niyang pagkatao dahil napaparanoid siya. Baka kasi makita sila ng tatay ni Jair at magdemand ito ng rights sa anak niya. She doesn’t want to share her son to anyone especially to him.
Hindi naman siya tumakbo yes nagtago siya pero hindi lumayo nasa malapit lang sila actually. Alam lang niya kung paano iiwas ang sarili sa mga taong hindi niya dapat makita at iyong mga taong dapat niyang makita. Gaya na lang ni Lucille ito ang tumulong sa kanya sa oras na kailangan niya ng karamay. Hindi siya nito iniwan at hindi siya nito pinabayaan and she is happy to have a friend like her. Ito ang ninang ni Jair although minsan lang silang nagkikita dahil na rin sa request niya baka kasi makahalata ang asawa nito na kaibigan ni Landon.
“Mommy what are you thinking?” untag ng anak sa kanya.
“Nothing baby. Common let’s have breakfast what do you want for breakfast by the way?”
“I want pancakes with butter on top.”
“Then pancake it is. Take a bath then let’s have breakfast and mommy will walk you to school.”
“Yayy! Mommy my classmates said you are very pretty they said you look like a doll.” Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. napalunok siya dahil mukha ng anak ang kaharap niya pero naalala niya ang ama nito dahil sa sobrang kahawig sila. Wala siyang galit sa anak niya because she love her son too much, sa ama siya nito may galit nab aka ngayon ay kinalimutan na rin siya. Wala namang nasasabi si Lei kung kasal na ito o hindi alam ng kaibigan niyang ayaw din niyang makabalita ng kung ano mula sa taong iyon. So much for reminiscing her past basta ang mahalaga ngayon ay masaya na siya with her son and she is living the life she actually want to have.
BINABASA MO ANG
Royale Series 5: UNTIL I'M FORGIVEN (COMPLETED)
RomanceTITLE: UNTIL I'M FORGIVEN (SPG) TEASER: Hindi mawari ni Amber ang nararamdaman habang nakatingin sa kanyang dating asawa. She did all the possible ways para hindi lang muling magkrus ang landas nila but destiny is not at her side dahil het...